Chapter 39

1K 36 0
                                    

Simula ng gabing iyun ay naging maganda na ang turingan namin ni Xander. Mas okay pa sa alright. Minsan nakikita ko ng ngumingiti si Xander. Feeling ko nga unti-unti ng bumabalik ang dating Xander na nakilala ko. Ay ang saya nun!

Nakakinis lang talaga ang mokong na iyun!

Echusera lang talaga minsan!

Hindi daw concern?

E akala mo may sunog mabilis pa sa bombero ang isang iyun kapag may nangyaring hindi naman ganoon ka lala, nagiging madrama lang talaga.

Denial King Talaga!

Peru kahit na masaya parin ako hihihi

Nagtitiklop ako ng mga damit ni Miguel sa kwarto nito nang biglang pumasok si Xander. Napatingin ako sa kanya.

"Aalis na ako"

Tulad nalang niyan, nagpapaalam siya saken kapag aalis siya o matagal makakauwi. O diba ang sweet lang. Ay teka aalis siya? Diba sasama siya saken sa monthly check-up ni Miguel?

"Aalis ka? Akala ko ba sasama ka samen ni Miguel?"

"May kailangan lang ako kausapin magkita nalang tayo sa Hospital"

"Ah, okay" nginitian ko lang siya. Pa kiss naman diyan oh hihihi!

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan? May yaya naman si Miguel ah"

"Okay lang, nasanay na kasi akong personal na inaasikaso si Miguel"

"Gaya ng ginagawa mo saken noon..."

"H-Huh?"

"Nothing, magkita nalang tayo mamaya"

May sinabi siya?

Aisssh! Sayang di ko narinig.

"Okay" mapagpatuloy nga ang pagtitiklop.

Aalis na sana ito ng biglang humarap saken, nakakunot ang noo na naman ang noo. Halika nga dito alisin natin iyang kunot noo mo with a kiss.

"Mind if I kiss you?"

Natigilan ako. Ano iyun? Tama ba ang na-hearing ko o nawewendang na ang tenga ko? Iniisip ko lang iyun kanina ah...Hala!

"H-Huh?"

Tinuwid nito ang distansiya sa pagitan naming dalawa at hinalikan ako sa mga labi. Oh my ghad! Smack lang iyun peru...

Oh my Ghad!! Gracious Human Being!

Did he just kissed me? Napatingin ako kay Xander.

"I have to go" sabay alis.

Hinawakan ko ang labi ko. My gosh! Hinalikan nga ako ni Xander. Bumukas yata ang pinto ng langit. Echusera ka Olayannie, OA ka masyado. Aissh, basta hinalikan ako ni Xander..aww

"Uyy, nakita ko iyun mommy"

"Shshshs, quiet ka lang"

Lumapit si Xander saken at bigla akong hinalikan sa pisngi.

"O para saan iyun?"

"Like father like son eh"

"Echusera ka din anak. Manang-mana ka sa daddy mo"

"May ganun?"

"Halika ka nga dito pa-kiss" pinugpug ko ang mukha niya ng halik "Ang cute-cute mo talaga! Hmp.."

"Tama na mommy hihihi, ang kulit mo naman eh"

"Ay talaga, oh ito pa...magsawa ka"













Maid and Boss (DonBelle)Where stories live. Discover now