MGD 36 - Sad Promise

145K 4.2K 596
                                    

MGD 36 — Sad Promise

Hindi ko alam kung paano ko s'ya pakikitunguhan pero ayaw ko rin namang mag-away kami ni Terrence. Ayaw n'ya akong lumalapit kay Liam pero gagawin ko pa rin dahil mahalaga s'ya sa akin.

Dalawang araw simula noong nalaman ko na may sakit s'ya. Nagresearch ako dahil hindi ako mapalagay. Walang gabing hindi ko iniisip kung paano ko s'ya matutulungan. I want to help him because he is my friend. Kung ano mang paraan 'yon ay hindi ko alam.

Dalawang araw na rin since noong nag-usap kami ni Terrence. Ang tagal n'ya namang bumalik, naisip ko. Bihira na lang rin akong nakakatanggap ng text sa kanya. Pinilit kong unawain ang sitwasyon n'ya, gusto ko namang maging isang understanding na girlfriend. Ayaw kong mag-demand at ayaw kong maakusahan na isa akong nagger na girlfriend. Kung mahal n'ya ako ay gagawa pa rin s'ya ng paraan para kausapin ako kahit maghapon pa s'yang busy.

Pinalampas ko na lang at tinry kong unawain ang sitwasyon n'ya. Pinalampas ko at nagtry na libangin at aliwin ang sarili ko.

"Saan mo ba ako dadalhin, Li?" tanong ko kay Liam na kasalukuyang nagddrive. Tumingin naman s'ya sa akin at ngumiti, "Basta.." maikling tugon n'ya at hinawakan ang mga kamay ko.

Binawi ko ang kamay ko dahil mali ito. Kahit saang parte man tingnan ay mali dahil may boyfriend ako. Hindi ko hahayaan na maging dahilan 'to para magkahiwalay kaming dalawa. Mahal ko na talaga s'ya at hindi ko kakayanin kung mawawala s'ya sa akin.

Kaibigan ko si Liam pero may gusto s'ya sa akin. Alam ko ang limitasyon ko, ako na dapat ang umiwas pero narito pa rin ako sa kanya dahil kailangan n'ya ng kasama.

"Sorry.." sabi n'ya at tumango na lang ako. Sinundo n'ya ako sa bahay dahil may pupuntahan raw kami. Kung saan man 'yon ay hindi ko alam.

Binalot ng katahimikan ang pagitan naming dalawa. Tumingin ako sa phone ko dahil hindi na s'ya nagreply. Ano ba 'yan, nakakainis! Pinilit kong unawain pero punyeta talaga! Nakakainis s'ya dahil hindi naman big deal ang magreply. Putang ina naman.

Bumuntong hininga ako ng ilang beses dahil naaasar na ako. Bahala ka sa buhay mo! Pinatay ko ang phone ko. Humanap ka ng girlfriend mo, gago! Itinago ko ito sa loob ng bag ko. Wow lang, bwisit ka talaga kahit kailan.

Gagawin ko na ang mga bagay na gusto kong gawin. Bakit pa ba ako matatakot? E kung s'ya nga ay hindi magawang bigyan ng responsibilidad ang girlfriend n'ya. Quits lang kami.

"Bakit di mo sinabi sa akin may sakit ka?" I asked. Lumingon s'ya sa akin ng saglit at nagsalita.

"You don't need to. Ayaw kitang mag-alala." he said.

"Sa tingin mo? Hindi ko kailangan malaman?" tanong ko sa kanya, "Paano na lang kung mamatay ka na lang bigla? Ni hindi mo ko binigyan ng chance para tulungan ka." I answered.

"Wala ka rin namang magagawa, Princess. Malapit na akong mamatay.." he said without regret.

"Huwag mo ng uulitin sabihin 'yan. Magagalit ako sa'yo!" I answered and he laughed. "Sabihin mo sa akin kung paano ako makakatulong at gagawin ko." I said.

"Huwag na.." inihinto n'ya ang pick-up sa gitna ng isang park, inalis n'ya ang pagkakaseatbelt ko, "Hindi mo rin naman maibibigay. Mabibigo ka lang.." bumaba s'ya sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

"Ano ba 'yan, feeling ko pinagtataksilan ko 'yung kumag. Bakit ba ang gentleman mo? Nakakainis!" tumawa lang s'ya sa sinabi ko at dinala ako sa likod ng pick-up. "Ano nga 'yung hiling mo? Bilis na. Spill it out. Baka maibigay ko sa'yo. Sige ka.. baka magbago pa isip ko." pananakot ko.

"Hindi mo nga kaya.." natatawang sabi n'ya.

"Bakit ba hindi ko kaya? Ano ba kasi 'yun? Para ka namang sira.." puna ko at mas lumakas ang tawa n'ya.

"Hindi mo nga kasi kaya.." inayos n'ya ang blanket at mga unan sa likod ng pick up. Feeling ko nga pagkarami raming blanket at unan ang dala n'ya. Ano bang gagawin namin dito?

"Wait, aano ba tayo?" tanong ko.

"We'll sleep under the moonlight." he answered—beaming.

"Masyadong cheesy, my friend Liam." I answered and he chuckled. Ito siguro ang gusto n'yang gawin. Hays, sige na nga.

Inalalayan n'ya akong makasampa kahit kaya ko naman. Naku, wala na talagang gamot para maging ungentleman s'ya.

"Wow, sobrang lambot. Wala bang mga pagkain jan?" I said before leaning my back against the metal part.

"Syempre, meron." he answered and gave me so much foods.

"Daming pagkain. Feeling ko nagddate tayo.." I said and he frowned, "Friendly date." I clarified.

Sumampa na rin s'ya at walang prenong humiga sa tabi ko. Ako ngayon ay nakaupo habang s'ya naman ay nakahiga.

"Malakas din pala ang trip mo sa buhay 'no? Mantakin mo 'yun, naisip mo 'to? Ang swerte ng magiging girlfriend mo, Li." sabi ko at nakatingin lang s'ya sa madilim na kalangitan. Maraming stars at ang liwanag ng poste at ng buwan ang nagbibigay buhay sa mga mata namin, "Sana makatagpo ka ng babaeng magmamahal sa'yo." I said as I play with his hair.

"Sana nga.." he said sighing. "Pero mukhang hindi na ko makakahanap dahil may mahal na s'ya." napatingin ako sa kanya at puno ng kalungkutan ang mata n'ya, "Hindi na tumatalab ang gamot sa akin. Mamatay na talaga ako." parang wala s'yang takot sa mga sinasabi n'ya.

"Hindi ka natatakot mamatay?" I retorted, "Dahil ako natatakot para sa'yo. Lumaban ka, Li. May isa pang paraan di ba?" tanong ko at tumango s'ya.

"Yeah, heart transplant." he answered.

"May magdodonate sa'yo Li. Pangako.." I gave him reassuring smile. 

I'll give you my heart... Liam.

*****

Twitter & Instagram — @giedragon. Thank you for the undying support for this story. We'll about to end. ;)

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Where stories live. Discover now