Chapter 45

10.6K 230 36
                                    

Chapter 45: DNA

Cyienna / Ciara

Sobrang panlalamig ang nararamdaman ko. Ang bigat ng ulo at katawan ko. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ng ulo ko. Ang init rin ng mga mata ko.

Parang gusto ko nalang matulog. Napatingin ako sa sarili ko dahil ramdam ko

"How is she?" Narinig ko ang isang baritonong boses.

"She's doing well, sir. Mataas lang ang fever niya pero magiging maayos rin ang pakiramdam niya. She needs to rest,I suggested na huwag niyo munang pakilusin," iyon ang huli kong narinig bago ako makarinig nang pagsasara ng pinto.

Hinilot ko ang noo ko pero napatigil rin nang may mahawakan na cool fever. Ano ako bata? Amp, pang-baby 'to, eh! Hindi na ako nagsalita dahil wala namang nakikinig.

Dahan-dahan kong inalis ang blanket para makatayo. Napatingin ako sa buong lugar. Iba ang kwartong 'to, sakto lang ang laki at walang kabahay-bahay. Sakto naman na may pumasok sa kwarto.

Nagulat pa ako nang makita si Tito Lane.

"Hala, Tito," naubo ako, hinaplos ko ang dibdib ko habang nauubo. Nang mawala kaagad akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Ano pong ginagawa niyo dito? At saka ako po, nasa forest po ako 'di ba?"

"One of my men found your unconscious body in the forest. When my son called me that you were missing, I didn't think twice just to look for you. Weird, it got me worried."

"Kung gano'n... salamat po," sabi ko at ngumiti. "Pero sina Luther po, baka nag-aalala na 'yon sa akin."

"Don't worry, they already know that you are here and safe," sabi ni Tito. "Wait, how did you get stuck in the forest?"

"Na-tripan po kasi namin na mag-camping around sa forest kaso nawala po ako at sa kamalas-malasan ay nakasama ko ang bruha kong kaklase, inutusan pa niya akong pumunta sa isang lugar 'yon pala iiwan niya ako. Super nakakairita siya," siguro kung nandito si Mama, maiinis rin siya. "Goods na nga kami ni Eloisa tapos pabida 'yong Audrey na 'yon? Paka-epal talaga sana-." Natigilan ako sa pagsasalita nang mapansin na halos pag-aralan niya ang mukha ko. "Bakit po kayo nakatingin?"

"Is that your eyes? I mean true color eyes," nakatingin siya sa mata ko.

Tumango ako. "Opo, natural ang kulay ng mata ko kasi sabi ni mama nung nasa tummy niya ako mahilig siya sa violet. Lagi niya pong kinakain ay violet. Buti nga po hindi ko naging kamukha si barney, e."

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Bakit nga po pala natanong niyo?"

"I thought having violet eyes is kinda unique," aniya.

"Uh, unique nga po. Kaming dalawa lang ni Mama ang may ganitong mata pero nagsusuot siya ng contact lenses dahil ayaw niyang makita ng iba ang mata niya, arte ni Mama, ano?"

"Oh, your Mom has violet eyes..." bulong niya. "You know what? I know a woman who has violet eyes aside from you."

"Talaga po? Sino?" tanong ko kaagad.

"Sir. Lane! Nandito na ang mga pagkain sa baba!" sulpot bigla ni Khaos. "Uy, gising ka na pala. Kumain ka na."

Gutom na ako! Pero sino kaya 'yong tinutukoy ni Tito? Sayang hindi niya nasagot.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now