Chapter 50

10.7K 219 68
                                    

Chapter 50: The Past II


Ciara / Cyienna

Hindi ko alam kung bakit kami tumatakbo nina Mama kanina. Umiiyak siya kanina pa pero pilit siyang kumakalma tuwing nagtatanong ako. Si Tito Elorde... nakita ko... namatay siya. Binaril siya nung lalaki kaya natatakot ako dahil baka gawin rin sa amin 'yon. Ayokong maranasan 'yon! Ayokong mamatay si Mama, Papa, at Kuya. Pati ako. Ayokong mamatay! Natatakot ako.

Hawak ni Kuya ang kamay ko habang umaakyat kami. Ang sabi ni Mama mag-hide and seek daw kami pero hindi pa kami nakakapasok sa kwarto nang may marinig kaming gunshot.

Hinawakan niya ang magkabilang tainga ko. "Dito tayo." Napunta kami sa isang kwarto. "Dito ka lang." Inupo niya ako sa isang closet para magtago.

"Si Mommy?" Inosente kong tanong.

"Uh, basta magtago ka lang. Nandyan lang si Mommy." Ngumiti siya.

Muntik akong mapatili nang may biglang magpaputok sa bintana. Tinakpan niya ang bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay.

"Shit." Hinila niya ako para protektahan. He was hugging me tightly. Nang mawala, kaaga niya akong binitawan para makapagtago.

"Magtago ka lang, Cali, ha? Babalikan kita, babalikan ka ni Kuya..."

"Huwag mo 'kong iiwan..." hindi ko napigilan ang umiyak.

"Babalik din si Kuya, Cali. Dito ka lang habang magulo pa, please? Babalikan kita mamaya." Hinalikan niya ang noo ko. "Mahal ka ni Kuya, Cali."

"K-Kuya..." humikbi ako.

"Pupuntahan ko lang si Mommy at kapag nahanap ko siya. Ikaw naman ang babalikan namin at kung hindi naman, ako na lang ang babalik sa 'yo. Babalikan kita, Cali. Dito ka lang." Mabilis niya akong tinalikuran.

Iyon ang pinang-hawakan ko. Ang sabi niya, babalikan niya ako pero hindi nangyari. Nanatili ako sa closet hanggang sa maka-amoy ako ng usok.

"M-Mama..." naubo na ako dahil sa kapal ng usok. Umiiyak pa ako dahil hindi ko mahanap ang kapatid ko at si Mama. Si Papa, hindi ko mahanap.

Nasa ibaba na ako ng mansion. Ang daming apoy. Hindi ko alam ang gagawin! Hindi ko alam kung saan ako lalabas. Wala akong nagawa kundi ang umiyak lang.

"Cyan! Anak!" Si Mama! Nagulat ako nang makitang duguan siya, nakahawak siya sa balikat at sobra ang agos ng dugo. Ang putla ni Mama.

"Mama," tawag ko.

"Wait for me, okay? Mama will save you, d'yan ka lang." Tumingin siya sa paligid. Parang maiiyak na siya dahil hindi niya alam ang gagawin. May nakita siya na kung ano. "Anak, see that space? Tumalon ka doon, ha? At hihilahin kita para makatawid ka, kaya ba anak?"

Nagdadalawang isip pa ba ako tumango. Nakita ko ang pagbibilang niya. Nakatalon ako pero bago pa ako mahila ni Mama, may kung anong tumama sa ulo ko dahilan para mawalan ako ng malay.

Nagising lang ako, nasa Hospital na ako. May bandage sa ulo ko habang may nakalagay na kung ano sa bibig ko. Pumikit ulit ako dahil ang sakit ng ulo ko.

"Mama..." mahina kong tawag sa kaniya.

"Yes, it's Mama, how are you baby? Do you need anything?" agaran niyang tanong at sakto naman na dumating ang mga Doctor para tingnan ako.

Tiningnan nila ako at marami silang tanong pero ang sabi ko ayos lang ako. Wala nang nakalagay sa ilong ko. Nakasandal ako habang nakatingin kay mama.

"Mama, gutom po ako," sabi ko sa kaniya.

"Bawal ka pang kumain, anak. Let's wait for the Doctor, okay? Kapag sinabi niyang pwede ka nang kumain, I'll buy you a lot of food pero pagaling ka muna." Hinaplos niya ang pisngi ko.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now