Chapter 29

1K 28 0
                                    


“Alam mo ang cute ng gown na napili ko Xander”

“Ahhh…”

“Saka sinabi ko sa coordinator natin na Red ang theme natin tapos simple lang. Okay lang ba sayo iyun ako na ang pumili ng color?”

“Ikaw bahala”

“Sasama ka ba bukas sa food testing namin ni Ate? Pipili na rin kami ng Cake”

“Busy ako bukas. I have an important meeting to attend..sorry”

“Ah, ganun ba…iyung sing-sing—“

“Next week nalang tayo pumili may out of town business pa kasi ako”

“Ahh…” napatingin ako kay Xander “May problema ba?”
  Feeling ko kasi may problem si Xander…wala kasi siya sa mood these days. May problema kaya siya? Hindi kaya isa lang ito sa mga Wedding Jitters..Ghad! Para kang praning Olayannie ah! Tigilan mo iyan kung ayaw mong ako mismo ang magtapon sayo sa mental. Wala lang iyun!
  Hinapit niya ako sa bewang and now sobrang lapit na ng mukha namin. Ang gwapo talaga ng lalaking ito..Hayyyzzz naku!
   Hinaplos niya ang mukha ko pababa sa isa kong kamay tapos nag-angat ng tingin

“Don’t mind me busy lang ako masyado. Sasamahan ka naman ni Ate bukas diba?”
  Tumango lang ako.

“If you have problems just call me. If you might happen encountered dilemma in choosing some details on our wedding”
sabay pisil sa ilong ko “Kaya mo na iyun matalino ka naman diba?” he smiled.

“Feeling mo lang iyun"

He smiled “Kaya mo iyan..Ikaw pa! There is nothing Bokrang can’t do”

“Huh?”

“Wala…matulog na tayo”

“Xander parang iba ka yata ngayon?”

“Bakit naman?”

“Ewan ko” nagkibitbalikat lang ako “Ayaw mo na ba akong pakasalan?”

“Ano ka ba kung anu-ano naman iyang pinag-iisip mo” niyakap niya ako

“Wala lang kasi…baka nagbago na ang isip mo”

“Hmmm?”
  Tinampal ko iyung kamay niya

“Magseryoso ka nga Xander! Kakainis ka naman eh” pinaningkitan ko siya ng mata. Nabubwesit ako sa jitters na ito baka akala mo ha!

“Hahaha, Ano ka ba naman Bokrang adik ka na naman eh”

“Nakalimutan kong humithit ngayon kaya di ako adik ngayon noh”

“Hindi nga?”

“Naman eh!”

“Mahal kita…at pakakasalan kita kahit saang simbahan”
   Awww….para namang may humaplos na kamay sa aking puso. Ang sweet talaga ni Xander. Promise hinding hindi kita lolokohin. Last na iyung pagiging Maid ko. Promis iyun Lord!

“Mahal na mahal din kita”

“Sana nga” mahinang sabi ni Xander…peru di ko na rin pinansin.









****

“Anak talaga bang hindi mo sasabihin ang totoo kay Xander?”

“Nay, gustuhin ko man baka hindi niya ako mapatawad. Ayokong mawala siya saken, hindi ko kaya iyun”
  Sinundo ko sila Nanay mula airport peru dumiritso muna kami sa isang restaurant.

“E ate paano kong si kuya Xander mismo ang makadiskubre ng sekreto nyo ni ate Sab?”

“Ewan ko?” naiisip ko palang nga iyun nasisiraan na ako ng loob. Peru kung walang magsasalita, wala namang makakaalam nun. Sana nga lang

Maid and Boss (DonBelle)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora