Permanent

129K 6.4K 1.2K
                                    

Cesia's POV

Nagulat ako ng kaunti nang marinig ang mga katok mula sa pinto. Nakapikit ang mga mata, inutusan ko si Galatea na buksan ito. Di ko alam paano pero nagawa niya talaga ang inutos ko.

"Is she asleep?" boses ni Kara ang narinig ko. "I heard she didn't eat lunch?"

Hinatak ko ang kumot hanggang matakpan pati ang mukha ko.

Nakaoff naman ang aircon ah. Nakasarado na rin ang bintana pero ba't ang lamig pa rin. Wala rin naman ako sa North Pole pero nanginginig talaga ako.

Wala nga akong lakas tumayo kanina kaya di ako kumain.

Binuksan ko ang mga mata ko nang hinila ni Kara ang kumot. Dinamdam niya ang noo ko.

"She was sick since when?" nilingon ni Kara si Galatea.

"Before lunch time..." tumalon si Galatea sa higaan saka tumabi sa'kin. "Gusto niya lang daw magpahinga pero..."

"you didn't notify anyone?" nakakunot-noong tanong ni Kara.

"Uhh.. she commanded me not to." sagot ni Galatea.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kara. Sinamaan niya ako ng tingin pero saglit lang dahil napalitan kaagad ito ng pag-aalala.

Umupo ako at nginitian siya. "Kara... trust me. Okay lang talaga ako.. sabi ni Doc normal lang daw pag lalagnatin ako. May ibinigay naman siyang mga gamot eh.." tinuro ko ang mga gamot na nakapatong sa nightstand.

Tinignan niya ang mga ito at tumango.

"You have to rest. We'll talk tomorrow." tumayo siya.

"T-teka.. Kara. Sabi kong okay lang ako. Ikaw na mismo ang pumunta dito kaya alam kong mahalaga ang pag-uusapan natin." pinigilan ko siya. "Ano nga ba ang pag-uusapan natin?"

Umupo siya at tinitigan ako. May kutob akong may gusto siyang malaman mula sa'kin.

Magtatanong siya.

"Do you remember anything about your father Cesia?" tanong niya.

Napangiti ako nang nagkatotoo ang hinala ko. Tumango ako bilang sagot.

"Bakit?" nagtaka ako nang may kinuha siya mula sa bulsa niya. Isang litrato na nakatiklop.

"I found this in your house." Inabot niya ito sa'kin.

Napagtanto kong ito nga yung picture na naiwan ko nang bumisita ang mga anak ni Gaia dati...

Natagpuan ko ito kasama ang bracelet ko... na nakatago ngayon sa drawers. Ayokong suotin ito dahil baka masira. Yun pa naman ang natatanging bagay na meron ako na galing kay papa.

"Do you know who are these people in the photo?" tanong niya.

"Mmm.." tumango ako. "Yung nasa gitna.. si auntie tas... ito naman.. papa ko.. yung isa..." tinignan ko ang lalaking katabi rin ni auntie. "ang alam ko kasi.. may isa pang bestfriend sina papa at auntie kaya siya siguro yan."

Halatang nagulat si Kara nang matapos ako sa pagsasalita. "Best...friends?"

Tumango ulit ako.

"Wait. Does that mean they have been really close with each other this whole time?!" tila hindi kapani-paniwala para sa kanya ang sinabi ko.

Uhh?

Tumango na naman ako.

Ano bang meron?

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now