Chapter 1

56 5 0
                                    

Chapter one





"Oh ba't nakatunganga ka riyan?" Bigla akong natauhan sa boses ni mama na nasa harapan ko na nakasandal na ngayon sa lababo at nakaharap sa akin na kumakain sa counter top.

"'Yung powerpoint kasi namin ma! Parang wala akong tiwala sa kaklase kong lalaki." Sabi ko sabay nguya sa kinakain kong cereal.

"Eh di sana ikaw nalang 'yung gumawa." Sabi niya habang pinupunasan ang counter top.

"Ako 'yung leader eh! Alangan naman akuin ko na lahat." Sabi ko at ipanagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos kong kumain agad naman akong umakyat papunta sa kwarto ko at nang makaligo na ako. Pagkatapos kong maligo agad naman ako nagbihis ng high waisted jeans, color yellow na croptop na hoodie at white sneakers. Agad naman akong bumaba at kinuha 'yung car key ko sa loob ng cabinet sa sala.

"I'm going to school na po," paalam ko kay mama na nasa kitchen, naghuhugas.

"Take care!" Sabi niya at hinalikan ko naman siya sa pisnge.

As usual boring pa rin 'yung klase inaantay ko nalang na kung kailan magri-ring 'yung bell para sa lunch break dahil kanina pa ako nagugutom. Pa'no ba naman kasi cereals lang 'yung kinain ko kaninang umaga.

"Okay class dismiss." Agad ko namang niligpit ang aking mga gamit at ipinasok ko ito sa bag nang nasa may pintuan na ako bigla akong natigilan nang makita ko si Michael na kanina pa nag-aantay sa 'kin sa labas ng silid.

"Anong ginagawa mo rito Michael?" I asked him nang makalabas na ako sa room, agad naman siyang tumayo at umakbay sa 'kin.

"Inaantay ka malamang." Sabi niya agad ko namang hinawi 'yung braso niya na naka akbay sakin at hinarap ko siya.

"Basta libre mo?"

"Okay, fine!" Sabi niya kaya agad kaming naglakad papuntang cafeteria.

'Di nagtagal nakahanap din ako ng pwesto namin at napagdesisyonan namin na siya nalang mago-order para sa 'min.

Agad kong kinuha 'yung phone ko mula sa bag nang marinig kong tumunog ito.

From: Unknown number
Hi Penelope! Si Gabriel ito, can I invite you to my party? Please answer yes.

"Sino 'yan?" Biglang tanong ni Michael sabay upo sa bakanteng upuan sa aking harapan.

"Si Gabriel, nagyayaya sa party niya."

"Oh tapos sasama ka?"

"Hindi. Busy ako kael!" Sabi ko at agad na sinimulang kumain.

Michael is my best friend since we were first year college at ngayo'y third year na still magkaibigan pa rin kami ni Kael. He was my ex suitor before and then dahil nga nireject ko siya he decided na kahit maging friends lang kami edi pumayag naman ako. Mabait naman si Kael.

"Manliligaw mo?" He suddenly asked.

"Before, pero nireject ko na." Sabi ko sabay nguya.

"Mabuti naman because Gabriel is not good for you."

"Edi sino?"

"Wala muna! Mag focus ka muna sa studies mo babygirl saka muna 'yang lablayp lablayp na 'yan!" Natawa naman ako sa sinabi niyang 'lablayp'.

"I told you stop calling me babygirl!"

"Allow me nalang please. I want you to call you that because I treat you like my little sister." Kumindat pa ang boang.

Okay suko na ako!

Pagkatapos naming kumain ay agad naman kaming nagsipagbalikan sa silid namin kasi may afternoon class pa kami.

"Penelope!" Salubong sakin ni Miguel nang makaupo na ako sa pwesto ko.

"Tapos na?" 'Yung powerpoint ang tinutukoy ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nagkamot lang ito ng batok.

"Ano... Kasi..."

"Pagbinagsak tayo ni sir bukas ikaw talaga 'yung sisisihin ko."

Natapos din 'yung afternoon class namin kaya agad naman akong lumabas sa aming silid at papunta na sana ako sa parking lot nang may nahagilap akong pamilyar na tao.

Teka, sino 'yun?

Dahil sa aking kuryusidad sinundan ko 'yung pamilyar na lalaki na naglalakad papalabas ng paaralan. Mga two meters ang distansya ko sa kanya at baka kasi ma obvious niya na sinuundan ko siya.

Teka, asan na siya?

Hinanap ko na siya nang hinanap pero hindi ko na siya makita. Bigla nalang siyang nawala na parang bula.

Bakit bigla nalang siyang nawala?

Sino ba siya?

Bakit pamilyar siya sa akin?

In Another Life (Completed)Where stories live. Discover now