MGD 5 - Oh Please!

339K 7.1K 1.8K
                                    

Sorry for the very late update! Hectic ng schedule ko sa engineering, pagod at stress. Halos pahinga ko ay pagtulog na lang. Namiss ko mag-update, here's chapter 5. Please read before you vote!

Dedicated to baboy! Happy birthday!

***
MGD 5 - Oh Please!

I let myself to calm down, eh anongayon kung nariyan s'ya? Why would I bother myself to feel jitters diba? Tao lang naman s'ya, oh God, bakit iba ang nararamdaman ko?

Iba ang sinasabi ng utak ko sa nararamdaman ng puso ko.

"Lets go. Tss!" hinila ni Tristan ang kamay ko papunta sa kumpulan ng tao, nandun kasi ang way papalabas ng airport. So no choice talaga kung hindi ko makita ang pagmumukha n'ya. Ugh, why I sudden felt this feeling, nakakaasar.

"Omfg! Dapat talagang pasalamatan si manong!" papalapit kami ng papalapit sa kumpulan ng tao, ano daw?

"He is so nice diba? Wala ng taong loyal at honest kagaya n'ya. Omg! Dapat ipalabas s'ya sa tv!" noong malapit na kami sa kumpulan ay nakahinga ako ng maluwag.

False alarm, wala pala s'ya dito.

Marami ng nakakapansin sa aura namin ni Tristan kaya naman ay nagmadali na kaming makalabas, nadatnan namin kaagad 'yung driver na hinire ni Papa para sunduin kaming dalawa dito. Agad kaming sumakay, sumandal ako sa headrest ng upuan at ipinikit ang mata ko.

Ugh! Pinakaba ako ng mga leche na 'yunMas malala pa 'to sa jetlag na inabot ko.

*
Nagising na lang ako noong nakahiga na ako sa malambot na kama ko. Ini-scan ko ang paligid at napagtanto ko na nasa loob na pala ang ng kwarto ko, walang pinagbago. Nandito pa din ang mga Mickey at Minnie mouse stuffed toy collection ko. Wala namang alikabok, dahil for sure ay pinalinis na ni Papa 'yung kwarto ko noong nalaman n'ya na babalik kami ni Tristan.

Speaking of my evil brother, p-paano ako napunta dito sa kwarto ko? H-hindi naman ako sa nagdududa pero parang si Tristan ang nag-akyat sa akin dito? Seryoso?

Kahit kailan talaga ay napapabilib na lang ako ni Tristan sa mga kinikilos n'ya. Kaya n'yang maging protective brother ng hindi nawawala ang cool side n'ya. Napagtanto ko na, magkapatid kami talaga.

Masyadong madilim ang paligid, gabi na pala. Kaagad kong in-on ang facebook ko para i-message si Liam na safe na akong nakauwi.

Me: I'm home!

Tipid kong sabi, nagkataon naman na online s'ya kaya naman mabilis s'yang nakapagreply sa akin.

Him: Good, how's the travel? Nakatulog ka na ba princess?

Para akong tanga na nangingiti mag-isa dito, para akong bumabalik sa pagka-teenager ko. Sinabi ko kay Liam na ayaw kong makipag-commit sa kan'ya na ayaw kong pumasok sa isang relasyon na alam kong pagsisihan ko, pero ewan ko ba, ayaw kong mawala s'ya sa buhay ko. Mahal ko s'ya...mahal ko s'ya pero sa ibang aspeto gaya ng pagmamahal ko sa kan'ya.

Me: Yes, it was good. Nakatulog na din ako kahit papaano. Ikaw kamusta ka? Why'd you hang up kanina? What happened?

Him: Ah. Wala naman, nabagsak ang phone ko kanina. Sorry..

Hindi na ako nag-react. Pero parang may nararamdaman akong kakaiba, siguro nahihilo pa din ako sa mahabang byahe na 'yon.

Him: Susunod ako sa'yo, not now but soon. May aasikasuhin pa ako, be happy. I always wanted you to be happy.

Me: Aye! See you soon Liam, good night!

Three years din akong nagpakalayo layo para takasan ang problema, para makapag-isip isip, at para maging mas malakas at palaban.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Where stories live. Discover now