Chapter 12

19 1 0
                                    

PRINCE PERI'S POV

Walang sabi-sabi akong dumiretso ng pasok sa Palasyo ni Lady Sue, sandali ko siyang binati bago ako nagsalita.

"Mahal na Lady Sue ano itong narinig ko na may ipagkakasundo raw kayong mapapangasawa ko?" Pinigilan kong hindi mainis pero hindi ko talaga kaya.

"Bakit parang hindi ka masaya Mahal na Prinsipe?" Natatawang sabi ni Lady Sue, halatang nanunuya siya sa akin habang nakaupo siya sa kanyang trono at sumisimsim ng tsaa.

"Pero hindi pa ako pumapayag na maikasal sa kahit kanino mang babae" Tiim bagang kong sabi at mas nainis pa ako ng marinig ko ang marahang pagtawa niya.

"Kahit kanino man?" Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa akin, ako naman ay natigilan. May binabalak siya.

"Papasukin niyo siya" Utos ng Mahal na Lady Sue.

Agad akong napalingon sa aking likuran kung saan dahan-dahang bumukas ang pinto at parang tumigil ang aking mundo ng mula sa pinto ay dahan-dahang pumasok si Fu.

"Iyan ang unang handog ko para sayo Mahal na Prinsipe" Rinig kong sabi ng Mahal na Lady Sue pero hindi ko siya malingon dahil ang mga mata ko ay napako sa babaeng nasa harapan ko.

Nakasuot siya ng kulay putting damit na magarbo, ang kaniyang buhok ay inayos at nilagyan ng mga palamuti, ang kaniyang mukha naman ay mas pinaganda gamit ang mga pangkulay sa mukha.

"Maligayang araw Mahal na Prinsipe" Bati niya sa akin saka lumuhod sa aking harapan.

Dahan-dahan naman akong pumihit pa talikod upang tignan si Lady Sue na may suot na ngiti sa kaniyang labi na ikinasiklab ng galit sa aking puso.

"Nagustuhan mo ba ang handog ko para sayo Mahal na Prinsipe?" Sabi pa ni Lady Sue at diniinan ang pagtawag niya sa akin ng 'Mahal na Prinsipe'

"A-ako'y nasi-siyahan, Mahal na Lady Sue" Pilit kong inayos ang akiing sarili saka bahagyang yumuko sa kanyang harapan.

"Kung ganun nais kong mas makilala mo siya, wag kanang mangamba pa dahil humingi na ako ng pahintulot mula sa Mahal na Hari" Sabi ni Lady Sue, muli akong yumuko sa kanya ng bahagya saka ako tumalikod at tumingin kay Fu na ngayo'y nakaluhod parin.

"Dalhin niyo siya sa aking Palasyo" At agad na akong umalis. Habang naglalakad ramdam ko na nanginginig sa galit ang aking kamay kaya ikinuyumos ko ito. Hindi ko matanggap na kakapangako ko lang na hindi ka maitali sa kahariang ito, pero huli na pala. Kaya ba hindi kita nakita nitong mga nakaraang mga araw dahil nasa kamay ka na ng mga kalaban ko? Kaya ba hindi nakita nitong mga nakaraang araw dahil nadakip ka at nasa loob na ng hawla?

Pagkarating ko sa aking Palasyo agad akong pumasok sa aking silid tulugan at doon, sa kauna-unahang beses sa loob ng sampung taon ay muli akong umiyak. Huli akong umiyak ng matanggap ko ang balitang pumanaw ang aking ina pero alam ko na sa totoo ay hindi siya simpleng pumanaw lamang dahil pinatay siya! Pinatay siya ng mga taong nagpapasok din kay Fu sa hanay ng mga magiging dugong bughay!

FU'S POV

Binati ako ng katahimikan pagkapasok ko palang sa Palasyo ng Mahal na Prinsipe. Hindi ko inakala na dito pala hahantung ang simpleng pagsam ko lamang sa Mahal na Lady Sue, pinagbihis niya ako kanina ng magarbo dahil nais niya raw matingnan kong ano ang magandang susuotin niya para bukas pero hindi ko inakala na para pala sa ganitong okasyon ang dahilan ng kaniyang pagpapasuot sa akin ng damit.

"Mahal na Prinsesa dito po" Sumunod nalang ako sa personal na tagapagsilbe ng Mahal na Prinsipe. Hanggang ngayon hindi ko parin inakalang magiging ganito ang sitwasyon ko lalo't wala akong kaalam-alam sa pamamalakad dito sa loob ng kaharian. At lalo ng hindi ko alam kong paano pa ako makakalabas pa dito kong gayung itinalaga ako ng Mahal na Lady Sue bilang mapapangasawa ng Mahal na Prinsipe at maging Prinsisa niya sa paghintulot ng Mahal na Hari kay Lady Sue.

Ng nasa harapan na ako ng silid tulugan ng Mahal na Prinsipe ay agad ko munang pinaalis ang ibang mga taga-silbe upang makausap ko ng masinsinan ang Mahal na Prinsipe.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon