Chapter 1. The Pact

20.1K 719 72
                                    


"Ano pang inuupo-upo mo d'yan. Asikasuhin mo ang mga bisita!" hindi ko alam kung bakit sa dami ng nakapaligid na katulong sa bahay na ito, ako ang madalas na utusan ni Donya Marietta. Sa harap ng mga bisita ng pamilya pinagmumukha niya akong muchacha. Binaling ko ang tingin ko kay Papa, pasimple niyang ginalaw ang ulo at mata para senyasan akong gawin ko nalang ang utos ng asawa niya para matapos na ang pagbubunganga nito dahil nahihiya siya sa mga bisita.

Naturingang puno ng pamilya, ang totoo isang sutsot lang ng asawa parang asong kumakawag-kawag na ang buntot ni Papa. Para ki ano pa't napangalanan siyang Roman Ferrer de Sandoval, pinunong Mafia kung mahina naman pala ang dibdib at takot sa bunganga ng asawa?

Tiningnan ko ang kapatid ko sa ama na si Maria Blanca, ganoon din ang senyas nito sa akin: sundin ko si Donya Marietta. Kaya wala akong nagawa kundi ang umahon sa kinauupuan at sumama sa mga muchacha na mag-asikaso ng mga bisita sa mahabang mesa.

Habang nilalagyan ko ng alak ang kopita ng bawat isa sa mga taong naroon, naririnig ko ang kanilang usapan. Ang mga taong ito ay hindi mga ordinaryong negosyante, mga matataas na miyembro sila ng malaking angkan ng Mafia Ferrer de Sandoval, pinag-uusapan nila ang nangyaring ambush ng mga kontrabando mula sa Spain papunta dito sa Pilipinas. Habang tumatagal, humihina ang sindikato nila, ilang beses na silang nalalamangan ng mga kalaban, ilang beses nang nananakawan ng milyun-milyong halaga ng mga illegal na baril at money plates. Mainit na din sa mata ng batas ang pangalan ni Papa.

Namomroblema sila dahil hindi nila alam kung paano makakabawi.

Paminsan-minsan nagsasalita sila ng Espanyol, naiintindihan ko iyon dahil halos pangalawang linggwahe ko na din iyon kagaya ng English. Nabanggit sa usapan ang pangalang Areezmir Vulkov. Madalas kong marinig ang pangalang iyon. Isa siya sa mga pinakamalakas at makapangyarihan sa underworld. Mas malalim ang nalalaman ng pamilya namin tungkol kay Areezmir Vulkov kaysa sa ibang mga angkan. Sa pagkakaalam ko isa siya sa mga Phantoms ng Masked Wolf. Ito ang kilalang pinakamakapangyarihan at pinakamalupit na Mafia Boss sa buong mundo.

"Tuloy pa ba ang kasal ni Blanca kay Areezmir?" untag ng isang matandang lalaking may kulay puting buhok sa salitang Espanyol.

"Wala pang nagbabago sa kasunduan." sagot ng Papa ko.

Ang dahilan kung bakit mas malalim ang pagkakakilala ng pamilya namin kay Areezmir Vulkov ay dahil nakatakda siyang maging parte ng pamilya. Nakatakda siyang ikasal sa panganay na anak na babae ni Roman Ferrer de Sandoval, ang kasal na iyon ang magbibigkis ng dalawang angkan na sa matagal na panahon ay naging magkaagaw sa kapangyarihan at sa mga teritoryo sa Spain.

Iba na ang panahon ngayon, hindi na kasing lakas ng dati ang pamilya Ferrer de Sandoval, samantalang sa maikling panahon ay mas lalo pang lumakas at lumobo ang impluwensya ng pamilya Vulkov simula nang maging puno nila si Areezmir.

Areezmir was no ordinary man; he's known to be ruthless and unforgiving. Ang susi sa kanyang tagumpay ay ang walang kapantay na talino at pagkatuso, ganun din ang kakayahan nito sa medisina na sinasabing nahahanay sa pinakamagagaling sa underworld. Areezmir Vulkov was feared by many, bibihira ang nagtatangkang kalabanin siya dahil malupit at wala siyang awa sa mga kalaban. Wala din kaming nabalitaang bumalimbing sa kanyang mga kaalyado takot na baka mas matindi ang parusang matanggap.

"Paano kapag nalaman niyang hindi na kasing lakas ng dati ang impluwensya ng pamilyang ito?" alalang tanong ng isa pang matanda.

"Akala mo ba tanga si Areezmir? Alam na alam niya na paubos na ang yaman at kapangyarihan ng pamilyang ito. But Areezmir is an old fashion man, kagaya ng mga ninuno niya, kilala silang hindi bumabali ng salitang binitiwan. He'll take Blanca as his wife when she reaches the age."

"She's 23 now. Turning 24 in a few weeks. Si Blanca ang magsasalba sa natutuyot na nating pamilya. Kapag naging isa tayo sa mga Vulkov, we will be under the umbrella of the most powerful Mafia Boss in the world. We will be under the protection of the Masked Wolf. Kapag nangyari 'yon, we'll have unlimited access to power and money again!" taas-noong wika ni Marietta.

"How can you be so sure that Areezmir Vulkov is with the Masked Wolf? It's just a rumor. Hindi dahil Russian siya kagaya ng Masked Wolf ay konektado na siya sa pinakamakapangyarihang tao sa underworld."

Ngumisi lang si Marietta. "Believe me, Pablo, I know. I just know..."

Nang matapos akong magserve ng pagkain sa mahabang lamesa para sa mga bisitang hindi bababa sa dalawampu, pagod akong naupo sa upuang nakatuka sa akin. Pansin ko ang pananahimik ni Blanca sa usapan. Walang ginawa ang kapatid ko kundi ang paglaruan ng tinidor ang beef steak na nasa harapan.

"Dapat ngayon palang ay maging pamilyar na sila sa isa't isa. Malapit na silang ikasal, hindi pa ba nakikita ni Blanca sa personal si Areezmir?"

"Walang magiging problema. Areezmir will like my daughter. I have raised this girl to be perfect. She's very well-mannered and gorgeous, can't you see? May nakita na ba kayong babaeng mas gaganda pa sa anak kong si Blanca? Walang lalaking makakatanggi sa mukha at katawang 'yan ng aking dalaga."

Hindi nagyayabang si Marietta, totoong napakaganda ni Blanca, minana nito ang Latinang anyo ng kanyang ina. Maraming lalaki ang nagkakandarapang makuha ang atensyon niya. Blanca used to be very popular in school too. Malaking sakit ng ulo ko ang high school at College dahil ako ang tanungan ng mga lalaking gustong makausap ang kapatid ko.

Blanca was not supposed to entertain any of them because she knew from the start that she was betrothed. Buong akala nina Papa at Marietta, perpektong anak si Blanca... nagkakamali sila.

"She's still a virgin... a presume?" walang pakundangang tanong ng isang middle age na babae. Nakataas pa ang kilay nito. Napansin ko ang paninigas ng balikat ni Blanca.

"But of course! Her virginity is very much intact; we made sure of that."

Tumango tango ang lahat. Big deal ba ang pagiging virgin sa kasal na ito?

Oo.

Lagi kong naririnig kay Marietta iyon. Areezmir, according to them, was a very old fashioned man; he'd not take anything less for his bride. If his bride was soiled by another man, it would be a violation of trust. Who knows what Areezmir would do if the bride given to him was tainted? Sa klase ng ugali at reputasyong meron ang lalaking iyon, baka imbes na isalba ang pamilyang ito, baka ubusin pa hanggang sa kahuli-hulihang lahi.

Yun ang dahilan kung bakit naninigas ang katawan ni Blanca at nawala ang kulay sa mukha niya. Hindi na siya virgin. Marami nang lalaking nagdaan sa buhay niya. Katotohanang tinago niya sa pamilya since first year high school siya.

24Karat VirginWhere stories live. Discover now