Chapter 6

22 5 0
                                    

Chapter six





"Siya"

"Anong siya?"

"Siya Ella"

"Sino?" Nalilito niyang tanong

Kaagad niya akong pinanliitan ng titig at naintindihan naman niya ang sinabi ko

"Yung lalaking pumasok dito?" She asked then I nod

"Professor namin yun" sabi niya na ikinatigil ko

"A-ano?"

"Yeah" Sabi niya sabay tayo at umupo siya sa inuupan niya kanina

"Anong p-pangalan niya?"

"Sir Johann.... Johann Montevuerde"

Johann Montevuerde? Hindi naman pamilyar sakin pero bakit yung itsura niya? Parang kilala ko siya?

"Bakit Pops?"

"W-wala naman" sabi ko sabay pilit na ngumiti sa kanya

"Papasok na ako Ella. Pasensya ka na talaga kasi natapon ko yung nilibre mo" yung iced coffee ang tinutukoy ko

"Ayy ano kaba! Wala lang yun! Sabay na tayo Pops"

Habang naglalakad kami ni Ella sa hallway papuntang elevator kanina pa siya dada ng dada pero wala akong naintindihan sa mga sinasabi niya minsan tinatanguan ko nalang siya o di kaya ngumingiti ng pilit para naman hindi siya magduda kung anong nangyari sakin. Nag iba na kami ng landas ni Ella kasi hindi naman kami same room. Pagkapasok ko sa silid agad akong umupo sa may likuran at hindi mawala sa aking isipan yung professor nina Ella

Johann.... Wala naman akong narinig na Johann sa kung saan saan. Pero bakit nga ba pamilyar siya sakin? Natigil lang ako sa pagmumuni-muni nang pumasok na yung professor namin at agad na sinimulan ang klase. As usual natapos ang morning class ko na lutang na naman. Palagi nalang siyang bumabagabag sa isipan ko isama mo na rin yung nakita ko kagabi sa harap ng salamin ko.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang may biglang kumalabit sa akin

"Kael ano ba!"

"To naman! Kanina kapa tulala ah?" Kasalukuyan na kaming naglalakad sa hallway papuntang cafeteria

"May iniisip lang ako" Sabi ko nang makapasok na kami sa Cafeteria at agad na naghanap ng bakanteng pwesto

"Ano namang iniisip mo?" Tanong niya nang makaupo na kami

"It's none of your business" Sabi ko sabay irap

"Tss, napapansin ko this past few weeks there's something bothering you Pops"

"The hell you care? Umorder kana nga don!" Pagtataboy ko sa kanya

"Anong gusto mo?"

"Peace of mind" Sabi ko na ikinatawa niya. Tinawanan lang ako ng loko agad ko naman siyang inirapan

"Meron kaba ngayon? Ang init-init ng dugo mo ah?"

"Bakit? Nahawakan mo ba?" Pambabara ko at agad naman siyang umiling

"Umorder kana Kael! Shoo! Go!"

"Kung maka-shoo naman to ano ako aso?"

"Oo, mukha ka kasing aso"

"Ah talaga? Hindi kita ililibre! Bahala ka riyan!"

"Edi wag! I have my own money naman" then I rolled my eyes

"Just kidding! O-order na ako" paalam niya at agad naman siyang pumila don sa may counter

Pati si Kael napapansin na rin ang pagiging lutang ko. Medyo halata ba ako na may bumabagabag sakin? Si Janella nga na after three years saka kami nagkita napapansin rin niya ang pagkabalisa ko si Kael paba na matagal ko ng nakakasama 'to? Dapat ko bang sabihin sa kanilang dalawa kung anong bumabagabag sakin? Dapat ba nilang malaman? O baka naman kailangan ko lang itong i-keep sa kanila kasi problema ko naman to. Labas na sila rito

"Ayan ka na naman! Nago-overthink ka na naman!" Sabi niya sabay lapag ng pagkain naming inorder niya

"Napansin mo ang pago-overthink ko?"

"Natural! May mga mata ako Penelope!"

"Edi wow" Sabi ko at sinimulan ng kumain

Kanina pa tanong ng tanong si Kael kung ano bang nangyayari sakin. Syempre ayaw ko namang ma-involve siya sa problema ko kaya minsan winawala ko siya sa topic namin at nag-isip ng panibagong topic para hindi na siya mag-alala sakin

Pagkatapos naming kumain agad naman akong pumanhik sa silid dahil maaga ang afternoon class ko ngayon while si Kael tumambay muna siya sa may benches namin dahil matagal pa ang afternoon class niya. Nang makapasok na ako sa silid at pumasok na rin yung professor namin pinipilit kong ituon ang aking sarili sa klase kahit na kanina pa may bumabagabag sakin. Thank God at may naintindihan naman ako sa klase unlike kanina at sa mga past days na lutang ako. Nang matapos ang afternoon class namin agad naman akong pumanhik papuntang parking lot at nang makauwi na. Agad naman akong sumakay sa kotse at sinimulan nang mag drive

Sa kalagitnaan ng biyahe bigla kong naabutan ang traffic

Kainis!

Kaya kailangan ko munang mag-antay ng ilang minuto. Habang naghihintay na umusad ang traffic humarap muna ako sa rear view mirror at nakita ko ang aking repleksyon sa salamin na namumutla ako kaya agad naman akong kumuha ng liptint sa bag ko. Bumalik din ako sa salamin at bigla ko nalang nabitawan ang liptint ko dahil may iba akong nakita sa salamin! Another incident na naman!

Kinilabutan ako sa aking nakita

Malalim na ang gabi at nakita kong traffic ito at hindi ko alam kung bakit? Biglang nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. May nangyaring car accident! At ito ang dahilan sa traffic ngayon. Isang malaking truck na nakabangga sa isang kotse.

Nakita ko naman ang mga police na nakapalibot sa nangyaring aksidente. Mayamaya may narinig akong sirena ng ambulansya. Nang makalabas sila galing sa loob ng ambulansya agad naman nilang nilapitan ang driver at laking gulat ko na pamilyar sakin ang babae na binubuhat nila ngayon papunta sa stretcher.. Habang pinupunasan nila ang duguang mukha ng babae biglang may dumating na kotse at agad na lumabas ang nag drive nito. Bigla akong nagulat sa aking narinig

"Bella? Bella?"

Bigla akong hiningal sa aking nakita

Si Bella yung na-aksidente?

Bigla akong napabalik sa huwisyo dahil sa ingay ng busina na kotse sa aking likuran hudyat na umusad na ako dahil kanina pa naka-go sign ang traffic light

Habang nagd-drive ako panay lingon ko sa rear view mirror at wala na akong nakita pa bukod sa aking repleksyon sa salamin

Anong kinalaman ko sa nangyaring insidente kay Bella?

In Another Life (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang