Chapter 14

1.3K 42 2
                                    

Chapter 14






"Kakapagod....wooossh!" napatingin ako kay Xander na nakatingin naman sa daan at focus na focus pa talaga. Ano iyun? Takot mabangga? hihihihihi

~_-

"Bakit?" nakataas kilay niyang tanong saken...

"Wala" peru di ko parin mapigilan ang ngiti ko. Ang saya ng araw na ito...dalawang wish agad ang nawala! Okay lang iyun masaya naman eh! Mag-iisip ulit ako kung ano ang pangatlo at 1/2 kung wish na ipapatupad sa aking gwapong Genie..Shing! Shing!

"Ngayon lang ako nakakilala ng isang maid na adik...may pakumpas-kumpas pa sa kamay at " ginaya pa talaga ako "Shing! Shing!" sabay paniningkit ng mata "Ano iyun?! Trip mo lang"

Asar naman nito! Panira ng magandang iniisip eh! itinago ko na lang iyung kamay ko sa likod.

"Yan ha...wala na akung kamay" itinaas ko pa iyun

"Anong wala?!"

"Huh?! Itinago ko na" bulag ba ang isang ito?

"E ano iyan?" ininguso nito ang dalawa kung kamay na nakataas

Napatingin tuloy ako...OO nga noh! Dali-dali ko naman iyung pinagsalikop sa paanan ko. Kakahiya ah! Sure naman ako kanina na natago ko na iyun sa likod ah...Aisssh! Kayong mga kamay ko pahamak talaga kayo eh. Patay kayo saken mamaya sasabonin ko kayo at liliguin ng maraming alcohol!!! HA!! Takot ka?!

"Wala na"

"Adik ka talaga"

HAla!!

Ngumiti siya! ^__^ Hindi nga lang halata kasi nakaside view peru nakita ko talagang ngumiti si Xander...hihihi Galing mo talaga Bokrang eh!! Ikaw lang ang nagpapangiti sa among mong iyan na may Kabilugan ang Buwan ang Ugali!!

Napatingin ako sa labas....

"Uuwi na ba tayo?"

Inabot na kasi kami ng gabi kaya ang ganda-ganda tignan ng mga lights sa labas...pati traffic light nagiging Rainbow sa mata ko. O diba?

"Hindi pa"

Napatingin ako bigla sa kanya

"Huh? Hindi pa? Saan tayo pupunta?"

"Kakain...nagugutom na ako eh" bigla nalang nitong ipinark iyung sasakyan sa isang mamahaling restaurant saka pinatay ang makina ng sasakyan, inalis ang seatbelt nito saka binalingan ako "Tara na...ililibre kita"

Nagpanting bigla ang tenga ko...Libre? Okay game ako diyan...Inalis ko na iyung seatbelt...peru ang pesteng seatbelt ay ayaw matanggal!! Hindi niya ba ako pakakainin...Gosh ha? Ano bang klaseng seatbelt ito ? Iba sa mga ordinaryong seatbelt sa mga sasakyan...

"Ako na--" dumakwang si Xander sa natitirang distansiya sa aming pagitan...inalis niya iyung kamay ko at maingat na tinangggal iyung seatbelt ko. Napatingin lang ako sa kanya...sabay THUD! THUD! Ito na nanaman ang bagong ringtone ng puso ko.

"Seat belt lang hindi pa matanggal"

Gulong-gulo na nga ang puso ko eh! Nawala na ako sa pag-inog ng mundo peru dahil sa sinabi niya ng emergency landing na naman ako!

Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Malay ko bang may Alien kang seatbelt?"

Suntukin ko iyang ears mo eh! Kung hindi mo natatanong marami akung seatbelt sa amin! Ipalamun ko pa sayo eh! Binuksan ko nalang iyung pinto ng kotse niya at asar na sinira iyun.

"Pasalamat ka araw mo ngayon?" narinig kong sabi niya

"Hindi ko Birthday ngayon!"

"Whatever," bigla nalang niya akung hinili sa siko "Huwag ka na ngang magdrama jan nagugutom na ako"

"Augh! Por your Inpo I'm not a teledrama hir"

"Huwag kang mag-english hindi matutunawan ang mga tao dito Bokrang"

"E paki ko ba kung hindi sila marunong mag SpokenDollars ha?!"

"Sasamain ka talaga saken kapag hindi ka pa tumigil" binuksan na nung guard yung glass door.. nang bigla nalang akung hilahin palapit ni Xander sa bewang. Nagulat naman ako! Shucks! Napatingin pa nga ako sa kamay niya sa bewang ko...

"Good Evening Ma'am, Sir" yumuko pa ito

"We have a reservation" sabi niya rito. May lalaki namang dumating at iginiya kami sa isang table na wala gaanong tao.

Ano ito?! Date of the CENTURY!! PERS TIME KO TO!!

Naexcite tuloy ang lola ahahahha!

Naupo na kami pareho...si Xander nakatingin na sa Menu, habang ako nakatingin lang sa kanya. Ngayon ko lang na NOTICE pwede din palang pang-ulam itong si Xander kapag on diet ka.. Mukha palang entree na...ngiti niya pang main course...at ang body niya pang dessert! oh diba! All in One!

CHE! Tigilan mo na ang pagnanasa sa isang iyan! Tandaan mo mortal Combat ang pamilya niyan sa Bansang Sinilangang Pilipinas!

Peru ang gwapo niya eh...Kung hindi lang sana sobrang sungit eh! Mapagtiyatiyagaan na kita. Hmp!

Bigla namang itinaas nito ang tingin mula sa menu patungo saken. Napatuwid tuloy bigla ako sa pagkakaupo at binigyan siya ng sobrang tamis na ngiti  ^__^ Kunwari hindi ko siya pinagnanasaan

"Naka pili ka na ba ng kakainin?"

"Oo" tumango lang ako...kahit di ko na tignan ang menu mabubusog na ako sayo ehhee

Tumaas lang tuloy ang kilay nito siguro alam nitong hindi ko pa nahawakan ang menu sa harap ko.

"Talaga?! Ano naman" ibinaba nito ang menu at sumandal sa upuan nito

"Pagkaing mayaman"

"Lahat ng ito pagkaing mayaman...Umayos ka nga Bokrang nasasayang iyang damit mo dahil sa asta mong parang adik" sininyasan niya ang isang dumaan na waiter

"Order sir?" kinuha nito ang isang pad sa bulsa

"Isang Beef Broccoli with Oyster sauce, champagne and..." binalingan niya ako

"Ahmmm..." kinuha ko iyung menu "Iyun na rin peru walang Oyster sauce saka mango shake at saka water na rin" diet ako ngayon eh ehehehe "Ay wait! dagdagan mo na rin ng choco mousse na cake" sabay ngiti..O diba mukha akung mayaman!

"Iyun lang po ba sir? ma'am?"

"I guess that would be all"

"Okay..."

"May patingin-tingin kapang nalalaman diyan gagayahin mo rin naman pala ang order ko"

"Hoi! Hindi kaya...bakit um-order ka ba ng Choco mousse Cake at mango shake at saka water ha?"

"Pareho lang din iyun"

"Hindi iyun pareho"

"Pareho silang pagkain"

"Iyun pareho iyun!"

"Para ka talagang Ewan"


Habang nasa kasarapan kami ng kain ay bigla nalang natigilan si Xander. Napatingin tuloy ako sa likod malapit sa Entrance. May isang magkasintahan na papalapit sa table namin. Napatingin ulit ako kay Xander. Tumikhim mo na ito saka inayos ang sarili.

Ano na naman kayang eksena ito?

"Xander?!"

Tumayo si Xander at masuyong nginitian ang babae "It's been a while, Kate...Kumusta?" binalingan mo na nito ang lalaking kasama ng babae bago binalingan ulit si Kate "Boyfriend mo?"

"My Fiance" pagtatama naman nito

Nakita kung naging stiff ito bigla peru naging normal ulit... Ano bang real score ng dalawang ito? Ngayon ko lang nakita si Xander na ganun ka nerbyos at hindi mapakali.

"Congratulations" inilahad nito ang kamay sa lalaki "I'm Xander by the way...an old friend of Kate"

"Thanks..ako nga pala si Neon"

"So..." bigla nalang akung tinapunan ng kakaibigang tingin ni Kate. Honestly di ko siya feel...Feel na feel ko kasi ang ka plastikan niya. "Is that your new toy?"

Bigla nalang akung nabulunan..

Mabilis namang inabot saken ni Xander ang isang basong tubig.."Are you okay? Here"

Kinuha ko iyun at ininum...Anong akala niya saken display sa Toy Kingdom? New Toy!! Punyeta ang babaeng ito...pinipilit akung magmura!

"Thanks"

"I'm sorry to offend you...peru really, Xander...iba na naman ba ito?"

"No I'm---"

"No, I'm serious this time Kate...I'm going to marry her"

O___O

Pakakasalan niya ako....How True? Nagblock out ba ang tenga ko at mali na ang narinig ko?

"Ahh...so seryoso ka na pala ngayon?"

"Yeah" hinawakan pa niya ang kamay ko dahilan sa napatayo din ako...Timing namang napadako ang tingin ni Kate sa dalawang kamay naming magkahugpong na may kaparehong sing-sing sa palasing-singan.

Hala! Hindi ko pa pala na alis ang props namin kanina.
Hala! Bakit iyung kay Xander hindi niya rin natanggal?
HALA?!!

"I love Rang and I want to spend my life with her" sabay halik sa kamay ko.. Nagdagundung naman ng bonggang-bongga ang puso ko...

Feel na feel ko totoo....peru EWAN!! Plabas lang yata ito ng isang ito!! SIGE!! Go with the flow ka na Olayannie...diyan ka naman magaling eh! Sa Pag-arte! Peru kinilig talaga ako eh! Sige na nga!

"Oww... Xander" may star-star at touch-touch effect pa iyung expression ko "Ang sweet mo talaga Honey eh...naiiyak na naman tuloy ako. Ako na yata ang pinaka maswerteng babaeng sa buong mundo" at sa buong Planet Earth!!

"No..ako ang pinakamaswerteng lalaki dahil nakakilala ako ng isang tulad mo"

ECHOS!! Kinikilig na talaga ako eh! nanlalambot na ang mga tuhod ko!

"Ahemm...Looks like someone has to get a room?" panunukso ni Neon ang kasintahan ni Kate...na nanlilimahid na sa inis...at medyo asiwa sa eksena...

Tumawa lang tuloy si Xander...kinuha nito ang pitaka at nilagyan ng dalawang libong pesos ang lalagyan ng bill "Iyan din ang gagawin namin. Halika na Honey"

Sus Maria!! Mag-hohotel kami? Sige GO!!

"Mauna na kami..." sabi ko na may ngiti pa talaga...malapad pa ang ngiting ibinigay ko kay Kate. Manigas ka! Inggit ka?

"Okay...Have Fun" ngingisi naman na sabi ni Neon "Hinay-hinay lang"

Pinalo naman ito ni Kate sa balikat "What?!" peru dumiretso na ito sa isang table

Hala ka?! Nagalit na ang plastic...ehehehe I mean tao pala.


***


Iniwan namin iyung kotse sa isang park na may park ng sasakyan...eheheh Park...sa Park..Ang Labo! Akala ko nga sa Hotel kami didiretso iyun pala maglalakad lang kami sa sidewalk...sakit na ng paa ko. Iyung mousse cake ko hindi ko man lang  natikman!

Sayang talaga!! Mukhang masarap pa naman iyun sa picture! Bakit ba na sa huli palagi ang dessert?

"Sino ba kasi ang babaeng iyun?!" siya ang dahilan kung bakit hindi ko nakain ang mousse cake ko!

"Ex-fiance ko"

O__O

"Huh?!" napatingin ako bigla kay Xander...seryso na ito "Ex fiance mo? Teka...bakit kayo nagkahiwalay?"

"I made her choose between her dreams and me...peru mas pinili niya ang maging isang interior designer at pumunta sa Paris kaysa saken" he sighed...

"At mahal mo parin siya?"

Hindi!

"Yes..."

Ouch!! Bakit?! Bakit nasasaktan ako....Kinapa ko ang damdamin ko para sa lalaking ito peru...Am I in love with him na ba? Gosh! Maloloka ako sayo Olayannie?! Ano na ba ang nararamdaman mo sa kanya?

"Kaya lang ikakasal na siya" sansala ko naman

"Parang ganun na nga..."

"Hula ko gusto ka parin nun" kahit medyo baracuda ang dating ng isang iyun!

"HUH?!"

"Babae kaya ako....halata namang nagseselos siya noong sinabi mong ikakasal ka na saken..At iyun ang pagkakamali mo."

Ginamit mo pa ako...Ngayon ano? Isa nalang akung hamak na gamitan! Pangit! Nagmumukha akung bayaran na babae...

"Teka nga muna!"

"Huh?!"

"Bakit ko naman ito sinasabi sayo?"

"Aba'y malay ko sayo...ikaw itong nag o-open up saken eh!"

Takdol na naman!! (kabilugan ng Buwan) Paiba-iba talaga ang ugali nito!

"Kalimutan mo na nga lang ang sinabi ko"

"Okay...ikaw bahala"

"At huwag na huwag kang magkakamaling ipagsabi ito sa mga kasamahan mo!"

"Lunes Nang tayo'y magkakilala " sinumulan ko ang pagkanta...

"Nang-aasar ka ba ha?!"

"Martes ng tayo'y muling nagkitaaaaa....." ngayon nilakasan ko na talaga!

E sa naasar ako eh! Masakit sa puso!

"Ano ba itigil mo na nga iyang pagkanta Bokrang!"

"Miyerkules nagtapat ka ng iyung pag-ibig....Huwebes at inibig din kitaaaa!!"

Hinabol niya ako....peru umiwas-iwas lang ako....wala akung paki kung pagtingnan pa kami ng tao!

"BOKRANG!!!"

"Biyernes ay puno ng pagmamahalan mga puso natin ay sadyang nag-aawitan...Sabado, tayo'y biglang nagkatampuhan..."

"Sasamain ka talaga saken!"

"At sa pagsapit ng Linggo...giliw ako'y iyong iniwan mooooo!!!"

"LAGOT KA SAKEN PAG-UWI!!"

Maid and Boss (DonBelle)Where stories live. Discover now