STORY 3: LIHI

8K 269 59
                                    

AUTHOR'S NOTE: Read with precaution! <3

------

Pangatlong buwan...

Hinablot ni Amy ang balot ng puto-seko kay Charina, "Binili ko 'to para sa buntis. Hindi para sayo."

Binawi naman ni Charina ang nabuksan nang pagkain, "E, ayaw nga niya e. Ni hindi nga pinansin. Ibigay mo na lang sa'kin. Ako ang nagugutom."

"Lagi kang gutom, ang laki na nga ng kaha mo!"

Nakangiti lang na pinanonood ni Rachel ang pag-aasaran ng mga pinsan habang paupong nagpapahinga sa kama ng ospital.

"Oy, Miss, wag kang ngingiti-ngiti lang diyan. Marami kang dapat ipaliwanag no." sa kanya naman bumaling si Amy.

"Oo nga. Sinong matinong buntis ang naoospital dahil sa dehydration?" dagdag naman ni Charina.

"Walang matinong buntis, Amy. Lahat -" at ang natitirang sasabihin ay idinaan ni Charina sa kumpas. Inikot-ikot nito ang hintuturo sa may tainga at nakatutok pa sa ere ang mata.

"Sorry."

Pinandilatan siya ni Amy.

"Sorry? Sorry lang? Sabi ni Auntie, lagi naman daw niyang tinatanong kung anong gusto mo pero kahit na anong iluto niya, tinitikman mo lang. Tapos nagdududuwal ka. Ano ba kasi talagang gusto ng baby mong kainin?"

Idinantay niya ang palad sa maumbok na tiyan.

"Hindi ko alam e." nakangiti pa rin siya.

"Baka naman naghahanap sa tatay niya yan. Nasan na ba si Eric? Nakontak mo na?"

Madiing nagtikom ang mga labi niya sa tanong ni Charina. Saka siya nagpilit ngumiti.

"Oy, hindi pa rin tumatawag man lang? Aba! Ang kapal ng face niya a."

Siniko ni Cha ang katabi.

"Ikaw, lagi kang highblood. Kapo-porkchop at crispy pata mo yan e! Baka naman nag-iisip-isip pa yung tao. Siyempre, bago pa lang sila ni Rachel. Hindi mo naman masisisi kung magulat yun na biglang buntis na pala tong girlfriend niya!"

"Anong nag-iisip-isip?! Dalawang buwan na siyang nag-iisip! Ni hindi man lang siya concern na naospital tong mag-ina niya." huminga muna ito ng mahaba bago nagpatuloy sa pagka-highblood, "At wag siyang magulat kung nakabuntis siya. Natural kapag gumagawa ka na ng bata, may lilitaw talagang bata kapag nagkamali ka!"

Natahimik ang mga pinsan niya nang makaramdam ng pagkilos sa likod ng kurtina na nakadibisyon sa higaan niya. Nakatingin din si Rachel habang unti-unting nahahawi ang puting kurtina.

"Baka naiinip ka diyan sa pwesto mo. Para makita mo rin yung bintana."

Kwentong Hukay [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt