Chapter 8

100 10 1
                                    

Sophia's pov

Kanina pa ako nag aalala kay Allen hindi kasi siya nagpaparamdam saakin isang linggo na.... teka tatawagan ko lang si bianca

"Biancsss!"

[Grabe bessy. Nasira yung eardrums ko huhuhu!]

"Biancs nagaalala na ako kay allen"

[Naku girl! Wag ka nang magaalala tsk tsk! Iba na talaga ang tama mo sa pag ibig gurl! Maghintay ka nalang malay mo naghahanda siya nang surprise para sa monthsary Nyo diba ganyan naman siya ei gugulatin ka nalang]

"Cge sana nga surprise ang gingawa niya kasi kinakabahan talaga ako biancs parang may mali"

[Wag ka nang masyadong mag isip dyan okay. Osha wait lang at baka naghihintay na si justine mylabs sa labas ng bahay hihihi! Babush bessy]

"Cge na ikaw na talaga bianca. Anong gayuma ang ginamit mo kay justine aber?!"

[Inakit ko lang naman siya charot! Syempre narealize niya na mahal niya ako kaya niligawan diba sabi ko nman saiyo ei maiinlab din saakin yun ei haha!]

"Babye na ingat sa date nyo"

Bago pa siya makapagsalita pinatay ko na yung tawag tyak na hindi nanaman kami matatapos sa paguusap pag hindi ko yun ginawa at tungkol naman saamin.. yeah tama ang nabasa niyo matagal na kami ni Allen ang bilis lang noh parang kahapon lang nililigawan palang ako ni allen tas ngayon inabot na kami ng 1 and 1/2 years at sa loob din ng panahon na iyun nagkarooon na pala ng relation sila bianca at justine ... wala akong kaalam alam na sila na pala kasi naging tahimik na ang bespren ko yun pala pumapagibig na siya...

Sa pagtawag ko sakanya hindi ko mapigilang isipin na pag mawala kaya ako sa mundong ito ganun pa din kaya kakulit ang bespren ko? Makikita ko parin kayang masaya sila mama at papa? Mahahagkan ko pa kaya ang mahal ko? Matutupad kaya ang pangarap namin na bumuo ng pamilya, tumanda nang magkasama, at maikasal. Pagnawala kaya ako hindi magbabago ang mga taong mahalaga saakin? Sana pag nangyare at kinuha na ako sa mundong to sana masaya padin sila.... hindi ko maiwasang maiyak habang inaalala ang pangyayare na nagbago sa takbo ng buhay ko

Flashback:

Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon pumunta na ako sa doctor ko dahil nitong mga nagdaang araw kakaiba na yung nararamdaman ko..sakit ng ulo,nagko-collapse,pagsusuka at iba pa. Nagresearch na din ako pero iisa lang ang lumalabas na dahilan pero umaasa parin ako na hindi yun ang sakit ko. Ngayon hinihintay ko na lang ang resulta ng mga test na ginawa ng mga doctor

"Ms. Montefalcon? Kayo na po sunod"sabi saakin ng nurse kaya dali dali akong pumasok sa loob ng silid

"Doc ano pong resulta?"

"I'm sorry to tell this but you have a stage 4 BRAIN TUMOR."

"Doc ano pong magagawa natin para maalis ang tumor ko?" Hindi ko na napigilan yung luha ko

" I suggest na mag undergo ka ng chemotheraphy at pag hindi umepekto.. kailangan mong operahan.."

"Sure naman po na gagaling ako doc dba?"

"Sorry.. pero ngayon palang gusto kong malaman mo na 20% nalang ang tyansa mo na makaligtas" biglang bumagsak ang maliit na pag asa ko nang marinig ang sinabi ng doktor.

"And I'm sorry to tell this pero... pero you only have 5 months at kung hindi ito gagaling sa loob ng mga buwan na iyon...*sigh*... I'm sorry.."

Flashback ends:

Hindi ko namalayan na tumulo nanaman ang luha ko hindi ko kayang makita si Allen na umiiyak. Hindi ko na alam gagawin ko naiipit na ako sa mga sitwasyon na nangyayare sa buhay ko ayaw kong masaktan si Allen kahit ano gagawin ko kahit ako nalang magdusa wag lang siya...

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

'Til DeathWhere stories live. Discover now