Chapter 28

1K 31 0
                                    

"Hoy Bokrang ha sobra ever bigatin ka na ngayon ah"

"Owberz! Grabeh ka naman Joy"

"Ano tong nasagap kong chika na pinapalipat daw ni Senyorito Xander ang gamit mo sa room niya...Oh my gas!" napasinghap ito sabay hawak sa magkabila kong braso. Naadik na naman ito  "Huwag mong sabihing pumayag kang maging maid-slush-sex-slave? My Gas! Bok--"

"Manahimik ka nga Joy para kang ewan eh..and wat u think of me thinking ob u? Haler! Hindi kaya"

"So bakit ka lilipat sa kwarto ni Senyorito?"
Ipinakita ko sa kanya ang singsing na ibinigay saken ni Xander with a smile.
"Oh may!" natutop nito ang mga bibig pagkatapos ay sinipat ang singsing sa aking daliri at napatingin saken "Kayo na?!"

I nodded "At ikakasal na kami"

"Buntis ka?!"

"Naman eh!" Binatukan ko siya...minsan talaga tagilid ang utak nito "Hindi noh"

"E bakit ka aaluking magpakasal ni Senyorito...iyun ay kung pinikot mo siya o tinakot na gagahasain gabi-gabi"

"Naman ito oh! Parang wala kang belib sa kagandahan ko"

"Wala nga"

"Akala ko ba friendster at ka-FB tayo?"

"Oo naman, Kapamilya mo rin ako at Kapuso din kita hindi lang iyun itinuturing na kitang Kapatid"

"Nakainum ka ba ng gamot mo ngayon?"

"Wala pa nga eh, so ano?"

"Well, sabihin nalang nating nagmamahalan kami kaya kami magpapakasal"

"Oh my Gass! Hindi nga? Mahal ka ni Xander?"

"Hindi ka rin makulit ano?"

"Grabeh friend lume-level up ka na...sabi ko sayo e may pagnanasa din iyang si Among Tunay natin eh. Total taken na si Xander" nagdrama naman ito "Si Ace nalang ang hihintayin ko"

"Speaking of Ace? Know mo ba kung saan siya ngayon?"

"Ayun sa latest chika napadpad daw sa bukid..kaya heto ako ngayon nagra- Right here waiting for you...Hayyy, ganito siguro talaga ang umiibig"

"Nagiging adik ahhaa"

"He!" peru niyakap parin niya ako "I'm so very happy for you friend, nakabingwit ka na rin ng mayamang lalaki na magmamahal sayo at tinanggap ang kaweirduhan mo...And may I add hot na gwapito papa hihihihi"

"Adik ka talaga hihihih....thanks"

"O sige na tama na ito" kumalas na siya sa pagkakayakap saken "At may trabaho pa ako"

Knock....Knock....

Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Nanay Rosa

"Nakakaistorbo ba ako?"

"Ay Nanay Rosa hindi naman po" sagot ko "pasok po kayo, may kailangan po ba kayo?"

"Ahm, Joy pwede mo ba kaming iwan sandali nitong si Bokrang, may sasabihin lang ako sa kanya"

"Ay opo Nanay Rosa, paalis na nga po ako eh" tumayo na ito "Una na ako" saka umalis.
Umupo naman sa tabi ko si nanay Rosa. Kahit na mabait naman  itong si Nanay Rosa ay di ko parin mapigilang mangamba. Matagal-tagal na rin siya dito, maliit palang si Xander ay ito na ang nangangalaga sa mansion ng mga Vergara. Ano kaya ang sasabihin niya saken..Scary naman

"Gusto ko lang humingi ng Salamat sayo Bokrang" inabot niya ang kamay ko at hinawakan iyun. O_O..anong drama ito? "Salamat sa pagbabalik mo sa dating Xander"

Maid and Boss (DonBelle)Where stories live. Discover now