Chapter 9

13.1K 315 18
                                    

Chapter 9: Leave

Ciara/Cyienna's

Kanina pa ako tapos mag-lunch, nagdadaldalan lang kami nila Jillian dito. Ang saya nila kasama, sobrang ingay rin Jillian compared kay Rona na lagi siyang sinasaway sa kaingayan niya. Napag-usapan na rin namin ang tungkol sa mga buhay namin. Mag-pinsan talaga si Rona at Lawrence, magkapatid ang father's nila. Bali same sila ng surname which is Abella.

Lawrence Russ Abella pala ang pangalan niya. In fairness bagay sa kaniya, pogi rin naman siya kaso medyo nakakainis pa rin siya.

At si Jillian naman ay best friend talaga ni Rona! Sana nandito rin ang best friend ko, nasa US kasi siya at panigurado... katulong 'yon ni Mama para lang mahanap ako. Knowing my best friend, alam no'n kilatcha ng bituka ko.

Lahat nga yata ng sikreto ko sa buhay alam noon kaya kung sakaling mamamatay ako, kailangan kasama siya. Dahil alam niya ang buhay at sikreto ko. Tsaka, totoong siya lang ang may alam ng buhay ko. At isa pa bago kami maghiwalay dalawa, may nasabi ako sa kaniya.

"Basta kapag ako nawala sa US, nasa Pilipinas lang ako. Hinahanap si Papa o baka nag-eexplore." Gusto kong matawa sa sinabi kong mag-eexplore ako, hindi ko 'yon magawa dahil wala akong pera.

Nakikitira nga lang ako kay Luther.

"Doon kita hahanapin kung sakaling mawala ka."

Ang tanong... nahanap na niya ba ako? Magaling akong magtago kung alam niya lang.

"What about you? Don't you have a family?" Tanong ni Jillian kaya nakuha niya ang atensyon ko. Hinahalo pa niya ang mango shake, tumingin pa siya sa akin at hinintay ang sagot ko.

"Wala." Mayroon... Mama ko kaso tinakasan ko dahil gusto niya ako maging Reyna sa Palace, e, ayoko no'n. Mukha bang gusto kong maging Reyna? Kumilos nga na bilang Prinsesa hindi ko magawa, e, paano pa kaya maging Reyna?

"I mean, Mom or Dad?"

Umiling ako. "Wala, hindi ko kilala ang Papa ko."

Hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula para hanapin siya. Walang father's name na nakalagay sa birth certificate ko, wala rin akong picture kahit yata si Mama, wala.

"Ever since you were born?"

Tumango ako. "Oo," sagot ko.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now