Chapter 10

12.8K 336 27
                                    

Chapter 10: Deal

Ciara/Cyienna

Paglabas ko sa entrance ng condo, sumakay agad ako sa taxi na pinara ko. Pero hindi ko pa naisasara ang pinto ay may pumigil na agad.

Nag-angat ako ng tingin. “Ano na naman?” Tanong ko kay Luther nang makita siya sa harap ko.

“Aalis ka talaga?” Umiwas siya ng tingin.

“Oo nga, ‘di ba? Alis na nga.” Sinara ko ang pinto pero binuksan niya lang. “Ano ba? Isara mo nga!”

“You’re not joking?”

“Mukha ba akong nagjo-joke? Syempre, hindi! Alis na nga kasi!” Sinara ko ulit ang pinto para makaandar na si manong driver. “Kingina naman!” Inis na sabi ko nang buksan na naman ni Luther ang pinto.

“Is that a bluff? I mean, you know…” Ano ba ang trip nito?

“Aalis na ako! Okay?! Aalis ako kaya pwede ba umalis ka na!” Tinulak ko siya para maisara ang pinto. “Kuyang driver, tara na!” Sinunod naman niya ang sinabi ko kaya naiwan na mag-isa si Luther.

Nilingon ko pa ang bwisit at nakita kong sunod sunod niya ng tingin ang sasakyan. Wala pa siyang slipper! Hindi ko na siya pinansin dahil nawala na siya sa paningin ko.

“Nag-away po ba kayo ng boyfriend niyo, ma’am?”

Tumingin ako kay Kuyang driver. “Ay, hindi ko po ‘yon boyfriend. Wala po akong boyfriend.”

Natawa si Kuyang driver. “Bakit parang ayaw po kayo paalisin?”

Sumimangot ako. “Hindi, Kuya, ha! Mas pabor nga sa kaniya na umalis ako sa condo niya. For sure, masaya na ‘yon,” tanging nasabi ko.

Natawa lang si Kuyang driver at hindi na nagsalita. Kinuha ko ang papel kung saan nakasulat ang address na bigay ni Rona. Bumaba ako sa tapat grocery store dahil ang sabi ni Rona sa message, doon drw ako bumaba at mag-tricycle nalang papunta sa apartment. E, kaso tag-tipid tayo kaya maglalakad lang ako! Pumasok muna ako loob ng grocery store para bumili ng mineral water dahil uhaw na rin ako.

Natigilan lang ako nang may makitang mga lalaki na nakasuot ng black uniform, iyong parang bodyguard? Napatingin rin sila sa akin kaya kinabahan agad ako baka kasi kung ano na ang mayroon. Hmm, may shooting o taping kaya?

“What are you looking at, Miss?” Ay, babae pala ‘tong isa. In fairness ang ganda niya… pero mas maganda pa rin ako. Walang tatalo sa tinataglay ko.

“Kukuha kasi ako ng tubig. Alis ka dyan,” turo ko sa likod niya kung nasaan ang mineral water. “Excuse me. Hehe.” Nakakatakot naman ng aura niya, parang Mama ko lang!

Umalis naman siya pero nakita ko pa ang pag-irap niya na agad niyang inayos. May kinuha siya sa bulsa pero hindi ko na pinansin.

“Wilkins… ayoko n’yan. Mapait sa bibig.” Maarte ako pagdating sa mineral water. Kinuha ko ang absolute water dahil ‘yon ang afford ko, hindi ko lang talaga afford ang wilkins.

Dumiretso ako sa cashier para magbayad. Binaba ko ang one hundred at nagbayad. Kinuha ko agad ang sukli pero napatingin pa ako sa telephone kasabay sa pagsagi ni Mama sa isip ko. Wala namang masama kung tatawagan ko siya, ‘di ba?

Lumapit ako doon para tawagan ni Queen mother ko. Hindi ko kabisado ang number niya kaya naghanap pa ako sa list ko. Nagdial ako bago tinapat ang telephone sa tainga. May sumagot naman agad.

“[Hello? Marcielo residence, who is this?]” Hindi ako nakasagot nang mabosesan ko kung sino.

Si Tito Jasver ko! Ang pinsan ni Mama.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now