MGD 46 - Born Alone

159K 4.8K 1.5K
                                    

Trust my writing prowess, okay?

P.S. Tangina, lalaki ako! Hanggang ngayon miss pa rin? Anakan kaya kita? Hahaha!

*****
MGD 46 - Born Alone

Habol habol ko ang hininga ko pagkagising ko. Tiningnan ko ang suot ko at nakaitim pa rin ako. Feeling ko ay mamatay ako ng wala sa oras dahil oras oras ay binabangungot ako.

Hindi ako mamatay sa sakit ng puso, mamatay ako sa bangungot.

I was on my room, only the lampshade gives light. Sobrang peaceful yet sobrang lungkot ng paligid. Feeling ko ay maiiyak na naman ako dahil sa sobrang lungkot.

It's been three days at wala akong ibang ginawa kung hindi magkulong sa kwarto ko. Nakalabas na rin ako ng hospital. After I fainted in the church ay isinugod daw ako sa hospital because of my bad condition. Sobrang sakit lang isipin at pagmasdan na ang dating nagpapasaya sa'yo ay wala na.

I know that I should move on pero hindi madaling gawin ang bagay na iyon lalo na kung sobrang memorable, sobrang mahal at sobra kang na-attach sa tao na iyon.

We were eight years old noong nagkahiwalay kami ni Tristan. It almost took ten years bago kami nagkasama ulit. Mas tumibay pa nga ang bond naming dalawa.

Natatakot ako. Natatakot ako sa possibilities na hindi ko kayanin once na napadaan ako sa kwarto n'ya. My room was adjacent to him. Kapag bababa ka ng hagdan ay talagang madadaanan mo ang minimalist style ng kwarto n'ya. I was afraid dahil iiyak lang ako.

After that, lagi kong hawak ang phone ko dahil inaasahan kong tatawagan n'ya ako. I know, he is on his worst condition at parang hindi ko kakayanin na makita s'ya na nakahiga sa kama habang maraming nakasaksak na aparato sa katawan n'ya. Visualizing that scene makes me more crestfallen.

My father used to manage the company kahit na ganito ang kalagayan ko. Feeling ko nga minsan ay humahanap lang si Papa ng diversion. Ayaw n'ya na rin siguro maulit 'yung nangyari noong namatay si Mama. Noong naging sobrang depressed s'ya kaya napabayaan n'ya 'yung kompanya.

He used to kiss me on my forehead bago pumasok sa work. Minsan nga ay gusto n'ya ng mag-file ng leave para naman daw may kausap ako. He was afraid that one day I will commit suicide.

Yesterday, I tried to used rope to kill myself pero bigla akong natigil sa kahibangan ko noong nag-flash sa isip ko ang mga taong nagsakripisyo para s akin. Sobrang selfish ko lang kung iisipin.

Tristan died for me because he loves me. Mahal na mahal n'ya ako to the point na ibinigay n'ya ang sarili n'yang buhay para sa akin. Terrence was in coma because of me. Alam kong magagalit silang dalawa sa akin dahil parati kong sinisisi ang sarili ko.

Trystan Yusef

Marami pang reason para mabuhay. Kailangan ko pang hanapin si Aya Mariz Andrade para tuparin ang huling hiling ng kapatid ko.

Days, and months passed pero walang progress.

Hindi pa rin s'ya gumising at si Aya naman ay nawawala. Where could she have been? Sobrang nagwoworry ako sa kalagayan n'ya because I know, kabuwanan n'ya ngayon.

I should search for her and take care of her. Siguro, mafulfill ko ang happiness ni Tristan kung ganoon.

Hindi pa rin ako makapagsalita. Tinulungan ako sa paghahanap ng mga kaibigan ko pero wala pa ring balita.

Every morning ay nakabukas ang laptop ko at naka-log-in ako sa skype. Pinakiusapan ko 'yung ate ni Terrence, which is si Ate Denise na tapatan ng webcam si Terrence. Nakapatong ang laptop sa isang table at nakatutok sa kanya ang camera.

I stared at his face, para lang s'yang natutulog. "Sobrang haba mo namang matulog." sabi ko gamit ang isip ko. Natatrauma pa rin ako magsalita dahil kapag nagsalita ako may napapahamak na tao. Ayaw ko ng mangyari ang bagay na iyon.

He was comatose for one month and 32 hours. Oo, masyadong bilang ko ang haba ng tulog n'ya. Sa sobrang haba ay parang naiinip na ako dahil nakakapagod maghintay.

"Sa'yo na lang ako kumukuha ng lakas. Kung hindi ka gigising, wala na ring rason para mabuhay ako." I stated in my mind, "Sobrang lungkot ko araw araw dahil wala akong makausap. Walang makulit na nang-iinis sa akin. Wala na si Tristan. Si Liam naman ay nasa hospital din. Kailan ka ba gigising para naman makangiti ulit ako?" para akong tanga na kumakausap ng tulog. Pero sabi kasi ng doctor n'ya ay mas maganda kung kakausapin s'ya.

Gusto kong magkwento sa kanya pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Feeling ko nga ay mental telepathy na ang ginawa naming dalawa. Nakafocus ang camera sa maamo n'yang mukha habang ako naman ay nakadapa sa harap ng laptop at pinagmamasdan ko s'ya.

"I was always craving for chocolates. Gusto ko pagbalik mo ay dalhan mo ako ng maraming chocolates dahil feeling ko sa sobrang lungkot ko ay sila na lang ang napapabuntunan ko ng sama ng loob." I said, para akong tanga dito. Nagkukwento ako gamit ang isip ko, "Sexy pa rin naman ako kagaya ng dati. Thanks to my fast metabolism dahil hindi ako nagiging mataba. Ikaw? Sobrang pasarap ka d'yan. Hindi ka na nakakapag-gym. Baka magulat ka na lang dahil iniwan na kita dahil ang taba mo taba mo na. Fetish ko pa naman ang abs mo."

"Kapag nalulungkot ako, pinagmamasdan ko lang ang kahalayan mong sinend mo sa akin. 'Yung matambok mong pwet na tinalo pa so Nicki Minaj ay nandito pa rin. Gusto ko nga sanang gawing wallpaper kaso nakakahiya naman sa makakakita. Baka sabihin sa akin na ang ganda ko pero manyak pala. Pero napag-isip isip ko rin, ako lang dapat ang makakita nito." napabuntong hininga ako, "Gumising ka na naman para naman makapag-level-up ka naman sa pagsesend ng mag kamunduhan mo. Isagad mo na sa next level." I kidded.

Nagpaalam ako sa kanya after ng isang oras na pakikipagtitigan ko sa screen. Sana bumuti na ang lagay n'ya. Dati, hindi ako araw araw nagdarasal pero ngayon si God na lang talaga ang nasasandalan ko. Sobrang ang sarap makipag-usap sa kanya, sobrang ang safe ko sa feeling n'ya. Iiwanan ako ng lahat pero s'ya hindi n'ya ako iiwan. Ganun tayo kamahal ni Lord, inisip ko na lang na mas marami pang mas malala ang kalagayan kaysa sa akin. I am always praying na bigyan Niya ng hope ang mga nawawalan ng pag-asa. Sobrang saya sa feeling pero hindi ko maiwasang hindi pa rin malungkot.

Nag-vibrate ang phone ko and stared at it, wide-eyed. "We found Aya." said Stephanie and I almost jumped in joy. Tuwang tuwa ako at walang pagsidlan ang kaligayahan ko. She texted me the other details like kung saan hospital s'ya maglalabor.

Ngayon pala ipapanganak ang anak ng kapatid ko. I manage to change ito simple white dress, I didn't bother to wear heels dahil wala namang okasyon. I was happy dahil feeling ko ay magiging okay na rin ang lahat. Sana nga..

Nakarating ako sa labas ng room kung saan s'ya manganganak. I also texted Papa na natagpuan na si Aya and he was so happy dahil makikita na namin ang apo n'ya. Stephanie and the boys was sitting on the metal chair.

"We miss you!" said Stephanie at sabay sabay silang lumapit sa akin at niyakap ako. Sobrang saya lang na nandito pa rin sila sa tabi ko. Gusto ko sanang magsalita at sabihin miss na miss ko rin sila pero hindi ko magawa.

"It is nice seeing you smiling." Dominique stated and I just nod at him.

"Liam is getting fine. I hope that the usual things will set on its proper place. Malalagpasan din natin ito." Kurt butted in.

Tumango na lang ako sa kanila at sobrang saya ko noong lumabas ang doctor, "How's the baby?" Papa asked and the doctor smiled.

"He is fine. The baby is healthy." my smile vanished from my face when he spoke once again, "But the baby's mother is gone." we were too late to react. Wala kaming nagawa kung hindi yumuko, I felt the corner of my eyes heated up and my tears started pouring.

I really felt sorry for Yusef.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Where stories live. Discover now