Chapter 14

13 1 0
                                    

PRINCE PERI'S POV

"Waa!" Napapikit nalang ako dahil sa sakit ng tumama sa lupa ang likuran ko mabuti nalang talaga at walang gwardiya sa bahaging ito.

"Mahal na Prinsipe ayus lang po ba kayo?" Nagmulat ako ng isang mata ng marinig ko si Fu.

"A-ayus lang" Saka ako dahan-dahang umupo at hinimas-himas ang aking likuran.

"Paano ka pala natotong umakyat Fu?" Tanong ko habanag pinagmamasdan siyang inaayos ang tali saka ipinasok ulit ito sa supot na dala niya.

"Bago kasi ako napunta sa loob ng Kaharian Mahal na Prinsipe simple lang ang buhay namin at ako naman ang naatasan sa paghahanap ng makakain ng aking pamilya lalo't wala na ang aking ama" Napatango-tango na lamang ako habang dahan-dahan na kaming naglalakad papunta sa kabisera.

"Pangangaso ang pinagkukunan namin ng pagkain kaya sanay na sanay na ako sa pagakyat-akyat at pagpapana" Salaysay ulit ni Fu. Hindi na ako nagtanong pa dahil nakarating na kami sa kapital ng kaharian at hindi ko maiwasang mamangha habang pinagmamasdan ang maraming tao na naglalakad, nagtitinda, may bumibili, may naguusap at nagiinuman.

"Fu ang saya dito" Hinawakan lamang ni Fu ang kamay ko saka niya ako iginiya papunta sa isang mama na nagtitinda ng pagkaing hindi ko alam kong ano yun.

"Manong pabili po ng dalawang isaw" Rinig kong sabi ni Fu saka siya may kinuha sa supot.

"May dala kang pera?" Nagtataka kong tanong.

"Hmm, buwanang sahod ko bilang tagapagsilbe, inipon ko ito hanggang sa maging mapapangasawa mo at nais kong masubukan mong maging malaya kahit sandali, eto po manong bayad po" Sabi ni Fu ng hindi tumitingin sa akin. Habang pinagmamasdan ang mukha niyang nakatakilid ay nakaramdam na naman ako ng kakaibang saya sa aking loob.

"Salamat" Naisiwika ko mula sa kinailalim-laliman ng aking puso.

"Ah yun ba? Wala yun basta masaya ka, Mahal na Prinsipe" Sabi ni Fu saka ibinulong ang kaniyang huling sinabi sa aking tenga at walang pagalinlangan ko naman siyang mabilis na hinalikan sa pisngi.

"Hmm. Tiyak kong masisiyahan ka talaga" Nakangiti niyang sabi at ibinigay sa akin yung pagkain na paikot-ikot ang mukha at nakatuhog.

"Isaw ang tawag dyan wag kang mag-alala masarap yan" Sabi ni Fu saka kami hawak kamay na nagpatuloy sa paglalakad. Agad ko namang tinikman ang sinasabi niyang isaw at totoo nga masarap nga talaga, mas masarap pa ito sa pagkain na kinakain ko sa loob ng Palasyo.

"Masarap nga!" Nakangiti kong sabi at agad naman akong inabutan ni Fu ng isa pa.

"Maraming ganito?" Niyugyog lang ni Fu ang kaniyang dalang supot at naamoy ko ang amoy ng isaw.

"Saan tayo sunod pupunta?" Tanong ko habang kumakain at inilibot ang aking paningin sa paligid.

"Anong gusto mong maranasan?" Tanong ni Fu, napaisip naman ako ng makita ko sa di kalayuan ang mga kalalakihan at kababaihang nagsasayawan.

"Ayun!" Turo ko at basta nalang hinila si Fu sa kumpol ng mga taong nagsasayawan.

"Hahaha ang saya!" Nasabi ko habang patuloy kaming nagsasayawan ni Fu.

"Ikot pa!" Sabi ng mga taong nanood at agad naman kaming umikot lahat at nagpatuloy naman sa pagsasayaw hanggang sa natapos ito.

"Ang saya nun Fu!" Nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan ang bagong kumpol ng mga tao na nagsasayawan naman.

"Ano pa ang gusto mong maranasan?" Napatingin ako kay Fu ng nakangiti.

"Kahit saan at kahit ano basta kasama kita" Sagot kosa kanya na kanyang ikinangiti.

"Hmm dali may alam ako" Sabi niya at hinila ako palayo sa mga taong nagsayawan. Naglalakad lang kami ni Fu hanggang sa marating namin ang isang bakanteng lote na maraming tao ang naglalaro.

"Maglalaro tayo?" Namamangha kong tanong habang pinagmamasdan ang mga taong ang saya-saya.

"Hmm, kaya tara na!" Napasunod lang ako kay Fu saka namin isa-isang sinalihan lahat ng palaro na aming nakikita. May agawan ng bola, pabilisan sa pagakyat, paghuli ng baboy ramo, basagang palayok, pagtira ng gamit ang pana sa isang bagay at may kalakip itong gantimpala at ang pinakasaya sa lahat ay ang huli-hulihan kung saan ako palaging nagiging taya, dahil sa mabagal akong tumakbo.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon