Sanguine 1

66 0 0
                                    

Love

"Happy monthsary babe" he said as he kissed my lips.

"Happy monthsary! Thank you for this. Hinde ko alam na may surpresa palang naghihintay sakin" I smiled to him. Kakarating ko lang galing sa trabaho as the secretary of our company and I didn't expect na meron palang magsu-surpresa sakin.

"Ofcourse babe. That's how I like you" Like. Okay lang at least like niya ako. Kuntento na ako

"Oh? Akala ko may shooting ka pa mamayang 8:00? 7:30 na!" Naghihisterical na sabi ko. I don't want him to be late lalo na't kakasimula niya palang sa showbiz.

"Pa-isa muna" he smiled devilishly. I laughed

"Sige na nga" and with that he kissed me again but this time, deeper and we did it

---

"Alam mo Iesha, feeling ko sisikat talaga yang boyfriend mo. Tignan mo oh, bago palang yan sa showbiz pero andami na niyang fans. Naku! Kapag yan lumaki ang ulo hays" sabi ng bestfriend kong si Shanna sabay iling

"Hinde naman siguro. Mabait na tao si Voughan"

"Mabait? Eh bakit ngayon hinde ka parin niya mahal?" Natamaan ako dun ah

"Gusto niya ako" giit ko

"Hinde sapat yun Iesha! Alam mo? Nagpapakatanga ka lang sakanya. Napakadaming lalake ang gusto na maging nasa posesyon niya. Madaming nagkakandarapa sayo at mahal ka pa gaya nalang ni--"

"--Ni Charll? Alam mo namang hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay kay Charll. Shana, hinde ko siya mahal dahil si Voughan lang ang mahal ko. Sana maintindihan mo yun" Simula pa lang nung una ayaw na ni Shanna kay Voughan para sakin. Kung ako siguro ang number 1 fan ni Voughan siya naman ang number 1 basher niya.

"Sige! Bahala ka. Basta sinabihan na kita bilang kaibigan." Hinawakan niya ang kamay ko

"Alam mo namang ikaw nalang ang pamilya ko diba? Sana maintindihan mo Iesha na sinasabi ko lang ito sa iyo dahil may nararamdaman akong hinde maganda. Ayaw ko lang may mangyareng masama sayo" hinawakan ko rin ang kamay niya.

"Shanna, walang mangyayareng masama. Tsaka ano ka? Manghuhula?" Nagtawanan nalang kame.

---

"Hello babe?" Bati sakin ni Voughan nang tinawagan ko siya

"Hello babe! Nasan ka na? Diba may dinner tayo ngayon?" Tanong ko sakanya habang nakaupo dito sa table na nireserve niya sa isang high-end restaurant

"Sorry babe, hinde ako makakapunta ngayon. May biglaan kase kameng shooting. Kung gusto mo tawagan mo nalang si Shana para masamahan ka diyan. I'm sorry" sabi niya. May sasabihin pa sana ako kaso binaba na niya ang tawag.

Ito na ba ang sinasabi ni Shana? Talaga bang mawawalan na ng oras saakin si Voughan?

The Sanguineous RevengeWhere stories live. Discover now