Chapter 3

17.5K 360 15
                                    

Chapter 3: Rent

Ciara / Cyienna

Kanina pa ako naglalakad sa mall. Nakabili na rin ako ng mga school supplies 'tulad ng sinabi ng Dean, ang problema lang ay ang uniform. Hindi ko alam kung saan ba ako makakabili, meron naman siguro sa isang store, ano? Sana meron.

Nakapag-lunch na rin ako pero konti lang dahil kailangan ko rin magtipid. Ten thousand na lang ang meron ako at kailangan ko pang tipirin 'yon! Wala akong pagkukunan ng pera!

Lumabas na ako ng mall, maayos naman ang lakad ko para sana umuwi na kaso sa kamalas malasan, umulan nang malakas. Ang tirik tirik ng araw kanina tapos uulan? Ano 'to gaguhan? Nakakainis naman, magchecheck out pa naman na sana ako!

Naghintay muna ako sa waiting shed tutal wala na akong balak maligo, at isa pa mababasa ang mga papel ko.

"Ay, malas!" Sigaw ko nang may kotseng mabilis na dumaan sa baha kaya ang ending sa harap ko mismo tumalsik. Nabitawan ko pa ang hawak ko bago mag-angat ng tingin. "Ang malas na nga ng araw ko tapos dadagdagan pa." Napunit ang paper bag.

Buti na lang talaga may plastic ang mga papel. Inalis ko rin ang tubig sa damit ko bago ilapag ang gamit sa upuan. Basang basa ang jeans ko.

"Tanga."

Kusa akong lumingon sa kaliwa. May lalaking nakatayo doon, nakapayong siya kaya hindi ko makita ang mukha, nakahoodie na itim at simpleng shorts.

"Ako ba ang sinasabihan mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"What do you think?" Wait, si Asul 'to, ha?!

"Hoy! Ikaw na naman?! Hanggang dito na naman nakasunod ka?!" Siya yata ang malas, e! Simula nang makita ko siya kanina sa eroplano sunod no'n kamalasan na!

"Excuse me, my condo was there." Tinuro niya ang likod ko. Nilingon ko 'yon at may condominium nga.

Sana all.

"Ah, gano'n ba? Akala ko stalker ka." Kinuha ko na ang mga gamit na binili ko. "Ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na. Huwag mong sabihin na gusto mong sumakay ng taxi papunta lang sa condo mo. E, tatawid at iikot ka lang naman."

"Okay." Basta basta niya ako iniwan.

"Hoy! Ano... may paper bag ka ba d-d'yan?" Bakit ka nautal? Anak ng. "Paglalagyan lang nito."

Lumingon siya at bumaba ang tingin sa hawak ko. "Nothing." Ang tipid niyang magsalita.

"O, sige." Sariling sikap ko na lang 'to. Kaya ko naman, e.

"But I have it in my condo."

"Nakakahiya naman. Huwag mo ng kunin, ayos lang sa 'kin. Don't need to worry about me naman. Ayos lang talaga, promise," sabi ko.

Tumaas ang isang kilay niya. "Who said I'll get that just for you?"

Natawa ako. "Nagbibiro lang ako. Makaalis na nga." Inayos ko muna ang buhok ko.

"Are you stupid? Don't you see? It's raining," hinila ni Asul ang damit ko.

"'Wag ka ngang manghila, tsaka kailangan ko ng magcheck out sa hotel hanggang ngayon lang ako. Maghahanap pa ako ng matitirhan kaya nagmamadali ako." Speaking of... may alam kaya siya? "Anyway, may alam ka bang apartment? Iyong sapat lang sa budget ko."

"You're looking for an apartment?"

"Oo nga, kakasabi ko lang. Wala kasi akong bahay, iyong mura lang. Mag-suggest ka naman, pambayad sa nangyari kanina."

"I don't know, stop asking me. But I have a suggestion. Well, it's kind of... room. Room for rent to be exact." Okay... bakit kailangan nakangisi siya? May binabalak 'to, ano?

A Runaway Royalty (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant