Chapter 4

31 1 0
                                    

"Itinuturing marumi ang mga taong totoong malinis at nagpapanggap na malinis ang mga taong tunay na marurumi" Rinig kong sabi ng Mahal na Prinsipe habang nakayuko parin ako sa lupa. Hindi ako makapagsalita dahil baka madagdagan pa ang mga kasalanan ko. 

Ilang minuto ang lumipas ng magsalita ang Mahal na Prinsipe ay naramdaman ko nalang siyang lumuhod sa harapan ko kaya agad akong napaatras pero mabilis niya akong napigilan. Hindi ko na talaga kinaya ang kaba at napaiyak nalang ako habang humihingi ng patawad.

"Patawad po Mahal na Prinsipe, tatanggapin ko po ang lahat ng parusang nais niyong ipataw sa akin" Sabi ko habang yumuyuko. Hindi umimik ang Mahal na Prinsipe.

"Sa batas po ng mga tagasilbe Mahal na Prinsipe itinuturing na kasalanan sa kanila kong mahawakan sila ni hibla lang ng buhok nila. Itinuturing din silang marumi kung kaya't hindi sila nararapat nahawakan lalo na sa inyong mga maharlika" Rinig kong sabi ng isang lalaki, hindi ko parin siya nakikita dahil nanatili parin akong nakayuko.

"Di ba't ang layunin ng mga pinuno ay pagpapanatili ng kanyang nasasakupan na malinis at nasa maayos na kalagayan? Bakit ganun nalang ang turing natin sa kanila? Hindi matatawag ang kahariang ito na kaharian kong walang mga taong bumubuo nito bilang kaharian at tayong mga taong nasa loob ng palasyo ay higit na pinalad tayo dahil ang mga taong ito ay naniniwala sa ating kakayahan kaya hindi ko maiintindihan kong bakit may ganung batas ang mga tagasilbe? Pare-pareho lang tayong mga tao, mataas man ang aking antas ng pamumuhay higit na mas mataas parin ang antas ng mga mamayan natin dahil wala tayo sa ating kinatatayuan ko wala din sila" Mahabang sabi ng Mahal na Prinsipe. Wala namang nagnais na kumontra o magsalita.

"Dama sabihin mo sa akin. Bakit kaya ang tingin ng mga taong nasa mataas na antas ay marumi kung sa katotohanan ay kayo pa ang totoong malinis" Tanong sa akin ng Mahal na Prinsipe. Napalunok naman ako bago sumagot.

"Dahil po sa kapangyarihang hawak nila Mahal na Prinsipe ay itinuturing din nila, ag kanilang mga sarili na matataas kung kaya't ginagamit nila ito upang maliitin kaming mga nasa mababang antas lamang na pamumuhay Mahal na Prinsipe. At isa pa po dahil sa kapangyarihang hawak nila naging gahaman sila at nais na nilang sila lang ang sinusunod at ang piakamataas sa lahat kahit kanino man" Magalang na sagot ko at yumuko.

"Ikaw talagang!"Hindi na natapos nung lalaki ang kaniyang sasabihin. Dahil nagsalita ang Mahal na Prinsipe.

"Ako'y nagagalak sa iyong kasagutan dama" Rinig ko lang na sabi ng Mahal na Prinsipe saka sila nagsialisan. At ng mapansin kung wala na ang Mahal na Prinsipe ay inangat ko na ang aking tingin pero isang hampas ang sumalubong sa akin, at nawalan na nga ako ng malay.


PRINCE PERI'S POV

Hindi ko maiwasang masiyahan dahil sa narinig kong sabi ng dama kanina, sa wakas may tao kapareha ng aking pag-iisip ang nakaharap ko. Ng makalayo-layo ako ay tumingin ako ulit sa likuran at hindi ko maiwasang masaktan ng makita kong buhat-buhat ng isang gwardiya ang damang kausap ko lang. Agad namang naglakad papalapit sa akin ang aking personal na tagapagsilbi na si Luwen.

"Saan siya dadalhin?" Nag-alalang tanong ko.

"Sa Silid parusahan po Mahal na Prinsipe" Nakayukong sabi ni Luwen.

"Wala naman siyang ginawa ah?" Hindi siya sumagot at napapikit nalang din ako ng mata dahil sa inis. Pang-ilang dama na ba siyang paparusahan dahil sa kinausap ko lamang? O di kaya'y hihingian ko ng opinyon.

"Ang mga binibitawang salita niya po ang naglagay sa kanya sa kapahamakan kung kaya't nararapat lang siyang parusahan" Napayuko nalang ako sa sinabi ni Luwen.

Simula pagkabata pa ay siya lang ang nakakausap ko ng hindi pinaparusahan. Sinabi ko na din sa Mahal na Hari tungkol dito pero ang tanging sinasabi niya lang ay para daw ito sa aking kabutihan at seguridad.

"Malalang parusa ba ang matatanggap niya?" Sana hindi. Pero ang sinabi ni Luwen ay nakapagpadala ng sakit sa aking damdamin.

"Opo Mahal na Prinsipe" Sagot niya. 

Nag-umpisa nalang ulit akong maglakad habang bitbit ang sakit sa katotohanang may napahamak na naman dahil sa pagsimpleng pakikipag-usap ko lang sa isang dama.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now