CHAPTER TWO

0 0 0
                                    

CHAPTER ONE

"KAERAH POV'S"

Nagising ako sa isang kwarto na hindi ko alam kung nasaan ako, dahil hindi ito pamilyar sa akin. At bigla kung lang naalala ang mga nangyare kahapon, kaya naman ako'y nataranta, dahil diko alam ang aking gagawin. Kung paano ako makakatakas, kase pagkaka-alala ko ay meron dumakip sa akin.

Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto na kung saan ako ngayon naroroon. Niluwa nito ang dalawang lalaki na naka black suit na ikinatakot ko, dahil baka kung anong gawin nila sa akin.

"Boss, Narito po ang babaeng gusto ninyong makita" Saad nung isang lalaking naka black suit. Tapos biglang pumasok ang isang napaka gwapong lalaki, dahil sa matangos nitong ilong, mahabang pilik mata at makapal na kilay na masasabi mong napaka perpekto ng pagka kahubog ng mukha nito. At pansin mo ang matiponong katawan nito, dahil fitted na tuxedo ang suot niya.

"Sige pwede na kayong umalis" Saad nito sa cold na boses, kaya naman umalis na ang dalawang lalaking naka black suit at naiwan nalang kaming dalawa dito sa kwarto na ikinatakot ko, dahil hindi ko alam ang pakay niya sa akin kung bakit inutusan niya ang kanyang mga tauhan para ipa-dakip ako.

"Sino ka, Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko na may halong takot sa aking boses.

"Nakalimutan mo na ba ang lahat ng nangyare sa atin sa Luxurious Hotel Bar?" Nakangisi nitong saad na ikinagulat ko, dahil siya pala yung lalaking nag-nakaw ng aking virginity. Kaya naman tumayo ako para sampalin ito, dahil sa aking galit.

"Walang hiya ka kung di dahil sayo hindi mangyayare ang lahat ng ito!!." Pagtayo ko sa aking pagkaka-upo sa kama para sampalin ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Ngunit akmang sasampalin ko na ito ay nasalo niya ang aking kamay tapos tinulak ako sa kama, kaya napalugmok ako.

"Baka nakakalimutan mo babae, tumugon ka sa aking halik, kaya diko na napigilan pa ang aking sarili." Paliwanag nito, kaya wala na akong nagawa pa kung di umiyak, dahil wala na akong magagawa pa.

"Pero kung hindi ka pumunta sa aking kwarto ay hindi mangyayare ang lahat ng ito" Nanginginig kung sagot kasabay ng aking pag-iyak, dahil diko matanggap ang mga nangyayare, kase dapat kakasal na kami ni kevin pero nasira ang lahat ng dahil lang sa pangyayare sa Luxurious Hotel Bar.

"Hahahahha...nagpapatawa ka ba babae? Alam mo bang kwarto ko ang pinasukan mo?" Tanong nito habang tumatawa na ipinagtaka ko, kase doon ako dinala ni Rica para mag pahinga. Pero bigla naalala ko ang sinabi ni Rica kahapon, kaya napuno ng galit ang aking puso. Dahil hindi ko akalain na kaya nyang gawin ang lahat ng ito sa akin.

"Oo nga pala may maganda akong balita para sayo" Saad niya na nakangisi kaya naman na curious ako kung ano ito. Binuksan niya ang Tv na nasa harapan ko at bumungad sa akin ang isang balita na ikina durog ng puso ko ng subra.

[ NEWS TV]

Usap- usapan ngaun ang magaganap ng kasalan ng dalawang kilalang pamilya Smith at Lee kahit tapos na pangyayari. Dahil nagkaroon ng ibang lalaki "Luxurious Hotel Bar" ang Fiance ni Mr. Kevin Lee

Itutuloy ang kasalan ng dalawang pamilya ngunit sa pangalawa
Anak na babae na si Ms. Rica Smith ang ipapakasal kay Mr. Kevin lee

"Ngayon alam mo na, hindi ka mahalaga sa lalaking minamahal mo Kaerah Smith" Saad nito na ikinagulat ko, dahil parang alam niya lahat ang tungkol sa akin.

"Hindi ako naniniwala sayo isa lang itong kasinungalingan, Mahal ako ni Kevin!!." Sigaw ko, dahil diko matanggap na matapos ang limang taon namin magka relasyon ni kevin ay pipiliin niyang mag pakasal kay Rica na pinag taksilan ako.

"Isa itong katotohanan na kailangan mong tanggapin, Dahil kung mahal ka niya bibigyan ka niya ng pagkakataon mag paliwanag"

"At isa pa dika man lang niya tinulungan at hinabol nung palayasin ka ng papa mo sa inyong bahay"

"Hindi karin niya hinahanap, tapos sasabihin mong Mahal ka ng taong minamahal mo!?."

"Nababaliw ka na ba babae!?"

"Ito ba ang pag-mamahal sayo!?"

Natauhan naman ako sa mga sinabi niya, dahil hindi nga ako binigyan ni kevin ng pagkakataon na mag paliwanag para itama ang lahat.

"Hahahhaha.." tawa ko nalang sa aking sarili, dahil piling ko ang tanga ko na mag tiwala sa kanila. Humarap naman ako sa lalaking harapan ko para tanuning ito kung ano ulit kailangan niya sa akin.

"Bakit ginagawa mo ang lahat ng ito?" Seryoso kong tanong sa lalaking nasa harapan ko.

"Simple lang naman babae"

"Marry me"

Saad niyang ikinagulat ko, dahil ni hindi ko siya kakilala at pangalawang araw palang namin na nagkita tapos gusto niya ako pakasalan?

"Nababaliw ba siya?" Nasa isip ko.

"Anong pinagsasabin mo, eh hindi ko nga man lang alam ang pangalan mo!?" Tanong ko kase hindi ako naniniwala sa sinabi niya.

"I'm kyle Voltaire, and I said marry me kung gusto mo mag higanti sa kanila, dahil ako lang ang makakatulong sayo." Mahaba niyang paliwanag.

"Okay" Naisagot ko nalang dahil ang tanging laman ng puso ko ay ang paghihiganti at wala ng iba pa.

The Revenge Of Boss Mafia WifeWhere stories live. Discover now