Split

126K 6.7K 3.6K
                                    

(A/N: Want to know my favorite music of all time? I saved it for this chap. xx.)

Cesia's POV

Kasalukuyan akong umiilag sa bahagi ng lupa na binabato ng leviathan habang pinipigilan ang inveiglements ni Eris.

Mahirap ngang mag multi-tasking. Lalo na pag nasa digmaan.

Sa totoo lang, nararamdaman ko rin ang sakit na nararamdaman ng ibang alphas.

Pero binabalewala ko lang ito.

Nakarinig ako ng ingay mula sa likod kaya nagtaka ako. Napatingin ako sa direksyon ng tumatakbong mga kalansay?

Huh?

Siningkit ko ang aking mga mata para makita ng maayos ang lalaki na nakatayo sa dulo ng nagaganap na kaguluhan.

May bumaon na dagger sa hita ko kaya sumimangot ako imbes na ngitian siya.

Huminga ako ng malalim saka tinignan ito.

Kinuha ko ito at ginamit ang weapon ko para itusok ang dagger sa mata ng leviathan na kanina pa ako inaabala.

Sinikapan ko ring guminhawa at a steady space kahit nananakit na yung buong katawan ko. Kapag tumalab ang sakit sa'kin, lahat sila maaapektuhan. Ako lang ang pumipgil sa kanila na sundin ang mga utos ni Eris.

'Aren't you tired... Cesia?'

Speaking of the devil.

Pinipilit niya akong ibaba ang barrier na ginawa ko specifically para sa mga inveiglements niya.

'Come on, child. Take a deep breath and rest..'

Pang ilang utos na niya 'yan at naramdaman ko ang sarili ko na unti-unting nanghihina.

Ano nga ba ako kumpara sa isang goddess na katulad niya?

Syempre. Madadala ako sa kanya.

"Ah-" nadulas ako.

Aish.

Ginamit ko ang pangalawa kong ambrosia. Isa nalang ang natitira at hindi pa gising si Gaia. Sinave ko 'to para sa kanya eh.

'I said demigod... sleep.'

Agad akong nawalan ng balanse. Mayamaya, hindi ko rin naigagalaw ang katawan ko.

As of now... ang bilis ng tibok ng puso ko. Naramdaman ko kasi ang paglaho ng koneksyon ko sa Alphas kaya wala na silang proteksyon mula sa akin.

Masamang balita ito.

Sinusunod ng sistema ko ang utos niya.

Lumapit siya sa'kin saka tinignan ako na may ngiting kinasusuklaman ko.

"Ang dali mo namang mapagod." aniya at hinaplos ang buhok ko.

Nataranta ako dahil hindi ako makahinga. Ibig sabihin... ganun din ang nangyayari sa iba. Ang mga amazons... ang Alphas...

Nagdudurusa sila ngayon...

"Isn't this what you feared the most Cesia?" natatawa niyang tanong.

Para akong nakadikit sa lupa.. at wala akong magawa kundi ang makinig sa sinasabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil kakaunti nalang ang heartbeats na naririnig ko mula sa Amazons.

May... may namatay sa kanila.

"Maybe I will let you die last, don't you think? I will let you hear their heartbeats... one by one.. slowly vanishing." lumapad ang ngiti niya.

Alpha OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon