The 350 Children

130K 5.5K 976
                                    

Ria's POV

Siningkit ko ang mga mata ko nang makita si Kara na pumasok sa pinto. Pangatlong late na niya ito this week.

Napansin ko rin ang pagbubuntong-hininga niya palagi as if she's making some crucial decision.

Is she?

Nagsimula nang magturo si Doc Liv. I got bored eventually and I took a quick glance sideways at nakita si Chase na nakapikit ang mga mata at nakangiti.

Sa tabi niya ay si Dio na coincidentally, has the same look as of Kara's.

I shrugged.

It's not my business anyways.

•••

Pumasok ako sa library kasama si Cesia. Nag aya akong pumunta dito to gain a clue about the prophecies. I mean.. ngayon ko lang napag-isipang pumunta dito after thousands of years kasi nga, naging busy kami.

"Ria..." nilingon ko si Cesia na may binagsak na limang book sa table.

Tinignan niya ako. "Pwede mo ba akong samahan sa syudad? Ano kasi.. may titignan lang ako na mga gamit ng auntie ko."

Umupo siya sa tabi ko saka kinuha ang libro na nasa top pile. She rested her chin on her hand and sighed.

"Sige. Just not tomorrow and the day after. May schedule ako kasama ang faculty eh." sagot ko.

I noticed her pout. Pati na rin ang disappointment sa mga mata niya. That's when I knew na hindi ako makakasama sa kanya.

"Okay lang..." nginitian niya ako saka tinuloy ang pagbabasa niya.

"Si Kara?" tanong ko.

She pursed her lips for a second bago sumagot. "Mukhang kakailanganin rin sila ni Doc Liv kasama si Seht eh. Tas si Chase, Dio, at Trev naman, may nakaschedule na meeting sila kasama ang Gamma at Beta na bukas rin. Si Thea... alam mo na.. palagi siyang nasa mechanical room." she smiled again. Pero malungkot ang ngiti niya.

Gusto kong samahan siya kaso once in two weeks lang ang meeting ko kasama ang faculty.

"Can't you postpone it?" I asked flipping to the next page.

Umiling siya. "dalawang araw lang ang ibinigay ng principal sa'kin. But okay lang..." she took a deep breath. "pasasamahin ko nalang si Galatea."

Tumango ako. "Make sure na macocontact namin kayo okay?"

Tumango siya.

We read about the history of the Gods. And it occurs to me na nadedeceive rin pala sila. So posibleng mangyari sa kanila yun. I also searched for Gods na pwedeng makontrol ang pag-iisip nila but they're gods...

The question still remains... who triggered the rebellion?

Nilista ko lahat ng mga chthonic Gods and added some titans bago lumabas sa library. Saktong narinig na namin ang tunog ng bell signifying the end of the 4th period, which, for the alphas, is the last period of today.

"Sa'n ang lakad mo ngayon?" tanong ko kay Cesia. Nakatingin lang siya sa sahig habang naglalakad pabalik sa dorm. Pag ipapatuloy niya yan, sigurado akong mababangga siya sa pader o poste.

Kumunot ang noo ko. I was wondering why she can't look straight ahead.

In front of us, ay isang grupo ng Beta class na kalalabas lang mula sa classroom nila. They're heading our way at napansin ko ang mga tingin na ibinibigay nila sa'min.

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now