Affected

128K 7.2K 4.1K
                                    

Cesia's POV

Nagising ako dahil may humahaplos sa buhok ko. Pero hindi ko na kailangang tignan kung sino yun. Amoy palang nalaman ko na kaagad.

Napangiti ako.

"Anong ginagawa mo dito?" binuksan ko ang aking mga mata.

Nakita ko ang isang plastic bag na nakapatong sa tabi ko.

Sinubukan kong bumangon pero nahirapan ako. Buti nalang at tinulungan nga niya akong makaupo sa kama.

Aish.

Di ko inaasahang ganito pala pag nanghina ang katawan ko. Akala ko magiging okay na ako pagkatapos ng ilang oras.

Sumimangot ako.

Kailan kaya babalik sa dati ang kondisyon ko?

"I'm sorry for waking you up." napuno ng pag-aalala ang boses niya.

"Okay lang." umiling ako at napangiti.

Naalala ko ang sinabi ni Kara kay Galatea kanina lang kaya bumagsak ang mga mata ko sa plastic bag.

"Ambrosia?" hula ko.

Nasagot ang tanong ko nang kumuha siya ng dalawang vials ng ambrosia mula dito.

"Sa'n mo nakuha yan?" curious kong tanong.

Hindi ko alam kung saan galing yan basta ang alam ko, mahirap hanapin ang ambrosia sa panahon ngayon.

Binuksan niya ang ambrosia at inabot ito sa'kin. Tinignan ko lang siya at tinanggap ito.

"Ba't ang dami nito?" pangilang tanong ko na pero wala pa rin akong natatamong sagot mula sa kanya.

Nagbuntong-hininga ako.

"I'm sorry." pumikit siya saglit. "Your eyes kind of distracted me." binigyan niya ako ng malungkot na ngiti.

Ah.. kailangan na talaga naming masanay sa bagong kulay ng mga mata ko.

Tumango ako habang nakangiti na parang bata. Wala lang. Naalala ko na naman kasi ang sinabi ni Kara. Mas pinili niyang maghanap ng ambrosia kesa pumunta sa meeting nila.

Ngunit nawala ang ngiti sa mukha ko nang may mapansing kakaiba sa kanya.

"Trev..."

Ang hina ng heartbeats niya ah.

"Trev." umayos ako ng upo. "okay ka lang ba?"

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na namumutla siya.

"T-teka-" Ano bang nangyayari sa kanya.

Nagsimula na akong kinabahan.

Hindi naman siya mainit pero nanlalamig ang buong katawan niya.

Kaya ba ang marami ang ambrosia na dinala niya... kasi masama rin yung pakiramdam niya?

Tinignan niya ako saglit bago tuluyang mawalan ng malay at bumagsak sa higaan.

"T-trev?" lumapit ako sa kanya.

"Trev!" Mahina kong sinampal ang pisngi niya.

Ang hina pa rin ng heartbeats niya!

Umm.. ano ba.. ano bang gagawin ko.

Eh hindi ko naman siya kayang dalhin sa clinic mag-isa katulad ng ginawa niya sa'kin diba?

Ginulo ko ang buhok ko.

Alpha OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon