Chapter 4

110 14 0
                                    


Bianca's pov

Ang pogi talaga Ni Justine mylabs kelan kaya niya ako liligawan agieeee pag nangyare yun naku Hindi Ko na siya papahirapan oo na agad ang sagot Ko wahahaha! ........Kanina Ko pa nga napapansin na maputla si bessy cguro Kasi naiinitan siya dito ang dami kasing tao ei hanggang Sa nakita ko siyang natumba. Wait... Natumba? Natumba si Sophia... SI Sophia NAHIMATAAAAAY!!!?


"SOPHIAAAAAAAAA!!!!!"

"SOPHIAAA! GISING! TULONG! TULONG!"

Dali daling tumakbo si Pogi saamin aba! Savior ang peg Ni Allen?

"Allen si Sophia. Si Sophia!!"


Aba't iniwan ang dyosang katulad Ko naku ipapabasted Kita Kay bessy ei hmmmmp!

Asan na ba yun bat wala naman sila Sa room Wala din sa cafeteria, sa library at sa garden asan na ba sila. HALA! BAKA KINIDNAP NA NIYA SI BESSY KO NAKUU! TAPOS . TAPOS.TAPOS MAY GAGAWIN SIYA KAY SOPHIA WAAAAAAAH! HINDI PWEDEEEE! KAWAWA NAMAN SI BESSY KOOOO KAILANGAN NIYA NG TULONG KO! TAMA! HAHANAPIN KITA BESSY WAG KA NANG MATAKOT WAG NA WAG MONG ISUSUKO ANG BATAAN! WAG MONG SISIRAIN ANG PROMISE NATIN NAKU PAG NAKITA LANG KITA ALLEN PANIGURADONG UUWI KANG DUGUAN!! HUMANDA KA!!

Teka... Saan ba dinadala ang mga nahihimatay Sa school?

Edi Sa clinic

Clinic? Ang talino talaga nang isip Ko. Wait.. NASA CLINIC SI BESSY! WAG KANG MAG ALALA PAPUNTA NA AKO LAGOT KA TALAGA ALLEN IVERSON !!!!



Pagpasok Ko palang wala si bessy. Hinahanap Ko siya pero wala talaga Hindi kaya. Hindi kaya waaaaaaaah!

"ALLEEEEEEEN IVEEEEERSOOOOOON!!!! SAAN MO DINALA SI SOPHIA HAAA? SUMAGOT KA! SAGOT KUNDI DUDURUGIN KO YANG ANO MO!! SAAN MO SIYA TINATAGO HA! HINDI KA MANLANG NAKUNSENSYA WALANG KAMALAY MALAY YUNG TAO SA MGA PINAG GAGAGAWA MO TAPOS ANO KIKIDNAPIN MO?? NAKUUU! SUMAGOT KA! NASAAAN SI BESSY? ALLEN! NASAAN SI BESSY?? ANO HINDI MO SASAGUTIN TANONG KO TATAWAG NA AKO NG PULIS DITO SASABIHIN KO KIDNAPER KA!!!"

"Fvck ang ingay ingay mo pwede ba? Nasa Cr Lang si Sophia okay at Hindi Ko siya kinidnap wala akong ginawa sakanya ang sabi Ng nurse over fatigue ang dahilan Ng pag collapse Ni soph okay?!"

"Oh anong kaguluhan ang nangyayare dito ha? Bakit kayo nag aaway? Bianca , Allen?"

Agad agad akong tumakbo papunta Kay bessy  at chineck kung may sugar siya oh ano



"Bessy ayos ka Lang ba? Wala bang masakit saiyo? May ginawa ba saiyo si Allen? Magsalita ka bessy!!"

*TOINK*

"Aray naman Sophia!! Nag alala nanga saiyo Yung tao ei tapos namimitik ka pa Sa noo mesheket keye!"

"Over acting ka na! Bianca! Na over fatigue lang daw ako kaya ako nahimatay wala nang iba okay tapos pwede na daw akong lumabas okay."

"Buti naman akala ko kung ano na ung nangyare saiyo! Nakuu!! Baka ano na ang magawa ko sa Allen na yan!!"  Tignan ko si allen na nakasmirk ngayon haha! Binigyan ko siya ng death glare

Allen's pov

Binigyan ako ni bianca nang death glare as if naman na natatakot ako sakanya para nga syang butiki na tumingin sa prey niya wahaha! Buti nalang nag papagood shot ako kay Soph kundi naku!! Matagal na yang nakatikim nang totoong death glare


Hanggang ngayon parang hindi ako kuntento sa sinabi saakin nang nurse tungkol sakaniya na over fatigue ang dahilan o kaya naman ay hindi kinaya nang katawan niya ang sobrang init. Parang imposible naman yun kasi dating athlete si Soph kaya siguradong malakas ang resistensyang niya tapos sa sobrang init lang ang dahilan o kaya ay sobrang pagod imposible talaga. Pero hahayaan ko na lang baka nga sobrang pagod ang naging dahilan kaya ganun

"Hoy! Allen ano bang iniisip mo at kanina ka pa tahimik?"

" Ahh ganun ba iniisip kasi kita.."

"A- Ako??"


"Kung paano kita mapapasagot. Kung paano ko maririnig ang pinakahinihintay kong oo mo. At kung kailan ako mag popropose saiyo para sa kasal natin."

"Ewan ko saiyo Allen kung ano ano ang naiisip mo. Ei paano kaya kung hindi nalang kita sagutin?"

"Sophia handa ako kahit sabihin mo na d ka pa ready maghihintay ako. Hihintayin ko ang panahon na pwede nang maging ikaw at ako yung panahon na pwede na kitang angkinin, ipagdamot sa ibang mga tao na gusto kang ligawan. Basta sabihin mo lang Soph at hindi ako mapapagod kahit sa huling hininga ko... ikaw parin ang mamahalin ko."



"Haha! Cge tignan natin kung hanggang saan ka aabot Mr. Allen Iverson"

~~~~~

3rd person's pov

Limang buwan narin ang nakakalipas nang maganap ang pangliligawa ni Allen at sa loob nang mga buwan na iyon lumalaki ang pag asa niya na malapit na niyang mapasagot si Sophia dahil araw araw nagbabago na ang pakikitungo nang dalaga sakaniya nagiging mabait na ito at naiiwasan na nito ang pagiging masungit kay allen pero hindi nila alam na may nililihim pala sakanila ang dalaga walang nakakaalam kahit ang kanyang mga magulang ang akala lang nila ay humihina lang ang resistensya nang katawan nito kayat minsan ay sumasakit ang ulo o nahihilo ito.


~~~~~~~~~~~~~~~~~♤~~~~~~~~~~~~~

'Til DeathWhere stories live. Discover now