Story 1 : BISITA

15.9K 441 262
                                    

-----

Tak. Tak. Tak.

Dumidiin ang daliri ni Erika sa keyboard ng computer. Blangko ang mukha niyang nakatingin sa monitor. Tuyot ang mga labi. Mapula ang mata. Magulo ang buhok.

Alas dies ng gabi. At wala siyang ibang ginagawa kundi titigan ang pictures ng mga propesor niya sa kolehiyo habang nakikipaglampungan ang mga ito sa mga estudyante. Meron siyang litrato ng propesor niya sa Humanities kasama sa motel ang cheerleader. Litrato ng propesor sa Ethics na kahalikan ang isang estudyante ng nursing habang nakasakay sa loob ng kotse nito. Litrato ng propesor sa Philosophy na bigay na bigay na nakasandal sa locker room habang kita ang puwet ng basketball player na nakayapos dito. At meron siyang litrato ng Dean. Kasama siya.

Ilang araw lang at pwede na siyang mangolekta ng bayad. Bayad sa pananahimik niya. Bayad sa pagtatago niya ng mga litratong meron siya.

Mabilis na gumapang ang isang ipis palapit sa kinagatang bar ng tsokolate na naiwan niyang nakatiwangwang sa ibabaw ng mesa ng computer. Nakita niya ang paggalaw sa gilid ng mata niya. Hinintay niyang makakagat ng kaunti bago niya pinitik ng malakas.

Aagawan pa siya sa chocolate! Yun na nga lang ang hapunan niya.

Nagtitipid kasi siya. Isa pa lang ang siguradong makokolektahan niya ng pera. Si Philosophy yun dahil ang laswa ng litrato nito. At doon pa lang niya pababayaan ang sarili niyang kumain ng maayos.

Ang perang hawak niya noong nakaraan na ibinigay ni Dean ay naipadala na niya sa mga magulang sa probinsiya na malaki ang paniwalang magiging Cum Laude siya. Dalawang taon na lang ay gagradweyt na siya sa kolehiyo sa kursong kinatamaran na niyang pasukan. May dalawang taon pa siya para pag-isipan kung paano makukumbinse ang Dean na bigyan siya ng Laude na yan.

Hindi siya mahihirapan. Sigurado siya roon.

Ding-dong!

Masama niyang tiningnan ang pinto.

Sino kayang naka-droga sa mga kaibigan niya at nagkalakas ng loob na paingayin ang bulok na doorbell?

Mabigat ang hakbang na lumapit siya sa pinto. Binuksan iyon.

Wala.

Walang tao sa buong hallway.

Kwentong Hukay [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon