Chapter 25

10 2 0
                                    

FU'S POV

Naramdaman kong tumulo ulit ang luha ko dahil sa sakit na aking nararamdaman sa buong katawan ko, mabuti nalang at ginamot muna nila ako bago nila ako ikinulong dito. Magdadalwang linggo narin akong nanatili dito sa kulungan at ni isang beses hindi ako dinalaw ni Peri, pero naiintindihan ko siya lalo't bawal nga sa mga maharlika lalo na siya na pumasok sa ganitong uri na lugar na madilim, maraming diyame at mapanghi ang amoy dahil na siguro sa mga kasamahan ko dito na matagal ng hindi napapaliguan at kung minsan dito na rin sila nagbabawas.

"Hindi ka na ililigtas nun" Napatingin ako sa aking katapat na selda kong saan may isang lalaki na may katandaan na rin.

"Sino po ang tinutukoy niyo?" Tanong ko at umayos ng upo para harapin siya at makausap ng maayos.

"Di ba't ikaw ang mapapangasawa ng Prinsipe?" Dahan-dahan akong tumango at napayuko dahil sa kakaibang lungkot ng marinig ko ang posisyon niya. Peri nasaan ka na ba?

"Kahit hindi mo na sabihin alam kong ang Reyna at si Lady Sue ang naglagay sayo sa sitwasyong ito" Sabi nung isa pang lalaki na katabi na nasa katabi lamang na selda nung kausap kong lalaki.

"Paano niyo po nasabi?" Nagtataka kong tanong at nakinig ng mabuti lalo't nakuha niya ang interes ko.

"Dahil sila din ang naglagay sa amin sa ganitong sitwasyon, pagkatapos namin silang tulungan upang maging isang maharlika basta nalang nila kaming itinapon na parang basura ng makuha na nila ang kanilang gusto" Pagsalaysay nung unang kumausap sa akin.

"Maari ko din po bang malaman ang pangalan niyo?" Magalang kung tanong sa kaniya saka siya ngumiti sa akin.

"May naaalala akong kaibigan sa pagmumukha mo" Sabi niya, kahit na nagtaka ako ay ngumiti na din ako sa kanya.

"Ako si Merlan" Pagpapakilala nung mamang unang kumausap sa akin.

"Fer" Sabi pa nung isa yung katabi niya lang na selda.

"Ami" "Kiko" "May" "Miu" "Tsar" At sunod-sunod na silang nagpapakilala, bahagya pa akong natawa dahili sa ikinatagal ko dito ngayon ko lang nalaman ang mga pangalan nila.

"Ako naman si Fu, Fu Ongsaeng" Pagpapakilala ko din sa kanila. Nagtaka ako ng bumakas sa mukha nila ang gulat.

"May problema po ba kayo?" Nagtataka kong tanong ng nanatiling parang gulat ang mga mukha nila. Napatingin na din ako sa likuran baka doon sila may nakikita na hindi ko nakikita.

"Anong kinalalaman mo kay Mifulo Ongsaeng" Gulat na sabi ni Mang Merlan at nagulat din ako sa kanyang sinabi.

"Paano niyo po nakilala ang Ama ko?" Nagtataka kong tanong. Mas bumakas naman sa mukha nila ang gulat kaya mas nagtaka ako.

"Mang Merlan?" Nagtataka kong tanong at napatayo na dahil sa pagkalito pero ng tuluyan na akong makatayo ay nagtatakang napatingin sa kanila ng bigla silang nagsiyukuan sa sahig.

"Mang Merlan? Mang Fer? Ami? Kiko? May? Miu? Tsar?" Isa-isa ko silang tinignan ng may nagtataka at mas nagtaka pa ako ng marinig ko ding isa-isa silang umiiyak. Hala anong ginawa ko?

Maya-maya lang ay umayos na din sila saka tumayo ng may ngiti sa mga labi.

"Kilala mo ba kami Fu?" Tanong ni Mang Merlan. Agad naman akong napailing.

"Ako si Merlan Ongsaeng, lahat kami na ng dito ay mga Ongsaeng. Ako ang nakakatandang kapatid ni Mifulo na siyang pinuno ng pamilyang Ongsaeng. Ang mga ipinakulong na mga dugong maharlika" Nakangiti niyang sabi at ako naman ay muntikan ng matumba dahil sa aking narinig.

"Sabi nila na si Ama raw ay pinuno ng mga rebelde?" Nagtatakang tanong ko at napahawak na lamang sa rehas dahil sa pagkagulat.

"Kung sa Reyna mo yan narinig, malamang na rebelde ang tingin nila kay Mifulo lalo't si Mifulo lang naman ang nakapagsiwalat sa lahat ng kasamaan ng pamilya na kinabibilangan ng bagong Reyna, siya rin ang nagpapatay sa dating Reyna at ngayon sila ang humahawak sa mga kalayaan ng mga taong totoong nagmamay-ari ng kahariang ito" Mahabang sabi ni Mang Merlan. Dugong bughaw si Ama? Pero bakit? Bakit hindi ko to alam?!

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now