Prologue

3.2K 197 109
                                    


Who are you?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Who are you?

Who am I?

Those are questions that are perhaps, easy, and hard to answer at the same time.

Madali lang magpakilala sa ibang tao. It's just a matter of good introduction, backed up with a pleasing facade. Pero mahirap kilalanin ang sarili. At mahirap ring kilalanin ang 'yong pagkatao sa mata ng iba.

Sino ba ako? Sino ba talaga ako sa buhay niya?

Those are questions with answers I couldn't find. My mind is telling me that I'm someone who is close to him, but somewhere deep inside, I'm confused.

Maka-ilang beses akong huminga ng malalim nang bumukas ang makintab na pintuan ng elevator sa harapan ko. The warmer air greeted me as soon as it opened, together with the white lights that immediately hit my eyes.

"Sana mabilis siyang gumaling, hija," wika ng matandang lalaki na kasabay ko sa elevator.

He was wearing his hospital gown while seated on the wheel chair. Ang kaniyang kamay ay naka-attach sa IV ng dextrose na hinahawakan ng nurse sa likuran niya.

Both of them smiled at me with eyes of good wishes. Dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon, napa-kwento ako sa mga hindi ko kilalang tao nang wala sa oras. Para lang maibsan itong nararamdaman ko.

I felt like for the few seconds I'll be staying in this dimmed elevator, I'll get suffocated if I didn't let this uneasiness out.

"Salamat po lolo." I smiled back. "Mauna na po ako sa inyo."

Inayos ko ang isang strap ng backpack ko bago nagsimulang maglakad palabas. Different people were roaming around the hospital halls. Ang ilan ay mga empleyado mismo ng ospital habang kadalasa'y mga sibilyan na tulad ko.

"Saan po dito ang room 521?" Nagtanong ako sa nurse's station.

"Do'n sa kaliwa miss, just walk straight tapos 'yong room na pinakamalapit sa corner, 'yon na 'yon."

Even those directions were hard for me to comprehend. Dulot na marahil ng mga iniisip ko. Of course, a part of me is excited.

After 2 months, makikita ko na siya.

But if I were to rate my excitement, nasa 4 out of 10 lang siguro 'yon.

Mas nangingibabaw sa'kin ang kabang hindi ko maintindihan. Mga kabang may halong tanong na hindi ko mahanapan ng mga kasagutan.

Kumusta kaya siya? Is he mad at me? After all, I can be partly blamed for what happened to him.

Was he able to get through everything now? Alam kong hindi naging madali sa kaniya ang dalawang buwan na 'yon. I'm pretty sure it was more than hell for him.

Sana nga. Sana nga okay lang siya. Sana okay na siya.

I immediately get rid of those thoughts lingering in my head as soon as I reached the room I was searching for.

Who Are You, Christofer?Where stories live. Discover now