Chapter 11

121 10 0
                                    



Alexandra's pov

Sana pala matagal na akong nagpanggap na may sakit para hindi na naagaw ni Sophia saakin ang mahal ko, 4 ...turning 5 months, ganun katagal na akong inaalagaan ni Allen sa loob ng mga buwan na iyun mas lalo ko siyang minahal nakita ko yung side niya na maalalahin, maalaga at kung ano ano pa.




"Alex! Kumusta? Balita ko mamamatay ka na daw? Hahahaha!" Ganyan ka prangka yung ate ko saakin pero nakikisakay din yan sa trip ko na sakit sakitan




"Ate naman! alam mo ba na naging caring saakin si Allen. Tapos maya't maya tinitignan niya kung kamusta yung kalagayan ko. Kung alam ko lang talaga na makukuha ko siya sa ganitong acting ko matagal ko ng ginawa. Imagine nakuha ko na siya mula kay Sophia! At alam ko na hindi magtatagal magiging akin na din siya HAHAHHA!"



"Cge lang baby sis! Keep up the good work! Sooner or later magiging brother-in-law ko na din siya!"



"Ate! Kahit ano gagawin ko para mapasaakin na sa Allen kahit buhay ko itataya ko! Hindi ako titigil hanggat hindi niya ako minamahal! Konting pagpapanggap lang na may sakit ako konting lagay ng make-up para magmukha akong maputla at sigurado magiging akin na siya!"




"Alam mo Alex, napapansin ko din naman na may improvements ka kasi nakikita ko kay Allen. Konti na-"



"A-AL-ALLEN! ka-kan-kanina k-ka pa jan?"kabado kong tanong shit! Wag naman sana na narinig niya yung pinaguusapan namin ni ate! Shit!shit!




"MGA WALANGHIYA KAYO! PINAGLARUAN NYO LANG AKO! MGA HAYOP! SINAKTAN KO ANG MAHAL KO PARA LANG SAIYO KASI YUN YUNG HILING MO DAHIL JAN SA LETSE MONG SAKIT YUN PALA NILOLOKO MO LANG AKO! ANG GALING MO DIN GUMAWA NG KWENTO ALEXANDRA! DAHIL SAINYO NAGHIWALAY KAMI NI SOPHIA!! IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT NG ITO ALEXANDRA! ITO ANG TATANDAAN MO AYAW KO NANG MAKITA ANG PAGMUMUKHA MO! HANGGANG SA HULING HININGA KO KINASUSUKLAMAN KITA!"


"Allen.. sorry..sorry hindi ko naman sinsadya na lokohin ka! Wala na kasi akong maosip na paraan para mapunta ka saakin sorry allen! Sorry! Patawarin mo ako allen!"



"Pasensyahan tayo alexandra kasi simula ngayon kakalimutan na kita! Simula ngayon aalisin na kita sa buhay ko! MGA MANLOLOKO!!"



"ALLEN!!!"hindi ko na napigilan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan! Kasalanan mo lahat to sophia! Kung hindi ka na sana bumalik! Sana hanggang ngayon kami parin ni Allen! Curse you Sophia!



Allen's pov

Hindi ko matanggap na sa loob ng mga buwan na iyun niloloko lang ako ni Alex! Damn! Hindi ko namanlayan na nandito na pala ako sa lobby ng hospital at nakita ko si tita Elizabeth na namamaga ang mata. Wait bakit umiiyak si Tita



"Tita Elizabeth!"mukhang nagulat ko ata si tita. Pero bigla bigla nalang siyang humagulgol

"Tita! Tahan na po... sino pong binibisita mo dito I thought nasa states po kayo?"naisip ko na ibahin ang usapan para gumaan ang pakiramdam ni tita.



"Nandito na kami noong nakaraang 4 na buwan pa emergency kasi. Kaya napauwi kami. Ikaw hijo ano ginagawa mo dito?"


"Ahh. .ay may binisita lang po akong kaibigan." Nakita ko siyang biglang nagulat pero bumalik ulit sa normal ang mukha na tita.


"Cge na allen mauuna na ako bumili lang ako ng pagkain dito"paalam ni tita saakin


"Tita sino po pala dinalaw niyo dito?"



"S-si... ahh basta cge na mauuna na ako"


Nawiwierduhan talaga ako kay tita pero mas minabuti ko nalng na umuwi muna at bukas pupunta ako sa bahay nila Sophia at hihingi ng tawad sa kung ano ang nangyari about saamin sa ngayon kailangan ko munang ipahinga ang sarili ko dahil sa lahat ng nangyare saakin ngayong araw na ito


▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪

'Til DeathWhere stories live. Discover now