Chapter 10. A Traitor

10.9K 684 119
                                    

Hindi ko na ulit alam kung ilang araw pa ang lumipas. Ang galit ko kay Marietta ang tanging nagbibigay sa akin ng dahilan na idilat ang mga mata ko mula sa bawat pagtulog. Paulit-ulit na gumuguhit sa utak ko ang duguang larawan ni Mama nang huling beses ko siyang nakita. She was covered in blood all over. Sunog ang buhok at kaliwang pisngi niya. Marami din siyang paso sa kamay, dibdib, tiyan, at talampakan. The doctor said my mother had a light bulb stuck in her anus for days and was severely infected. Ibig sabihin no'n ilang araw siyang hindi nakakadumi dahil doon. The police dismissed it as an escort service gone wrong. Sinabing nakatapat si Mama nang hindi pangkaraniwang sadista. I begged them to find the killer and put him in jail. Ang sabi lang nila sa akin walang nakakita kung sino ang nag-book kay Mama, walang witness, wala ding ebidensya. Nakapagtataka. Ni kahit semilya at fingerprint wala silang nakuha mula sa katawan ni Mama? Isang malaking kalokohan.

Ngayon alam ko na ang dahilan. Kaya naman mabilis na natakpan ang kaso ay dahil isang makapangyarihang tao kagaya ni Marietta ang nag-orchestra ng lahat. Napakasama niyang nilalang. Isang malaking kasalanan kung hahayaan lang pakalat-kalat ang demonyong babaeng iyon sa balat ng lupa.

"Rosita!"

Napalingon ako sa kung saan nanggaling ang liwanag.

"Papa?"

"Damn! What the hell did that evil bitch do to you?" nanginginig ang boses ni Papa. "Rudy! Buksan mo 'to!" utos niya sa kasamang tauhan. I collapsed on my father's arms when I finally got to him.

"Pa. Bakit ngayon ka lang?" nanghihina kong bulong sa kanya habang karga-karga niya ako.

"I thought you ran away after that night! Blanca told me she saw you leave the house."

Kumuyom ang kamao ko sa galit. Kasama niya si Marietta sa planong ito na patayin ako.

"Paano mo ako nahanap? Pa, baka balikan ka ni Marietta..."

"Huwag ka nang magsalita. You're too weak to even move your tongue. Kailangan mo munang matingnan ng doktor."

I looked at my father's worried face. I knew in my heart that deep inside him, he loved me. I was, after all, his daughter. His own flesh and blood. Too bad my father was not as strong-hearted as the previous Mafia Bosses from the Ferrer de Sandoval clan that ruled before him. Too bad he was not the warrior his clan expected him to be. Nabanggit sa akin ni Lolita na napakalakas na angkan noon ng mga Ferrer de Sandoval. Na ang desisyon na magpakasal sa pinuno ng mga Vulkov ay hindi dahil mahina sila kundi ay para sa kapayapaan at mas lalong pagpapalakas ng pwersa. Ngayon iba na ang dahilan, atat na atat ang mga Ferrer de Sandoval na dumikit ang pangalan sa mga Vulkov dahil mahina na ito at gusto na lamang ng proteksyon. If we miss this chance and Vulkov runs away from the pact, it's going to be the end of the clan. Siguradong lahat ng mga kaaway na nagtitimpi lamang na burahin sa landas nila ang mga Ferrer de Sandoval ay magkakaroon na ng lakas ng loob kapag nalaman nilang hindi na konektado ang pamilya kay Areezmir Vulkov.

Sa isang maliit na kwarto sa secret wing ng mansyon ako dinala ni Papa. May nag-aabang na doktor na doon na titingin sa akin. I guess I became thinner and a bit malnourished. Nilagyan ako ng IV para sa mabilisang pasok ng nutrients sa katawan ko. The doctor told me to rest. Marami pa sana akong gustong itanong at sabihin kay Papa kaya lang nang masettle ang katawan ko sa malambot na kama hindi na napigilan ng mga mata ko ang umidlip. Kailangan na kailangan ko ng pahinga para makabawi ang katawan ko sa mahabang panahon na nasa basement ako.




****


Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas. Nauulinigan ko ang pag-uusap ng iilang taong naroon. Nang maalala ko kung bakit ako nakaratay sa kamang ito bigla akong nahintakutan. What if Papa is in danger because of me? What if Marietta already knew? Napabangon ako. Kinalas ko ang swerong nakakabit sa likod ng kamay ko at dahan-dahang naglakad patungo sa pinto. Dinikit ko ang tainga ko sa pintuan ng kwarto para marinig ko ng maayos ang usapan sa labas at baka may mabosesan ako kahit isa. All the voices are unknown. Pinag-uusapan nila si Areezmir Vulkov.

24Karat VirginWhere stories live. Discover now