Kwentong Hukay

17.7K 519 93
                                    

Huwag kang maghahamon sa gitna ng dilim.

Huwag mong uusyosohin ang hindi mo kayang makita.

At huwag mong hanapin ang hindi mo kayang harapin.

Tatlong kuwento ng dilim na magpapaalala sayong mas ligtas ka sa liwanag.

BISITA - May sumisilip sa kuwarto mo. May nanonood sayo. Hindi nagpapakita pero alam mong nandun. Wag mong tatawagin. Wag mong hahamunin. At lalong lalo na, wag mong iimbitahin sa loob ng kuwarto mo.

PALAPAG - Paulit-ulit na nagpapakita sayo. Nagpapaisip. Napapanaginip. Isang masamang pangitain. Isang pagpaparamdam. Wag usyosohin ang hindi mo kayang tingnan.

LIHI - Pumipintig sa sinapupunan mo. Lumalaki. Humihinga. Sumisipa. Sa loob ng tiyan mo ay may isang nilalang na malapit nang ilabas. Kaninong bunga? Kaninong anak? Wag hulaan ang hindi mo matatanggap.

Kwentong Hukay [Completed]Where stories live. Discover now