Chapter 54 - Parents

814K 31K 14.6K
                                    


Natulala na lang ako sa intensity ng paglalaban ni Ms. Michiko at Sarah. Ni hindi masundan ng mga mata ko ang mga nangyayari, tulad noong naglaban sina Mama at Rin.

Napalingon naman ako nang marinig ko ang sigaw ni Riye kaya tumakbo ako papunta sa kanila.

"Riye, you need medical help," sabi ko pero hinawakan naman niya ako sa braso.

"N-no need, n-nee-chan . . ."

"But—"

"I'll . . . I'll be fine."

Bigla niya namang kinuha ang isang arrow niya at tinutok niya 'yon sa braso niya. Nagkatinginan pa kami ni Akane dahil kinakabahan kami sa iniisip ni Riye pero walang pasabi niyang tinusok iyon sa parte kung saan tumama ang needles ni Sarah.

"Riye!"

"I'm . . . I'm removing t-thepoison from my body," she said as blook trickled down her arm.

Dahil mas may alam si Riye sa amin sa medical stuff ay in-assist na lang namin siya at prinotektahan sa mga Shinigami na patuloy na sumusugod sa amin. After a few minutes, Riye was already standing and her wound was covered with a cloth.

Tiningnan ko naman ang kabilang side namin pero wala na ro'n sina Reiji at Hiro.

"N-nasaan sina Reiji at Hiro?"

"They followed that Darwin, or Seiji, or whatever!" sigaw ni Akane.

I scanned the surroundings. Nakita ko si Ken kasama sina Mrs. Sera at Dra. Yuuki kaya sinummon ko agad ang bow and arrows ko. I tore the hem of my shirt and used my blood to write a message.

'Riye is injured. Poison. She's with Akane. Help them get over there safely.

I tied it around the tip of my arrow and aimed it at the tree beside Ken. I released the arrow and I smiled when Ken got surprised by it.

"Susunod ako sa'yo kapag nahatid ko na ro'n si Riye," sabi sa akin ni Akane habang inaalalayan niya si Riye at tumango naman ako. Tiningnan ko ulit si Ken mula sa pwesto nila at tumatakbo na siya papunta rito.

Bigla namang may nahagip na anino ang mga mata ko malapit sa gubat kaya finocus ko ang paningin ko ro'n. Pagtingin ko ay naglalaban sina Hiro at Darwin. Nasaan si Reiji?

I ran toward their direction but I immediately halted. Gusto kong tulungan si Hiro pero hindi ko alam kung kaya ko bang kalabanin si Darwin. He's still my friend. He's special to me because he was my connection to my previous life.

'Rainie, why are you here?! Stay away from the forest!'

Nabigla ako nang marinig ko ang boses ni Mama sa isip ko kaya agad akong tumakbo papunta sa loob ng gubat. Hindi na ako nagulat na nakakausap niya ako kahit nakasarado yung isip ko pero halos nasa bungad pa lang ako ng gubat. How could she talk to me through our minds with that distance? Kapag sa amin sa Atama, hindi ko na sila makausap kapag lumagpas ang pagitan namin ng 50 meters.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Mama. Dahil ba nandoon si Rin?

Hindi ko magawang kausapin si Mama gamit ang inner voice dahil hindi ko alam kung nasaan siya at hindi ko kayang kumausap nang sobrang layo.

'Please, Rainie! Rin wants you!'

Doon na ako napatigil sa pagtakbo. Kukunin na naman ako ni Rin? Ano ba ang kailangan niya sa akin?

May kutob na ako pero ayaw kong maniwala. I couldn't accept it. When she told me I wasn't her real daughter and I discovered that I'm a Shinigami, there was only one reason why they couldn't tell me who I was.

Rin . . . is she my mother?

No. Ayoko. Ayokong mangyari 'yon. Si Mama lang ang kinilala kong nanay ko simula noong bata ako. At hindi magbabago 'yon kahit na malaman ko pa kung sino ang totoong magulang ko. Mas gugustuhin ko pang mahirapan o mamatay na lang kaysa sumama sa kanya.

'Rainie!'

Tumakbo ako papunta sa gubat. Sorry, Mama. I want to help you. I want to see you. I want to be with you.

'No, Rainie! Please! Hindi mo naiintindihan! I also want to be with you but this is not the right time!'

"Stop, Rainie."

Halos mapasigaw naman ako sa gulat at takot nang biglang lumitaw sa harapan ko si Darwin. I pointed my gun at his direction out of instinct and fear and my heart sank when I saw the expression on his face.

"Are you going to kill me?" he said and I could see the sadness in his eyes.

"N-no! I mean . . . it's just that . . ."

How could I kill you? I don't have the courage and skill to kill you, Darwin.

"Come with me," he said and he grabbed my hand.

I felt the familiar sensation enveloping my body and the next thing I knew, we were already inside the Black Dimension.

"B-bakit tayo nandito? Dadalhin mo na naman ba ako sa base n'yo? Kung 'yon ang gagawin mo, hindi ako sasama sa'yo. I will do anything para lang hindi mo ako madala ro'n," sabay summon ko ng bow and arrows ko kahit na nanginginig na ang mga kamay ko.

"Listen, Rainie. Hinding-hindi na kita ibabalik ro'n."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Was he telling the truth? Or was he just trying to catch me off-guard?

"Rin wants to get you but I won't let her," sabay titig niya sa mga mata ko. I could feel the intensity in his eyes.

"A-anong pinagsasabi mo, Darwin? You're a Shini—"

He suddenly smiled. "I'm Darwin right now, not Seiji. And I will always be Darwin for you, Rainie."

Napatingin na lang ako sa kanya dahil mas lalo akong naguluhan sa sinasabi niya. Why? Why would he do that? He's a Shinigami like Rin. Kapag nalaman nilang hindi niya sinunod ang utos ni Rin, he would be . . .

"I'll be a traitor."

"Bakit?! Bakit mo ginagawa 'to—"

Natigilan naman ako nang bigla niyang hawakan ang magkabilang balikat ko.

"At first, I didn't do anything and just let them bring you to the base because you're the same as us. But when I learned about her plan . . ."

His eyes suddenly reflected fear and regret, as if he just imagined something terrifying. Napaisip din ako sa sinabi niya. If Rin planned all of these, then that really means she's . . .

"Is she my mother?" tanong ko kay Darwin.

Nakatitig lang kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung magsasalita siya o kung sasabihin niya ba ang totoo o magsisinungaling siya. But I wanted to know even though I couldn't accept it.

"I'm not the right person to tell you the truth but," he looked at me and pat my head. "Your mother is a Shinigami, but your father is not."


***

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now