Chapter 40

1.1K 37 0
                                    

Sinubukan kong halungkatin ang mga lumang gamit ni mama sa bodega. Hindi pa naman iyun naitatapon. Nabuksan ko na ang lahat ng mga karton na may gamit nito peru wala akong diary na makita.

Tiniklop ko ang sleeves ng damit ko hanggang siko. Sinubukan ko uling tignan ang iba pang box. May nakita akong isang maliit na lalagyan ng sapatos, medyo luma na iyun at punong-puno na ng alikabok.

Kinuha ko iyun at umupo sa isang lumang sofa doon. Nang binuksan ko iyun ay puro lumang envelope   ang laman nun. Mga lumang larawan na kuha noong mga bata pa kami kasama si mama. Nakita ko din doon ang mga cards na binibigay ko sa kanya. Lahat ay pinaglumaan na ng panahon. Nahagip ng aking paningin ang isang envelope na may pangalang Xander. Kinuha ko iyun at ibinaba ang box. Binuksan ko ang envelope at inilabas doon ang isang nakatiklop na papel.

I started reading it...



Mahal kong Xander,
patawarin mo ang iyung mama kong iiwan ko man kayo. Hindi ko gustong iwan kayo ng ate mo peru kailangan kong gawin ang nararapat dahil ayokong madamay kayo sa away naming magkapatid. Kailangan kong sundin ang gusto ni Kuya Risen para hindi niya kayo masaktan. Noon paman ay galit na ang Tito Risen mo saken peru hindi ko alam kong bakit. Siguro dahil mas pinili ni Papa ang mama ko kaysa sa ina nito. May dalawang kapatid ako sa labas, si Kuya Risen at si Miles na ka-edad ko lang. Matagal na biyayaan ng anak si ina kaya nakagawa ng kamalian ang iyung lolo. Gayun paman ay mas pinili niya kami. Nang mamatay ang ina nila Kuya Risen ay kinupkop sila ng iyung lolo. Ngunit lumayas si Kuya Risen kasama si Miles. Nang muli kaming magkita, ikakasal na ako sa iyung ama. Nalaman kong nagpakamatay si Miles, Isa din pala ito sa mga babaeng pinaasa ng iyung ama noong hindi pa siya nagbabago. Nang malaman nito na mas pinili niya ako ay nagpakamatay ito. Galit na galit saken si kuya Risen at sinabi niya saken na maghihiganti siya. Ngayon, kong hindi ko siya bibigyan ng pera at hindi kayo iwan papatayin niya kayo, kaya mas pinili kong ako nalang ang lalayo para sa inyo. Mahal na mahal ko kayo anak. Patawad man kong iiwan ko kayo, kung may magagawa lang ako....nais kong mas makasama kayo ng matagal. Hindi ko alam kong anong pwedeng gawin saken ni Kuya Risen, peru handa ako kung ano man iyun. Handa akong masaktan para lang sa inyo. Mahal na Mahal na Mahal kita Xander....sabihin mo din sa ate mo na mahal na mahal ko din siya. Sana mapatawad ako ng iyung ama. Hindi ko man ito masabi ng personal sa inyo peru nagpapasalamat ako dahil binigay niya kayo saken.

Paalam...







"M-Mama....m-mama" napayuko ako at hindi ko mapigilang maiiyak. Pakiramdam koy may pumipiga sa lalamunan at dibdib ko.

Kinamuhian ko siya ng mahabang panahon peru wala naman pala siyang ginawang masama!

"I-I'm sorry mama....I'm sorry...m-mama....patawarin nyo ako..."

Bakit kailangan pang mangyari sayo to ma? Bakit?

"Bakit? Bakit kay mama pa?!"

"Xander?"















Olayannie's POV


Bumaba ako sa basement ng bahay, sabi kasi ni Nanay Rosa baga nandoon si Xander dahil kanina tinanong siya nito kong nandoon parin ba iyung mga gamit ng ina nito. Madilim at marami ng sapot ang basement, may nakita akong ilaw sa likod ng naka-pile na mga karton. Lumakad ako doon at nakita ko si Xander na nakayuko...umiiyak.

"Bakit kay mama pa? Bakit?"

"Xander?"

