Chapter 9

17 4 0
                                    

Chapter nine







Kasalukuyan na akong nagd-drive ngayon pauwi sa bahay ko. Hindi pa rin mawala sa aking isip ang nangyari kanina sa garden

"Who are you?"

"Who am I? Kilala mo naman ako diba?" Sabi niya sabay upo ng maayos

"Why did you asked me like that?" He asked

"No... Uhm n-nothing" I said then I looked away

"O... Kay"

Nabalot kami ng katahimikan at ako na mismo ang bumasag nito

"Uhm e-excuse me sir. P-papasok na po a-ako" Sabi ko sabay yuko sa harap niya

"Okay sige. Take care" sabi niya pero agad akong tumalikod sa kanya at naglakad na papuntang silid ko

Hinampas ko ng hinampas yung manibela dahil sa kahihiyan

PUTANGINA PENELOPE! PUTANGINA LANG!

"Arghh! Na f-frustate na ako!!"

Di nagtagal nakarating na rin ako sa bahay namin. Pagkapasok ko sa bahay agad akong sinalubong ng mga maids namin

"Kumain na kayo ma'am"

"Asan sina mama at papa?"

"Nasa trabaho pa po maam"

"Hindi paba sila uuwi?"

"Mamayang madaling araw daw maam sabi ni sir" sabi niya nang nakayuko

"Pakihatid nalang ng dinner ko sa taas, ya"

"Sige ma'am"

Agad naman akong nag martsa paakyat sa hagdanan at pumasok na sa kwarto. Pagkapasok ko agad akong humiga sa kama ko

Ano ba yung ginawa mo Penelope!!

Nagbuntong hininga nalang ako at agad na pumasok sa banyo para makapag-half bath. Pagkatapos kong mag half bath agad akong nagbihis at nagsusuklay ng aking buhok sa harap ng aking vanity table. Mayamaya narinig ko na ang pagkatok ng pinto

"Ma'am, yung dinner nyo po"

Agad naman akong tumayo mula sa pagkakaupo at nag martsa sa may pintuan

"Salamat ya"

"Sige po maam" Sabi niya at sinarado ko na yung pinto

Inilagay ko muna yung tray sa may study table ko at umupo sa kama ko. Pinakatitigan ko muna yung tray na may lamang pagkain sa ibabaw ng study table ko

Kakain ba ako? Ni hindi ko nga naramdaman yung gutom

Mga ilang minuto rin ang ginawa ko para mag-isip kung kakain paba ako o hindi. Pero sa huli kumain pa rin ako baka gutomin ako mamayang madaling araw. Pagkatapos kong kumain agad namang kinuha ni yaya ang tray at umalis na. Agad naman akong humiga sa kama at pinakatitigan ang puting ceiling

Sino ba kasi si Joseph?

Sa kalagitnaan ng pagtitig ko sa ceiling biglang nanlabo yung paningin ko

"Anong ginagawa mo rito?"

"Namiss lang kita"

"Halika pasok ka. Punta tayo sa ibabaw ng bubong namin" sumang-ayon naman siya

Agad silang umakyat sa taas, pumasok sa isang kwarto at lumabas sa may bintana

"Teka! Hoy! Baka mahulog ka!"

"Tangek! May bubong rito sa kapitbahay namin! Halika!" Sabi nong babae sabay hila kay lalaki palabas sa bintana. Nang makalabas na sila sa bintana agad naman silang umakyat papunta bubong sa bahay nong babae

"Bakit mo naisipang dalhin alo rito?" Tanong nong lalaki

"Andito kana eh! Kaya dinala na kita rito. Alam mo everytime na malungkot ako o may problema ako pupunta lang ako rito sa bubong"

"Bakit?" Sabi nong lalaki sabay titig sa babae

"May mga starts kasi, feeling ko gagaan yung loob ko pag nakikita ko sila idagdag mo na rin yung puting buwan diba?" Sabi nong babae sabay ngiti ng pagkatamis-tamis

"Nakikita mo ba yun?" Sabi nong lalaki sabay turo sa nga bituin sa madilim na kalangitan

"Oo bakit?"

"Alam mo para kang bituin"

"Bituin? Bakit?"

"Ang hirap mong abutin"

"Bakit?" Sabi nong babae sabay angat ng tingin sa lalaki at biglang nagkasalubong ang mga titig nila

"Bakit mo nasabing mahirap akong abutin? Sinubukan mo na ba?" Sagot ng babae sabay ngiti sa lalaki

"Bella--"

"Why don't you try Joseph?" Sabi niya sabay angat ng tingin sa madilim na kalangitan at pumikit tsaka ngumiti

In Another Life (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora