Sanguine 2

31 0 0
                                    

Time

Hinde ko naman pwedeng ayain si Shanna dito ng biglaan kaya I decided to go home.

As I was going to enter in my car may biglang humila sa braso ko.

"WHAT THE HELL!" Sigaw ko. Agad naman niyang tinakpan ang bibig ko at nagsenyas na manahimik ako

"What are you doing?" Bulong ko sakanya habang nagtatago kami sa likod ng sasakyan ko

"Moan" sabi niya. Napalaki namang ang mata ko. Tinignan niya ako. "Kung ayaw mo edi ako nalang" nilapit niya ang kanyang ulo saking balikat at umungol

"Ahh. Shet. Ahh-you're so good" ungol niya. May sayad yata sa utak ang lalakeng toh

Mamaya-maya ay tumigil ito sa pag-ungol. Tinignan niya ako. "Thank you for your cooperation" sabi niya habang nakangisi. Nagkaroon ako ng oras para maaninagan ang kanyang mukha at nagulat ako ng makilala ko kung sino ito.

"What the hell?! I-Ikaw diba yung sikat na singer? The famous Christian Jun Sayson" I said with full amusement. That superstar na kinababaliwan ng mga babae ay kayakap-yakap ko. Should I consider myself as lucky? Hinde rin siguro, hinde ako sinipot ni Voughan sa date namin eh

"Oh? So you know me? Tagahanga rin ba kita? Kung ganoon then you're lucky bukod sa kinakausap kita, nayakap mo pa ako" Aba! ang kapal ng mukha! Porke't kilala ko siya fan na niya agad ako? Neknek niya

"Excuse me. For your information mister. I'm not your fan but don't worry I'm not also your basher and one more thing mister if you don't mind can you unwrapped your hands off me?" Agad din niyang kinalas ang pagkapulupot niya sakin. Mabuti naman parang hinde na kase ako makahinga

"Okay, Okay I'm sorry. I think I owe you an explanation. Kaya ko ginawa yun kase merong mga obssessed fans na humahabol sakin. Okay lang sana kung fansign o picture lang ang gusto nila pero hinde eh, gusto nila akong mahalikan at ayoko nun" nagexplain talaga siya pati yung rason kung bakit niya tinatakasan ang mga fans niya. Hays. "Actually, diyan rin ako sa resto galing at pansin kong mukhang may hinihintay ka kaso hinde ka sinipot. Boyfriend mo?" usisa niya

"H-Hinde ah. Tsaka napansin mo talaga ako?" tanong ko para malihis ang kwento. Ngumisi siya sakin "Oo naman, sa gandang mong 'yan hinde ko papansinin?" pfft bolero

Pumasok siya sa loob ng sasakyan ko. Teka?! nakuha niya ang susi ko? Pumasok narin ako para bawiin sana ang susi ko

"Sino ba 'yang boyfriend mo? Artista ba siya para hinde ka sipotin? HAHAHA" tanong niya, alam kung dapat biro lang iyon pero tumulo na naman ang luha ko

"Oo artista siya" sabi ko sabay iwas ng tingin sakanya. Ewan ko ba kung bakit ko sinasabi sakanya ito. SIguro kailangan ko lang talaga ng makausap

Nabigla naman siya "Di nga? Sino?"

Inangat ko ang tingin ko sakanya "Si Voughan" bulong ko

"Si Voughan? yung Voughan na bago palang sa showbiz pero dinaig na ang mga fans ko?" tanong niya. Sa hinde malamang dahilan ay tumawa ako

Tinitigan niya ako "Mas maganda ka pala kapag tumatawa" seryosong sabi niya

"Bolero" ngiti lang ang sinagot niya saakin

"Alam mo ba kung bakit hinde nagtatagala ang isang relasyon?" tanong niya

"Dahil hinde na nila mahal ang isa't-isa?" sagot ko, umiling naman siya

"Dahil nawawalan na sila ng oras para isa't-isa"

The Sanguineous RevengeWhere stories live. Discover now