SPECIAL CHAPTER (BTS sa Pinoy Big Brother)

211 6 0
                                    

Hi Guys! Hello Army's! Special Chapter ko po ito ng BTS JOKES! Hopya Like it!

________

"Nandito na naman tayo para sa bagong season ng Pinoy Big Brother! Kung saan maraming mamamayan ang tumangkilik sa ating programa. Maraming tao ang nangarap at pito lang sa mga ito ang nakapasa sa audition ng Camp Star Hunt. Para sa ating unang pasabog ating kilalanin ang unang Housemate. VTR." ani ni Toni.

At nag-flash naman sa screen ang mala-anghel na pagmumukha ni Jhope.

"Annyeong! I'm Jeyhof! I'm your angel! Your hope! Jeyhof!" 

Ngiting ngiti naman si Jhope matapos niyang magpakilala sa VTR.

"Sumali ako sa pebebe-----dahil gusto ko!Gusto kong makita sa tv para maraming tao ang makakita sa anghel kong faceu! Huh? (sumenyas naman yung cameraman na ayusin niya yung pagpapakilala niya) Ah ganown ba? Chige chige! Sumali ako sa pebebe dahil sabi ng eomma ko bagay daw sakin na maging artista! Oo! Dahil sa angel faceu ko! At dahil sa faceu ko! At para na rin mabilhan ko ng bahay si------ Jhorse! Mamimiss kita Jhorse! Labyu! MwaMwa!.ChupChup! Babay! Labyu! Jhorse ko! See you din eomma!"

At dun natapos na rin ang walanghiyang VTR ni Jhope.  Halos matawa yung ilang viewers at yung iba naman nagugulihan kung tao ba yun o kabayo dahil sa mahbang baba neto.

"At ayon na nga, nakikilala na natin ang kauna-unahang housemate ni kuya boi. Eggsited na ba kayong makita si Jhope?! Kung handa na kayo, let's all welcome! Jhope!"

At dali daling lumabas si Jhope mula sa malaking LCD sa stage. Todo ngiti siya ng makita niya ang mga tao na ngumingiti sa kaniya. Sinusuklian din naman niya ito ng malaking ngiti na akala mo ay wala mg bukas.

"Magandang gabi sayo---." Hindi na pinatapos ni Jhope si Toni sa pagbati ng bigla niyang kinuha ang microphone na hawak nito.

"Hello! Fukengina! I kennat believe that me is here standing with all of me see you!"   Kinuha agad ni Toni ang mic matapos mag walanghiya ni Jhope.Halos sumakit ang ulo ng mga taong nakikinig dahil sa pagsabak ni jhope sa english.

"Ayon na nga, atin ng nakilala ang unang housemate ni kuya boi. Si Jhope! Ang Kulit Kabayong Baba ng Bangtan Del Sur! May gusto ka bang sabihin sa ating mga viewers o taong sumusuporta sa iyo bago ka pumasok sa loob ng bahay ni kuya boi?" tanong niya kay jhope. Nagliwanag na naman ang mata nito at ngumiti na naman ng walang humpay.

"Hello! Me is Jeyhof! Sana suportahan nyoko! At hello na rin kay kuya boihorse! Hello sa mga Hopies ko! Hihihi! Labyu! I'm your angel! Your hope! Jeyhof!"

Nagpalakpakan naman ang mga audience sa labas ng bahay ni kuya boi. Sa itsura ni Toni parang sumasakit na yung ulo niya. Una palang na housemates to pano pa kaya yung mga susunod.

"Heto na nga ang hinihintay natin mga kababayan. Tara na Jhope sa loob ng bahay ni kuya boi!" Ani ni Toni at bumaling sa gawi ni jhope. Agad nahagip ng mata niya si Jhope na nasa  pinto na pala ng bahay ni kuya boi.

BTS JokesWhere stories live. Discover now