Wattpad Original
There are 3 more free parts

Chapter 4

27.9K 1K 182
                                    

Chapter 4

It's a Saturday the next morning. Eli is definitely at school right now dahil kabilang siya sa varsity. Si Chester din, pero 'di katulad ni Eli na nasa basketball team, si Chester ay nasa tennis.

Chester:
Come on, Cy! Tara sa school. Kain tayo pagkatapos ng practice.

Pumangalumbaba ako sa study table ko at pinaglaruan ang phone na nakapatong do'n.

I want to go because Eli will definitely be there. But somehow, I feel guilty because that is a very unfair reason to go. Saka baka naro'n si Mara. Whenever Eli is in a relationship with a girl, of course, he'll bring his girl to dates. Minsan na kaming naki-third wheel ni Chester sa mga dates ni Eli at gusto naming masuka dahil sa sobrang...I sigh. I don't want to say even say it.

When I receive another text from Chester, I immediately open it.

Chester:
Hindi natin isasama si Eli kapag may dinala siyang date.

Na sinundan pa ng isa pang text.

Chester:
He will definitely not leave you alone with me.

Cyra:
Of course, he won't! Lagi akong napapahamak kapag ikaw ang kasama ko.

Chester:
Kailan kita pinahamak, Cyra?
I always protect you from any harm!

Cyra:

As if.

Chester:
Come on. Tapos na 'to before lunch.

Cyra:
Fine.

Chester:
Yes! Sisiguraduhin kong walang fourth wheel sa 'tin!

Napatitig ako sa conversation namin ni Chester bago ako dumiretso sa banyo para maligo. Malapit na ring mag-11:30 nang matapos akong mag-ayos. Chester told me to go to school kaya nagpahatid ako ro'n.

Makulit si Chester at paniguradong kung hindi ko siya pagbibigyan ay irereklamo niya 'to nang halos buong linggo. And deep inside, I know I want to go because Eli is there.

I'm wearing my ID so that I can enter the school premises. Tiningnan ko ang phone ko pero wala pa ring text ulit si Chester sa 'kin. Instead, si Lester ang nakita kong may panibagong chat na dumating.

Lester de Ayala:
Hey. What's up?

Itinago ko na muna ang phone ko at dumiretso sa gymnasium ng Torrero University. Sa labas pa lang ng dome, naririnig na ang kiskis ng mga rubber shoes ng players sa makintab na court ng TU. Maraming bola sa paligid at marami ring basketball players. Hindi lang yata senior high school ang nandito ngayon kundi maging ang mga college varsity.

"Ah, sorry."

I was not paying attention to where I was going kaya may nabunggo akong babae. Nalaglag ang mga dala niyang mga papel at isang recorder. Kaagad ko siyang tinulungan. Maraming nakasulat sa bawat papel at magulo ang pagkakasulat dahil mukhang minadali.

Nadampot ko rin ang ID ng babae na agad ko ring ibinalik nang matapos ko 'yong pasadahan ng mabilis na tingin kasama ng ibang mga papel na napulot ko.

May nakita akong nakasulat na limang pangalan do'n sa isang papel pero hindi ko na nabasa pa lahat. May nakita rin akong nakasulat na heartbreakers.

"Um, Frida, right?" I smile at her. "Sorry."

Ngumiti siya sa 'kin. "Okay lang." Pagkatapos niyang isuot ang ID, mabilis din siyang umalis.

"Causing trouble, I see?" Napalingon ako sa nagsalita at kaagad kong nginiwian si Chester na pawis na pawis dahil galing siguro sa practice.

"Yuck, Ches."

He mocks me and steps closer. "Kanina ka pa?"

Umiling ako at inilibot ang tingin sa paligid. Malaki ang dome ng Torrero University dahil nagkasya ang isang basketball court, isang tennis court, at isang volleyball court. Sa taas ay may maraming benches kung saan nanonood ang mga estudyante kapag may practice game o kaya ay may official game.

