Chapter 7

16 3 0
                                    

Chapter seven






Weeks had passed natigil rin ang mga nangyayari sa akin. Gaya ng biglang pagsakit ng ulo ko, bigla bigla akong mahihilo, maco-collapse ako at yung mga scenarios na bigla biglang magpapakita sa'kin bigla ring nawala. Hindi ko rin alam kung bakit biglang nawala pero mas okay na 'to, kesa naman sasakit yung ulo ko kaka-overthink

"Dba Pops?"

"Huh?"

"You're not listening naman eh!" Pagmamaktol ni Ella. Kasalukuyan kaming andito sa coffeeshop dahil may vacant kami ng three hours kaya tambay-tambay muna kami rito

"Hindi! A-ano.... Sadyang pre-occupied lang talaga ako ngayon" Sabi ko sabay iwas ng tingin

"A-ano ba kasi yung sinabi mo?" Pagbabalik ko sa topic

"Sabi ko hindi ka rin naman magpapasko sa States dito ka lang sa Pinas"

"Ah-- oo! Pero susunod ako kila mama at papa sa States kapagka new year"

Marami pang mga chika si Ella sakin. Tungkol sa buhay niya sa loob ng tatlong taong hindi kami nagkita tapos magtatanong naman siya tungkol sa buhay ko. Tas mayamaya magtatanong na naman siya tungkol sa kalagayan ko kung okay na ba ako. Napapansin na kasi ni Ella noon ang pagkabalisa ko, pagkatulala ko at biglang paghilo ko kaya sabi ko naman sa kanya na okay na ako ngayon

Matapos ang mahaba-habang chika namin ni Ella napagdesisyonan namin na pumasok na sa silid dahil patapos na rin yung vacant time namin. Pagkapasok ko sa silid agad naman akong naupo sa bakanteng upuan at di nagtagal pumasok na rin yung professor. Hours later natapos rin yung afternoon class namin, napansin kong simula nong hindi ko na naramdaman ang mga sakit ko kagaya ng biglaang pagsakit ng ulo at pagkahilo mas naka-focus na ako ngayon sa klase ko. Wala nang bumabagabag sa akin. Hindi na rin ako nago-overthink kaya mas okay na rin 'to dahil naibalik na yung dating Penelope na nakatuon palagi sa pag-aaral

Habang naglalakad ako sa hallway papuntang parking lot bigla kong nahagilap yung professor nina Ella yung si Mr. Montevuerde. Hindi ko alam kung sinong nag udyok sakin na sundin ko siya hanggang sa makarating kami sa parking lot. I'm just behind him, akmang bubuksan na sana niya ang pintuan ng driver seat nang bigla ko siyang pinigilan

Agad din siyang natigilan sa ginawa ko pati rin ako natigilan din ako sa aking ginawa

Anong ginagawa mo Penelope?

Agad siyang humarap sakin at nabitawan ko ang pagkakahawak sa kanyang braso.

Yung mga titig niya sakin sobrang pamilyar. Parang.... parang nakilala ko na siya noon. Ang kanyang kulay berdeng mga mata ay sobrang pamilyar sakin.

Biglang nanlambot ang aking mga tuhod sa kanyang mga titig. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at naramdaman ko ring parang may mga paru-paro sa aking tiyan

Anong nangyayari sa akin?

"J-Joseph"

Bigla akong nagulat sa aking sinabi

Joseph? Sinong Joseph? Bakit bigla nalang itong lumabas sa aking bibig? Ni hindi ko nga kilala yung tinutukoy ko

Nakita ko naman sa kanyang mga mata ang pagkagulat. Malamang hindi siya si Joseph, siya si Johann... Johann Montevuerde!

"J-Joseph? I'm sorry miss but you called the wrong person" he said at pilit siyang ngumiti sakin

Pero bakit parang may nababasa ako sa kanyang mga mata? Bakit parang.... Nangulila? Lungkot? At pagkamiss?

Kailan pa ako naging marunong sa pagbasa ng mata ng isang tao?

"I-ikaw si Joseph" pagpupumilit ko

Putangina Penelope! Bakit bigla kang namilit eh alam mo namang hindi nga siya si Joseph!

"Paumanhin binibini, ngunit hindi ako si Joseph. I'm Johann Montevuerde" Sabi niya sabay lahad ng kamay sakin

Binibini

Bakit parang pamilyar? Pati ang boses niya pamilyar?

Agad naman akong nagbaba ng tingin sa kanyang kamay na nakalahad at naghihintay na tanggapin ko ito ngunit naramdaman niya ata na hindi ko ito tatanggapin kaya agad naman niyang binawi ang kanyang kamay na nakalahad sa akin

"Why are calling me Joseph binibini?" He asked ngunit parang naramdaman ko ang hiya ngayon. Agad kong itinikom ang aking bibig at nagbaba ng tingin

Ano bang ginagawa mo Penelope?

"O...kay ? So, I gotta go miss may lakad pa kasi ako. So, see you when I see you?" Sabi niya habang nakataas ang dalawang kilay niya

Hindi pa rin ako umimik dahil sa kahihiyan

"Hmm, I'll take that as a yes" he said then he smiled at me and went to his car. He immediately turn on the engine and he drove his car away from me

Naiwan akong nakatunganga sa parking lot

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Bigla nalang nanlambot ang aking mga tuhod, ang pagsakit ng aking dibdib, at ang panlalabo ng aking paningin. At don ko lang napansin na biglang may tumulong tubig galing sa aking mga mata

Bakit ako umiiyak?

Agad ko hinawakan ang aking basang pisnge at dahil sa panlalambot ng aking mga tuhod bigla akong napaupo sa sahig at patuloy na umiiyak. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak pero hinayaan ko nalang ang aking sarili na maiyak

Sino si Joseph?

In Another Life (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora