Wattpad Original
There are 2 more free parts

Chapter 5

29K 981 134
                                    

Chapter 5

Hindi ko alam kung paano ako naka-survive kahapon. I really pretended that it was nothing. I tried to push myself to talk to him like how I usually do and I laughed at all of Chester's jokes kahit sobrang corny para lang maibsan ang nararamdaman ko. Umuwi rin kami pagkatapos. Thank God dahil ako ang naunang ihatid kaysa kay Chester.

Masyado ka kasing guilty, Cyra! Malay mo naman kung normal lang ang pagtatama ng mga tingin n'yo? Palibhasa kasi ay may gusto ka kay Eli kaya kahit 'yong maliliit na mga kilos niya, napapansin mo pa.

Alam kong napansin ni Eli ang pagbabago ng pakitungo ko kahapon. Malamang, I acted weird yesterday! Sino ang weirdo na makikipagnakawan ng tingin sa kaibigan niya? Nang paulit-ulit? At panay ang iwas ng tingin tuwing nagtatama ang mga tingin nila?

It's a Sunday. Nakabihis na ako ngayon para magsimba at hindi ko rin alam kung paano ako kikilos nito ngayon. Eli and I are churchmates. One of the reasons why I've known him since we were kids ay dahil magkaklase kami lagi sa Sunday school. His mom and my closest tita, who always brings me to church, are friends kaya lagi rin kaming nagkakatabi kapag nakikinig ng preaching.

His mom is really God-fearing kaya nahatak nito ang buong pamilya sa church, including Eli. He doesn't hate it, though. Mukhang gusto rin naman niya ang pagsama niya sa mommy niya. Their whole family attends Sunday services kaya kilala na rin ako ng daddy niya at ng bunsong kapatid niyang lalaki who's just two years younger than him.

I fix the cute white crisp polo I tucked inside a pair of high-waisted wide leg brown trousers. I also wear a white pair of shoes and a small shoulder bag.

Bumaba na ako para masalubong na si Tita Clara na paniguradong nasa ibaba na at kausap si Daddy na mukhang ngayon lang nagkaro'n ng off sa trabaho niya.

I kiss Dad on his cheek and I greet Tita Clara.

"Sa tuwing nakikita kita kada linggo, mas lalo ka pang gumaganda, Cyra." Tita Clara chuckles. "Buti at hindi mo nakuha ang mukha ng daddy mo."

"Shut up, Clara," masungit na sinabi ni Daddy at napatawa si Tita kaya nakitawa na lang ako sa kaniya.

"No offense, Kuya. Kuhang-kuha talaga ni Cyra ang features ni Iveth." Nakangiting napatitig sa akin si Tita Clara, wala nang biro sa mukha niya at mukhang nalulungkot siya habang inaalala si Mommy.

Tita Clara and my mom were best friends. Siya ang dahilan kaya nagkakilala sina Mommy at Daddy. But my mom died eventually when I turned sixteen. Grade ten ako no'n. Mommy was diagnosed with cancer. Stage four na ito nang matuklasan. Akala ko magagamot pa, pero hindi na.

Ako 'yong nasa tabi ni Mommy no'ng mga panahong 'yon. Ako ang may hawak sa kamay niya habang nakahiga siya sa kama at hindi na umiimik. Ako ang nakakita ng panginginig niya bago siya bawian ng buhay.

I was sixteen that time, at 'yon ang unang beses na sumuko si Mommy sa isang laban.

"I'm sorry," sabi ni Tita Clara bago pinunasan ang gilid ng mga mata niya.

Napabuga na lang ng hangin si Daddy. Two years pa lang ang nakakalipas. Kahit na masasabi kong okay na kami ni Daddy, alam kong patuloy pa rin siyang nasasaktan.

"Let's not make ourselves feel sad, Clara," sabi ni Papa. "Hindi ito magugustuhan ni Iveth."

Ngumiti ako. "Dad's right, Tita. Paniguradong malulungkot si Mommy kapag nakita niyang nagkakaganito tayo."

Tita Clara chuckles. "You're right."

Wala nang pumasok sa isip ko pagkatapos n'on dahil sobra-sobra na ang kaba ko para mamaya.

Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #1)Where stories live. Discover now