Sanguine 8

24 0 0
                                    

A/N: Eto naaaaaa

---

"I'm sorry Iesha" paulit-ulit na sabi ni Shanna kay Iesha na ngayon ay nakatulala pa rin sa kawalan at hinde siya pinapansin. Nababahala na ang kaibigan niya sa kung ano ang mangyari sakanya.

"Sana mapatawad mo 'ko. Lahat gagawin ko. Just please, forgive me" naiiyak na wika ni Shanna. Desperadang-desperadola na siya para mapatawad lang ni Iesha. Si Iesha lang ang meron siya. Afterall, may kasalanan rin naman siya kung bakit nawala ang anak ng kaibigan.

Hinde naman nabigo si Shanna dahil sa unang pagkakataon sa loob ng isang linggo ay nilingon na siya ni Iesha

"Lahat?" Tanong ni Iesha

Tumango-tango si Shanna "Lahat! Just tell me"

Biglang kinabahan si Shanna ng ngumisi ng mala-demonyo ang kaibigan

---

"Aalis na ako" paalam ni Shanna kay Voughan. "Mamaya na ang flight ko papuntang ibang bansa. Hinde kakayanin ng konsensya ko ang kasalanan na nagawa ko kay Iesha"

Napatitig sakanya ng matagal si Voughan "Why? Why do you need to leave me? Hinde mo naman kasalanan  'yun. Nagmamahalan tayo Shanna!"

Umiling si Shanna "I'm sorry Voughan. Yes, I love you. I betray my very own friend because of loving you pero hinde na kaya ng konsensya ko. She just lost her child dahil sa pagmamahalan natin" iyak nito

Napaisip si Voughan. Bakit hinde man lang ako nababahala kahit umalis si Shanna?

"Is that really what you want?" Kalamadong tanong niya

Tumango si Shanna habang naluluha "Yes" and for the last time she kissed Voughan. For the last time.

---

Kinabukasan, umuwing lasing si Voughan sa condo niya. Ayaw niya munang umuwi sa bahay nila dahil baka kwestyunin na naman siya ng mga magulang niya kung bakit ito nalasing

Iesha--No! Ofcourse it's because of Shanna.

Nakaalis na ito papuntang ibang bansa kahapon.

Bakit noong nakita kong umiiyak si Shanna ay wala akong maramdaman kundi awa? Pero kapag si Iesha--

Umiling si Voughan. Imposible. Mahal niya si Shanna. Tama si Shanna ang mahal niya.

Hihiga na sana si Voughan sakanyang kama kaso biglang may tumawag sakanya.

"Sir Voughan" nanginginig na bati sakanya ng nurse na naka assign kay Iesha sa telepono

"Yes?" Sagot nito

"N-nawawala po si Maam Iesha!" Natatarantang tanong ng nurse

"What?! Kanina pa ba?!" Agad lumabas si Voughan sa condo niya at hinanap ang kanyang kotse

"Bago p-palang po. Kanina kasi dinalhan ko pa siya ng pagkain"

"Ipahanap niyo na siya!" Utos ni Voughan at binuhay na ang makina ng kanyang sasakyan. Pinatay na niya ang tawag at agad nagmaneho

"Damn, Iesha" gigil na sambit nito

Habang nagamamaneho ay may napansin siyang sasakyan.

Sasakyan ni Iesha! Hinde siya pwedeng makamali kahit lasing pa siya. Mas binilisan niya ang pagtatakbo kaso mabilis din ang sasakyan ni Iesha.

Hanggang sa huminto ang sasakyan kaya huminto narin siya. Akmang bababa na sana ito sa kotse ng makita niya kung paano sumabog ang sasakyan ni Iesha

Napatulala si Voughan at hinde makagalaw dahil sa biglaang nangyari.

"I-Iesha" nauutal na sambit nito. At agad pumunta sa sasakyan ni Iesha na ngayon ay nilalamon na ng apoy

Tumakbo ng tumakbo si Voughan hanggang sa narating niya ang sasakyan ni Iesha

"No! Iesha!" Umiyak ng umiyak ang binata dahil sa pagkawala ni Iesha

Si Iesha, na mahal niya pala

---
A/N: please wait for the next chapter ~lovelots

The Sanguineous RevengeOnde histórias criam vida. Descubra agora