Kahit hindi puno ang itaas, kapansin-pansin pa rin ang maraming mga babaeng nanonood do'n. May ilang mga lalaki rin. Karamihan ay college students dahil may ilang college na may pasok pa hanggang ngayon kahit Sabado.

Nagpaalam si Chester na maliligo lang saglit kaya naupo ako sa malapit na bench. Hinanap ng mga mata ko si Eli pero hindi ko siya makita kaya sa phone ko na lang tinutok ang tingin ko. Nagtipa ako ng reply sa chat ni Lester sa 'kin kanina.

Cyra Lim:
I went to TU today. Practice ng varsity.

"Cyra." Napaangat ang tingin ko sa nagsalita at naabutan ng mga mata ko si Alfie. I know him because he is one of the varsity players.

Namumula ang leeg niya at tainga. Pawis din siya, siguro dahil sa pagod kung bakit siya namumula. He's holding a Sharpie and a ball.

Nilingon ko ang likuran niya nang may nag-ingay do'n. Varsity players din ng basketball team. 'Yong dalawa ay galing sa college, base na rin sa nakasulat sa mga jerseys nila.

Ah. Maybe this is a dare.

"Can you sign here?" Napakamot sa batok niya si Alfie. "This is embarrassing," narinig kong bulong niya. "Sorry, I lost a bet," aniya at tumango ako bago ngumiti.

Inilagay ko ang initials ko at hindi ang pirma ko sa bolang ibinigay niya. CL. Lumiwanag ang mukha niya nang makitang sinulatan ko nga ang bola at ibinalik sa kaniya. "Thanks, Cy!"

"Thanks?" Nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa nagsalita. It's Eli. Sarkastiko siyang nakatingin kay Alfie at pabiro ang galit na ipinapakita.

Tumawa si Alfie. "Chill, pare! Nagkapustahan lang!" anito bago umalis.

Umirap si Eli at tumabi na sa 'kin. 'Di tulad ni Chester kanina, nakaligo na si Eli at basa ang buhok dahil kaliligo lang. Amoy na amoy ko ang pabango niya pati na ang shampoo at body wash na ginamit niya.

"No date?" Nagtaas ako ng kilay.

Sarkastiko akong nilingon ni Eli at hindi na ulit ako tiningnan. I smirk at him. Ha! I'll reward Chester something for this miracle!

"Tara na!" masayang sinabi ni Chester nang makabalik na siya matapos maligo. "I'm starving!" Inakbayan niya ako nang makalapit sa 'kin at naglakad na kami pareho palabas ng gymnasium.

Naka-park sa may gym ang sasakyan ni Eli. Sabay pala silang pumunta rito kaninang umaga. I sit at the backseat while Chester settles on the passenger's. Eli drives to a restaurant near the school.

Lester de Ayala:
Why? You play?

Cyra Lim:
No way! I hate sports.

Ibinaba ko ang phone ko at saktong tumama ang mga mata ko sa rearview mirror. Halos mawalan ako ng hininga nang nakitang nakatingin din do'n ang mga mata ni Eli at saktong nagtugma ang mga paningin namin.

Maingay dahil sa reklamo ni Chester tungkol sa traffic at sa mahinang kanta na ibinubuga ng speakers ng sasakyan ni Eli. Pero nang magtama ang mga mata naming dalawa at nang mabilis kong iniwas ang tingin ko para tumingin sa labas ng bintana, para bang binalot ako ng katahimikan at pagkailang.

No. I shouldn't have looked away! It will give away the feelings that I am bottling inside. It will be so obvious! No!

I bite my lip. Hindi ko napigilang bumalik ang tingin ko sa rearview mirror at nawala na naman ang hangin nang magtama ang tingin naming dalawa ni Eli.

This time, I don't look away but my lips are trembling and my face is burning. Just to save the little pride I have left, I raise a brow at him. But I get more flustered when Eli looks away and a smile shows up on his lips. He hides his boyish grin behind his palm and rests his elbows on the car's door, playing with his lower lip after.

Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #1)Where stories live. Discover now