Wattpad Original
This is the last free part

Chapter 7

35.4K 1.3K 200
                                    

Chapter 7

"Come on, Cy."

Umubob si Eli sa arm chair ko at mukhang wala siyang pasensyang mamilit ngayon. Halatang bad mood siya at gusto niyang matapos ang kung anumang balak gawin.

"Bakit ba? Ano bang gagawin mo na required pa ang presensya ko?" nakakunot ang noong tanong ko sa kaniya.

Eli looks at me, nakaubob pa rin sa chair ko habang ako ay walang ganang nakasandal sa upuan ko. Nakita kong naaaliw na nakatingin na si Chester sa 'min. Nakasandal siya sa pader at nakapatong ang braso sa sandalan ng upuan. Nakita ko ring bahagya nang napapalingon ang pinsan niya sa amin na ngayon ay nakaupo sa tabi ni Chester dahil do'n siya ipinwesto ng adviser.

Her name is Laura and Chester calls her Law. She's from St. Agatha Univesity at lumipat dito dahil nandito si Chester.

She ended up going with us dahil si Chester lang naman ang kakilala niya rito. He seems really proud of his cousin that he keeps on boasting about her to me. Proud siya kasi may makokopyahan na siya bukod sa 'kin. This parasite is so thick-skinned.

Hindi ko alam kung pa'no na ito kapag nagtrabaho na. Ni walang natutuhang kahit ano sa eskwela kundi ang mangopya! Hindi ba siya titino?

Kung sa bagay. Siya nga pala ang magmamana ng business ng papa niya. Kaya siguro kalmadong-kalmado siya dahil handa na ang lahat para sa kaniya at hindi na niya kailangang mag-effort. Sana lang ay hindi siya ang maging dahilan ng pagbagsak ng kumpanya nila.

"Cyra." Muling nabalik ang atensyon ko kay Eli. Wala nang paglalaro sa mga mata niya. He looks like a lost puppy. "Please."

Napabuga ako ng hangin. Kanina ko pa siya tinatanggihan dahil gusto kong mag-review ngayon para sa quiz mamaya, pero mukhang walang balak si Eli na pagbasahin ako kahit isang sentence man lang sa libro namin. That is the reason why he's sulking on my chair, para hindi ko mabuklat ang libro ko at hindi ako makaalis sa upuan ko.

"Cy, he'll need you." Tumawa si Chester. "He'll finally tell Mara na tapos na sila," he whispers, but it's enough for Laura to hear na napalingon kaagad sa amin at kunot noong napatingin kay Eli na wala yatang balak pakawalan ang chair ko.

"Fine." Napabuga ako ng hangin.

Maglalaro ka pa kasi, hindi mo naman kayang makaalis kapag game over na.

Gusto ko sanang sabihin 'yon pero sinarili ko na lang. And deep inside, an evil thought is swirling inside my head—na gusto ko rin sumama dahil gusto kong makita ang bigong reaksyon ni Mara. Na sa loob-loob ko, I'm thanking heavens that Eli is finally letting go of that girl kahit na alam kong masasaktan si Mara sa pang-iiwan ni Eli.

I'm always like this whenever he ends things with his flings. Aren't I so evil?

Gano'n nga ang ginawa ni Eli. Kasama niya akong nagpunta sa kung nasaan ang classroom ni Mara.

Agad naman kaming nilabas ni Mara, hindi nga lang yata niya inaasahan na makikita niya ako kasama ni Eli. Agad siyang napairap sa 'kin kaya napakunot ang noo ko sa kaniya.

"What do you need, Eli?" mataray niyang tanong at humalukipkip pa sa harapan ni Eli.

Napatingin ako sa blouse ni Mara na naglantad nang kaunti sa dibdib niya. Mas napakunot ang noo ko.

Teka, bakit ganito ang pakitungo niya kay Eli? I thought she likes him so much? Bakit parang tinatarayan niya 'to ngayon? Why is she acting like she's upset with him?

"Let's talk," seryosong sinabi ni Eli.

Napasulyap sa 'kin si Mara at nagtaray bago ibinalik ang tingin kay Eli.

icon lock

Show your support for HANNAH, and continue reading this story

by HANNAH
@overthinkingpen
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as th...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 47 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @overthinkingpen.
Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #1)Where stories live. Discover now