Chapter 7

16 1 0
                                    

FU'S POV

Ilang araw, linggo at buwan na ang lumipas ng huli kong makita si Kuya. Sinubukan ko din siyang hanapin sa buong palasyo pero hindi ko siya makita pa.

"Binibining Fu!" Agad akong napalingon sa aking likuran ng may tumawag sa akin.

"Anong magagawa ko para sa iyo?" Magalang kong tanong sa kanya. Agad naman siyang yumuko sa harapan ko ng bahagya saka siya tumingin sa akin na para bang nag-alala.

"Pinapatawag po kayo sa palasyo ng Mahal na Lady Sue" Sandali din akong natigilan saka sumunod nalang sa kanya. Agad akong sumunod sa kanya, sa totoo lang ngayon lang ako ulit makakatapak ulit sa Palasyo ni Lady Sue pagkatapos ng ilang buwan na ang nakalipas. Ng makarating ako ay agad akong pinapasok sa silid tanggapan ni Lady Sue at nakita ko naman siya doong na nakaupo lang habang naglalaro ng 'Go' sa isa pang babae na magarbo at maganda rin, pero mas magarbo ang kanyang kauotan kay Lady Sue.

"Magandang umaga sa inyo Mahal na Lady Sue at..." Panimulang bati ko sa kanila pero napatigil ako habang nakatingin sa isa pang babae.

"Nasa harap mo ang Mahal na Reyna, anong sa tingin mo ang tingin mo sa sarili mo dama?" Ma-awtoridad na sabi ni Lady Sue. Nagulat naman ako sa aking narinig at agad na napayuko sa sahig.

"Mahal na Reyna" Nasabi ko nalang at ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa aking noo.

"Siya ba?" Rinig kong sabi ng Mahal na Reyna, hindi ko alam kong ako ba ang kinakausap niya kaya napaangat ako ng tingin pero talim ng espada ang gumulat sa akin.

"Kamukha nga niya" Sabi ulit ng Mahal na Reyna habang nakatingin parin ako sa talim ng espada.

"Tumingin ka sa akin dama" Dahan-dahan naman akong napatingin sa Mahal na Reyna at nakita ko ang kakaibang ngiti niya.

"Kamukha mo nga siya" Nakangiti parin niyang sabi at may inihagis sa aking damit sa harapan ko. Agad na nanlaki ang aking mata ng mapagsino ko kung sino ang may ari ng damit na nasa harapan ko. Kuya.

"Batid kong malapit na kaibigan ang iyong kapatid sa Mahal na Prinsipe kaya kung gusto mo pang makasama ang iyong nakakatandang kapatid nais kong gumawa ka ng paraan para mapatay mo ang Mahal na Prinsipe" Sabi ng Mahal na Reyna. Habang nakatingin parin sa damit muli kong naalala ang mga pinag-usapan namin ni Kuya Lu bago kami naghiwalay ng daan.

"Simula nong araw na iniligtas niya ako sa pangalawang pagkakataon, ipinapangako ko na ring iaalay ko sa Mahal na Prinsipe ng buong puso ang buhay ko at gusto kong maging ikaw din Fu, dahil wala na at hindi na din siguro tayo magkikita ngayon kung hindi pa niya ako iniligtas noon"

Ilang taon ang ibinuhos ni Kuya Lu ang kanyang buhay sa tabi ng Mahal na Prinsipe kaysa sa aming pamilya at kapatid niya.

"Ito" May inihagis din si Lady Sue na bote.

"Nais kung ipainom mo sa kanya iyan" Napatulala nalang ako sa bite na kanyang inihagis at sa damit ni Kuya Lu na nasa harapan ko.

"Gawin mo ang nais namin kong gusto mo pang makapiling ang Kuya mo at ang naiwang Ina at isa mo pang kapatid" Pagbabanta niya pa.

Matapos akong makausap ng dalawang kamahalan ay lutang akong bumalik sa Palasyo ng mga tagasilbe.

Papatayin nila ang pamilya ko kung hindi ko gagawin yun. Ayaw kong mawala ang aking pamilya, lalo na si Kuya Lu na ngayong alam kong buhay pa pala siya.

Sandali pa akong nagmumuni-muni at napagdesisyunang puntahan ang Palasyo ng mga tagaluto.

"Ako po ay inutusan upang dalhin ang pagkain ng mahal na Prinsipe" Sabi ko ng nagtatakang nakatingin sa akin ang pamunuan ng mga tagaluto. Sandali pa siyang nagagam-agam at itinuro sa wakas ang malapad pero maliit na biluging mesa na gawa sa kahoy kung saan nakapatong ang mga pagkain. Agad ko na itong kinuha saka dinala sa Palasyo ng Mahal na Prinsipe. Nasa labas lang ako ng silid tulugan niya hinihintay siyang magising habang wala pa ang ibang mga tagasilbe dito kinukuha ang ibang pangangailangan ng Mahal na Prinsipe at dahil wala pang tao sa paligid ay inilagay ko ang laman ng isang bote na dala ko.

Sana ay mapatawad niyo ako kamahalan.

Saka ako lumabas sa Palasyong iyon ng parang wala lang nangyari.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now