Wattpad Original
There are 5 more free parts

Chapter 2

36.3K 1.1K 147
                                    

Chapter 2

Lester de Ayala
Online

I met him on social media. We had a mutual friend, Lassie, na nag-aaral din sa St. Agatha University kung saan nag-aaral si Lester.

We've been chatting for a while now. 'Yon nga lang, hindi madalas dahil hindi naman ako mahilig sa pag-cha-chat. But he's nice to talk to kaya naging online friend ko na rin siya. Even though we don't know each other much, we've been sharing our own struggles with each other through chatting.

Nagsimula akong magtipa nang makitang online siya.

Cyra Lim:
Sorry, ngayon ko lang nakita! Busy with school.
Tapos na ang klase n'yo?

Agad niyang tiningnan ang chat ko sa kaniya at mabilis ding nag-reply.

Lester de Ayala:
Yup! Kayo?

Cyra Lim:
Yeah. But Eli had things to do kaya sinamahan ko.

Lester de Ayala:
Oh? May umamin na naman? Hahaha

Cyra Lim:
Huh? How did you know?

Lester de Ayala:
That's what you say whenever someone wants to meet up with him and he tags you along.

Ibinaba ko ang phone ko at pagod na sumandal sa bench. Nang tingnan ko ulit si Eli ay napansin kong panay na ang pasimpleng lingon niya sa gawi ko. He looked at his watch. I look at my phone's time, too. Limang minuto pa lang naman ang lumilipas magmula nang mag-usap sila. Siguro iniisip niyang naiinip na ako.

He tells the girl something.

Hindi ko pa alam ang pangalan ng babae. I just know that it starts with M since 'yon lang naman ang inilagay niya sa sulat niya. Napatingin ang babae sa 'kin at dumaan na naman sa mukha niya ang pagkadisgusto bago ibinalik kay Eli ang tingin at kinuha ang phone sa loob ng bag. Inilahad niya 'yon kay Eli na tiningnan naman ng huli bago tumango at nagtipa ng kung ano ro'n.

Maybe he's typing his number?

Cyra Lim:
Yeah. And I think he'll play with this girl.

Lester de Ayala:
What's new?

He sent it with a laughing emoji. Itinukod ko sa hita ko ang siko ko at pumangalumbaba habang tinititigan ang sariling phone.

Lester's right. What's new?

I sigh before I look at Eli again. Agad akong napadiretso ng upo nang makita kong naglalakad na siya palapit sa 'kin.

They're done already?

Nilingon ko ang babaeng kausap niya kanina at nakita kong nakasunod ito kay Eli. Of course. I smirk inside my mind. Of course she'll ride with us.

Itinago ko na ang phone ko sa loob ng bulsa ng palda ko at sinalubong na sina Eli.

"Cy, this is Mara," he says while pointing at the girl. "This is Cyra." Lumingon si Eli sa babae para ako naman ang ipakilala.

Mukhang hindi naman gusto ni Eli na ipakilala sa 'kin ang babae dahil mukha siyang napilitan.

Sinulyapan ko ang babae at simpleng tinanguan. Hindi ko na pinansin ang ekspresyon ng mukha niya bago ko nilingon ulit si Eli.

"Uuwi na tayo?" tanong ko.

Eli nods at naging hudyat 'yon para maglakad na kami papunta sa Mazda niya. Inisip ko kung saan mauupo si Mara. She'll be shy to sit anywhere so I can just sit at the passenger's immediately, right? And Eli can't do anything about it because I am doing him a favor right now. But what if he wants the girl to sit there and not me?

At the end, I sit at the passenger's seat because Eli opens the backseat's door for Mara. Napairap ako nang makita ko ang pag-chancing niya sa babae habang hawak niya ang likod nito. She has the curves, so maybe that's what Eli likes about her...and her big...uh...lungs?

Pumangalumbaba ako at lumingon sa labas ng bintana habang nag-uusap naman sila sa kung anong hindi ako interesado.

Ibinaba lang ni Eli si Mara sa senior high school building. Narinig ko ang sinabi nitong may sundo kasi siya kaya ro'n na lang siya ibaba ni Eli.

"I'll text you." Mara smiles before she steps out of Eli's car.

She probably knows that Eli loves to play—not just any game, but girls. Sikat si Eli. Kung mayro'n mang hindi nakakakilala sa kaniya sa campus, bilang lang ang mga 'yon. Imposibleng hindi alam ng mga babaeng nagkakagusto sa kaniya that he's cruel at breaking hearts.

Nang makalabas si Mara sa sasakyan ay nagsimula nang mag-drive ulit si Eli. "I don't quite like her personality but I like her curves," he says before he laughs.

Itinukod niya ang siko sa bintana ng kotse niya at nilaro ang pangibabang labi.

I knew it. Lumingon ulit ako sa labas ng bintana.

Hindi ko maitatanggi na sa loob-loob ko, may parte sa akin na natatakot na baka dumating ang babaeng totoong magugustuhan ni Eli at makapagpapadiretso sa mga gawi niya. Kaya't sa tuwing sinasabi niya na naglalaro lang siya, para akong nakakahinga nang maluwag.

"Ang bilis n'yong mag-negotiate," I say and Eli laughs at that.

"What am I? A businessman?" he laughs.

I stare at Eli's face. I really like his prominent eyes. They're very deep and expressive. His soft red lips that he plays with his fingers frequently are so sexy and eye-catching. Unti-unti akong napangiti na rin dahil sa ngiti niya.

Sumulyap siya sa 'kin at mas napangiti. "Naalala ko kasing kailangan mong umuwi kaagad."

His dad is half Scot. Dito niya namana ang ilang mga features ng mukha niya pati na ang height at built ng katawan.

He drops me off in front of my house and leaves immediately after. Dumiretso ako sa kuwarto ko at sumalampak doon. I check my phone and open Lester's message for me a while ago.

Yeah. I smile bitterly as I stare. What's new?

I go to my messages and type in a fresh text for Eli.

Cyra:
Thank you sa paghatid. Ingat.

Ibinaba ko ang phone ko nang mag-send 'yon at napahiga sa kama bago tumitig sa kisame ng kuwarto ko. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas nang tumunog ang phone ko. Kaagad ko 'yong tiningnan at nagulat ako nang reply pala 'yon galing kay Eli.

Kaagad ko siyang pinagalitan dahil nag-te-text siya habang nagda-drive. Kaagad naman siyang nakapag-reply sa 'kin.

Eli:
Then don't text me so I won't text!
I'm stuck in traffic, anyway.

Cyra:
Just don't text!

Eli:
I'll call you then.

When my phone rings because of his call, I almost die from a heart attack. Calm down, Cyra. It's normal because you're just his closest friend.

Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #1)Where stories live. Discover now