Lumapit ako sa pwesto niya. Hindi ito lumingon saken.

"May problema ba?" umiiyak nga ito, bakit kaya umiiyak si Xander?

"Ang sama nila...senit-up nila sa mama. Pinatay nila ang mama ko...P-pinatay nila si mama" muli 
itong napahagulgul ng iyak. Niyakap ko siya at pati ako naiiyak. Ngayon ko lang nakita si Xander sa ganoong sitawasyon. Para itong batang inagawan ng laruan ng mga kalaro.

"Hush..."

"Nagalit ako kay mama....Kinamuhian ko siya sa pag-aakalang ipinagpalit niya kami sa ibang lalaki peru..." he cried brokenly "Peru ginawa lang pala niya ang nararapat para sa...amin...Ang sama- sama ko...ang sama ko!”

"Hush, Xander, huwag kang magsalita ng ganyan..."

This man had been miserable all his life dahil sa galit nito sa kanyang ina. Nauunawaan ko kung magalit man siya sa ina nito dahil kahit ako ganoon din ang mararamdaman. Peru ang malaman na wala pala itong kasalanan ang pinakamasakit!
Nagawa mong magalit sa isang taong gusto lang palang iligtas ka sa mga taong pwedeng magpamahak sayo. Napaka-unfair nga siguro ng buhay peru kahit ganoon kailang nating tanggapin kong ano man ang mangyayari sa atin o sa dadating pa sa buhay natin.
  Hinagod ko ang likod nito, pilit pinapatahan ang batang si Xander. Ngayon, hindi ang lalaking palaging masungit at kunotnoo ang kayakap niya kundi isang batang Xander na naghahanap ng kalinga ng isang ina. Hindi ko mapigilang maiiyak. Bakit kailangang danasan ito ni Xander...
Ngayon ko lubos nauunawaan kong bakit ilag ito sa mga tao.

Natatakot itong iwan ng mga taong mamahalin niya..

Natatakot itong magmahal

Natatakot lokohin

Natatakot mag-isa

"It'll be alright" I soothed him "Magiging okay rin ang lahat,wala kang kasalanan. Mahal ka ng iyung ina....at hindi siya galit sayo" hinawakan ko ang mukha niya at masuyo itong nginitian "Tandaan mo, mahal ka ng mama mo, okay"

"Olayannie?"

"Huwag ka ng magdrama jan, ano ka ba?" sinubukan kong tumawa "Hindi bagay sayo ang best actor! Ikaw lang kaya si Best Male Sungit" hinaplos ng isa kong kamay ang mukha nito "Kaya huwag ka ng umiiyak diyan. Alam kong masaya na ang mama mo ngayon, dahil dito" bumaba iyun sa dibdib ni Xander kung saan ang puso nito.

"Dahil diyan?"

Tumango ako "Tama, ako nararamdaman kong masaya na sila mommy at daddy sa langit. Kasi iyun ang sinasabi ng puso ko. Ikaw, hindi mo ba naririnig ang sinasabi ng iyung puso?"
Tumahimik ito at tinignan ako sa mga mata "Olayannie,"
 
"Hmmm?"

Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha nito saken. Nagulat man at malakas ang tibok ng puso hinintay ko hanggang sa maglapat ang aming mga labi. Buong puso ko naman itong tinugon.

"Olayannie..." huminto ito pinagdikit ang aming noo, malalim ang hininga "Please...huwag mo na akong iwan"

Napatitig ako sa mga mata nito "X-xander?"

"I'll promise...I'm going to make it right this time" ngumiti ito saken.

Hindi ako makapagsalita. Totoo ba ito?

"Xander..." pinipigilan kong maiiyak

"Just give me time to settle this one, then will talk, just trust me, can you?"

Masang tumango lang ako at niyakap siya. Hindi ko mabigyan ng deskripsyon ang nararamdaman ko ngayon. Sa wakas matutupad na rin ang matagal ko ng dasal. Magiging masaya na kami. Salamat Lord, astig nyo talaga saken!

"Just Trust me..."

"I will"

And this time, ako na humalik sa kanya na buong puso din nitong tinugon.

Maid and Boss (DonBelle)Where stories live. Discover now