Chapter 10

110 11 0
                                    



Sophia's pov

Hanggang ngayon iniisip ko parin bakit nagawa saakin ni Allen to? Hindi ba ako naging mabuting kabiyak? Paano dumating sa ganito ang lahat? Iniisip ko palang na wala na kami napapaiyak na ako. Hindi ko naisip na ang pinakakinakatakutan ko sa lahat ay nangyare na. Wala na. Tapos na.

"Oh Ms. Montefalcon buti naman at gising ka na hindi ka na nahintay nang nagdala saiyo dito. Tinanong ko din siya kung kaano ano mo siya pero sabi niya hindi daw kaya magkakilala. Nakita ka lang daw niya na walang malay kaya nagmagandang loob na siya.... Oh nga pala kumusta yung nararamdaman mo?" Tanong ng Doctor namin yeah tama kayo ng nabasa family doctor namin Si Dok. Suarez at kung nagtataka kayo kung bakit wala sila mommy nasa states sila isasama sana nila ako kaya lang hindi ako pumayag kasi gusto ko na kasama ko si Allen hanggang sa huling hininga ko pero it seems na wala na yung taong gusto kong makapiling kasi nandun na siya sa babaeng mahal niya at hindi na ako yun. Nakakalungkot isipin na sana siya yung nandito sa tabi ko habang lumalaban ako sa sakit ko. Sana siya yung nagaalaga saakin. Siya yung pinaghuhugutan ko ng lakas para lumaban. Pero wala na. Wala na yung lakas na pinaghuhugutan ko napunta na sa iba na kailangan din ng pagmamahal niya. Siguro tadhana na talaga ang nagsabi na kailangan na naming maghiwalay para pag dumating na ang araw ng katapusan ko hindi na siya magsasaktan at ayoko namang ikulong niya ang sarili niya saakin na panandalian nalang oras dito sa mundo. Ayoko siyang masaktan at kahit gaanon kasakit gagawin ko para lang maging masaya siya. Pangako hindi na kita guguluhin pa.


Alexandra's pov (dating ex ni allen)

Nung nakita ko kung paano ako ipagtanggol ni Allen para lang hindi ako masaktan ni Sophia gustong gusto kong magtatalon sa saya kaya lang bigla kong naalala na may sakit pala ako. Meron akong cardioyimphaty abnormal na paglaki ng puso pero syempre hindi ko naman gusto na magkaroon ako ng ganitong sakit noh! Kaya lang wala akong choice kundi mag-act na may sakit ako at syempre para mas lalong magalit si Allen kay Sophia kinareer ko na ang pag acting at kunware nahimatay ako. And I think I did a great job kasi narinig ko na pag may mangyare masama saakin ei kakalimutan na niya si Sophia.

"Alex, ayus ka na ba? Anong nararamdaman mo? May masakit ba? Sabihin mo Alex! Ay teka lang tatawag muna ako ng doktor ahh." Nabalik ako sa realidad nang marinig ang boses ng mahal ko


"Ayus lang ako Allen. Wala nang masakit."


"Cgurado ka ba? Tatawag nalang ako ng doktor. Saglit lang ahh"


"Allen! Wag! W-wag ka na munang umalis dito ka lang sa tabi ko. Please."


"Cge basta magpahinga ka na muna."


Allen's pov

Hanggang ngayon iniisip ko parin ang mga nasabi ko kay Sophia. Damn! Hindi ko sinasadya! Pero kailangan kong gawin to para maalagaan ko si Alex! F*ck! Naipit lang ako at the same time nabigla na din kasi kanina ko lang din nalaman na may sakit si Alex! I treat Alex as my sister hanggang dun lang yun pero I admit na naging kami ni Alex back then pero ginawa ko lang naman siyang pampalipas oras habang hinihintay ko yung pagbabalik nila Sophia. Alam ni Alex na I used her lang atsaka sabi din niya na hindi na niya kami guguluhin she just wish one thing na habang nagpapagaling daw siya gusto niya na ako ang magaalaga sakanya during her treatment days. Pero hindi pa ako nakakapagdesisyon nang dumating si Soph sa bahay at kahit ako ay nabigla kasi nakita niya kami na magkayakap ni Alex pinagmasdan kong mabuti ang mga mata niya at may nakita akong galit at lungkot sakaniya kaya imbes na masaktan ko pa siya pinili ko nalang na alagaan si Alex kaysa makita ko siyang nahihirapan.


Hindi ko namamalayan na naglalakad na pala ako papunta sa apartment ko at with my surprise pagbukas ko palang ng pinto nakita ko na agad yung cake na may nakasulat na "Happy Monthsary mahal!" At ngayon ko lang naalala monthsary namin ngayon fuck! sinaktan ko na nga ang mahal ko, nakalimutan ko pa na Monthsary namin! Damn! Sorry baby kung nasaktan kita. Pangako pag okay na ang lahat pag wala nang hadlang sa relation natin pangako hinding hindi na kita sasaktan hintayin mo lang ako Soph magiging ayos din ang lahat


♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon