Chapter 2. Just One Night

12.7K 611 72
                                    


Halos madaling araw na nang umalis ang mga bisita sa bahay. Nakahinga ako ng maluwag at tila may isa na namang tinik na nawala sa lalamunan ko mula sa napakaraming tila nakatusok doon. I never wanted my father to take me home that night. Mas maigi pa nga siguro kung pinabayaan niya nalang akong maging palaboy sa kalsada nang mamatay ang Mama ko at maging ulila ako. Dapat ay hinayaan na lang niya akong lumaki sa bahay-ampunan o di kaya ay mamalimos sa lansangan. Mas gugustuhin ko pa ang buhay na iyon na malaya, walang pangamba, at higit sa lahat ay hindi konektado sa pamilyang ito na may napakaraming itinatagong lihim.

Tinungo ko ang maliit na bookshelf sa kwarto ko upang maghanap ng librong pwedeng basahin para dalawin ako ng antok. Nang makuha ko iyon ay pumwesto na ako sa kama. Siya naman ang sunod-sunod na katok sa pinto ko, buntong-hininga akong bumangon para buksan iyon. Si Don Roman ang kumakatok, diretso ang mukha niya at wala man lang kaemo-emosyon. "Can you come out for one second? We need to talk to you."

Nanlamig ang kamay ko. Ibig sabihin ng 'we' gusto akong kausapin ng asawa niya. I learned all the hacks in the world on how to avoid a person para lamang hindi magtagpo ang landas namin ni Donya Marietta sa pamamahay na ito, pero sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung paano umiwas. Wala sa loob akong tumango at sumunod kay Papa papunta sa malawak na living room.

Nandoon si Marietta at ang kapatid kong si Blanca. Putok ang labi ni Blanca at gusot ang mahaba nitong buhok. Her mother was furiously staring at her, like she was about to slap her to death. Nang maramdaman nito ang pagsulpot naming mag-ama ay kaagad na binaling sa akin ang nagngangalit na tingin.

"Kelan pa? Kelan mo pa alam ang kalandian at kawalanghiyaang ginagawa ng kapatid mo sa eskwela? Hindi ba't kabilin-bilinan ko sayo bantayan mo siya at huwag palalapitan sa ibang lalaki? Kasalanan mo ang lahat ng ito, bwesit ka na nga sa paningin ko wala ka pang silbi!"

"Ahh! Aray ko! Donya Mariett--", sigaw ko nang bigla niya akong sugurin at hilahin ang buhok ko.

"Perwisyo ka! Pareho kayo ng nanay mong walang kwenta!" pinag-igihan niya ang pagsabunot sa buhok ko, namumula na ang pisngi ko pakiramdam ko mahuhugot na ang buong anit ko sa lakas ng paghila niya. Inikot-ikot niya ako hanggang sa huli ay buong pwersang isinobsob sa lamesang may nakapatong na flower vase. Tumama doon ang noo ko, kasabay ng pagbagsak ng vase sa sahig ay ang pagtulo ng dugo mula sa ulo ko pababa sa pisngi ko.

"Ano ho bang kasalanan ko?" sapo ko ang noo ko habang maluha-luhang nagtatanong kung ano na naman ang dahilan at sinasaktan niya ako.

"Nagtatanong ka pa parang hindi mo alam. Siguro ay sinadya mo ito, siguro ay kung ano-ano ang kalandiang itinuro mo sa anak ko kaya siya nagkaganyan!"

Tumingin ako kay Blanca. Walang patid ang iyak nito. "Mommy tama na please. I'm sure hindi intensyon ni Rosita na mangyari 'yon sa akin. Hindi niya alam na ganoong tao pala si Chad."

Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi nito? "Blanca, what's going on? Wala akong maintindihan, anong tungkol kay Chad?"

"Well... I thought he's a nice guy. I thought he's a friend, that he wouldn't take advantage of me... pero nagkamali ako ng pagkakakilala sa kanya." garalgal ang boses niya na para bang takot na takot at aping-api.

"And you're the whore who introduced Blanca to that nasty-brained lowlife rapist! You ruined her life! Ruined everybody's life here! Alam mo ba kung gaano kalaking problema ang dinala mo? Bwesit ka talagang babae ka, noong una palang alam ko nang walang maidudulot na mabuti ang pagdating mo sa mansyon na ito. Ang dapat sayo pinapatay! Kagaya ng walang kwenta mong ina, magsama kayo sa impierno!!" muli niyang inabot ang buhok ko at hinila na naman iyon nang pagkalakas-lakas. Kaliwa't-kanang sampal ang inabot ko hanggang sa putok na ang labi ko.

24Karat VirginWhere stories live. Discover now