Chapter 13. Lady of the House

10.6K 630 75
                                    


Kung malawak ang first floor ng bahay, nagmukhang mas doble ang lawak ng pangalawang palapag. Maraming pinto ng kwarto akong nadaanan, pinili ko ang pinakadulo. Gusto kong lumayo sa lahat ng tao, kung pwede lang na I-isolate ko ang sarili ko, palibutan ng karagatan ang kwarto ko gagawin ko. Pagod na pagod na ako na makisama sa mga ganitong uri ng tao. Mga kriminal na halang ang kaluluwa kayang pumatay ng tao nang walang bahid ng konsensiya.

Gusto ko lang naman na makalaya. Pero nasaan ako ngayon? Imbes na makatakas napunta ako sa lungga ng pinakamabangis at pinakamapanganib sa kanilang lahat. Areezmir Vulkov was like a fearful demon in my world. Simula nang magka-isip ako at mapagtanto ko kung anong klaseng pamilya meron ako, madalas kong marinig kung gaano pinangingilagan ng lahat si Areezmir. Kahit na mahina at maliit na Familia ang mga Ferrer de Sandoval nakukuha namin ang paggalang at respeto ng iba dahil alam ng lahat na balang-araw ay magiging bahagi ang pamilya namin sa mga Vulkov.

Napasinghap ako sa pintong pinasok ko. Malalaki at magagarbo din naman ang mga kwarto sa mansiyon namin pero hindi ganito. Nasa gitna ng silid ang malaking kama na napapalibutan ng apat na matatangkad na columns na umabot sa kisame. Parang kwarto ng hari o reyna dahil sa classic nitong design. Ang kulay ng mga furniture ay pinagsamang marble white at ginto. Carpeted ang sahig pati na din ang mga dingding. May chandelier. May dalawang upuan sa gilid at may mahabang couch naman sa paanan ng kama.

Hindi ko alam kung tamang kwarto ba ang napuntahan ko. Naisip ko kaagad na baka kwarto ni Areezmir ito. Pero wala naman akong nakikitang kahit na anong gamit sa paligid, nang buksan ko ang malaking wardrobe, wala din namang damit na nakasabit doon.

Nakarinig ako ng mahinang katok mula sa labas ng pinto.

Bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko. Kuyom ang kamaong tinungo ko ang pinto at binuksan iyon. Nakahinga ako ng maluwag nang isang babaeng kasing-edad ko lang ang nabungaran ko. Nakasuot ito ng simpleng bestida, nakapony-tail ang buhok at may sweet na ngiti sa mga labi.

"Good morning, Senorita. I'm Cindy; I'm one of the staff here."

"Hi."

"Ito na po ba ang napili niyong kwarto, Senorita?"

"Ahm." napalunok ako. Sa bahay kasi kapag masyadong maganda hindi pwede sa akin. Nakasanayan ko na kaya wala sa loob na naitanong ko. "Pwede ba ako dito?"

Ngumiti ng malawak ang babae. "Pwede po kayo sa kahit na saang kwarto sa bahay na ito. Kung may gusto kayong baguhin sa design ng kwarto sabihan niyo lang po ako. Dala na din namin ang mga gamit niyo. Aayusin lang namin sandali para makapagpahinga na kayo."

"Sige." hindi ako sanay sa ganitong pag-aasikaso at atensyon. Maraming katulong sa bahay ng mga Ferrer de Sandoval pero ni minsan hindi ako itinuring na miyembro ng pamilya kaya naman hindi ako iniintindi ng mga maids doon. Sa akin masaya ako sa ganoong sitwasyon. Kaya naman hindi ko alam kung matutuwa ako sa pagsisilbing ginagawa nila sa akin dito o maaasiwa. Inutusan ba sila ni Areezmir na gawin ito? O baka naman hindi pa nila nababalitaan na imbes na asawa, isang personal na parausan ang dinala dito ng amo nila?

Napatingin sa akin ang magandang babae nang marinig niya ang biglang pagkulo ng tiyan ko. Kagat ko ang labi na humawak sa sariling tiyan. "Sorry." nahihiya kong turan.

Tinitigan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala.

"Ahm. Do you have a sandwich?" atubili kong tanong. Sanay na akong nalilipasan ng gutom kaya naman katawan ko na mismo ang nag-papaalala sa akin.

"Of course! I'm sorry for not asking. I'll show you the kitchen and the dining area downstairs."

Tahimik akong sumama kay Cindy. Ipinakita niya sa akin ang malawak na kusina kung saan naroon ang dalawang tao. Isang may edad na na babae at isang lalaking sa tingin ko ay anak nito.

24Karat VirginWhere stories live. Discover now