CHAPTER ELEVEN

0 0 0
                                    

"KAERAH POV'S"

Nagulat ako ng hilahin ni Kyle ang aking kamay papunta sa kaniyang abs. Kaya dama ko ang matigas niyang abs sa aking kamay. Tiningnan ko ang aking kamay sa abs ni Kyle na matigas, kaya biglang namula ang aking mukha.

"WAHHHH!!..Anong ginawa mo!?" Sigaw ko tapos mabilis na umalis sa banyo, dahil sa subrang hiya ko. Kase first time ko makahawak ng abs ng lalaaki. Naiwan naman si Kyle sa banyo pero lumabas rin ito pagkalabas labas ko. Ngunit nagulat ako ng wala na siyang damit na lumabas galing banyo.

"Waahh..Bakit wala kana ng damit?" Takip ko sa aking mata habang namumula ang aking mukha. Dahil mas nakita ko ang hubog ng katawan ni Kyle na maskulado.

"Bakit siya nag hubad?" Tanong ko sa aking sarili, dahil kinakabahan ako kase baka may plano siyang gawin sa akin. Kaya lalong namula ang aking mukha ng maisip ang mga pwede niyang gawin sa akin dito sa kwarto.

"Grabe ano na itong mga nasa isip ko" Saad ko sa aking sarili.

"Hehehhe..Basa na kasi ang damit ko at hindi na ako komportable, kaya hinubad ko." Na buhayan naman ako sa sagot ni Kyle, dahil wala pala siyang ibang plano pero di ko alam kung bakit may kunting dissapointment akong naramadaman.

"Wahhh..self anong iniisip mo?" Tanong ko ulit sa aking sarili at parang nababaliw, dahil hindi ko na maintindihan ang halo halong emosyon na meron ako ngayon.

"Ehhh..diba gusto mo naman ito mahawakan at makita, kaya pagbibigyan kita na makita ang katawan ko."

"Gusto mo pati yung nasa ibaba ko hubarin ko narin?" Pang-aasar ni Kyle sa akin habang nakangiti na kinapula ulit ng mukha ko, at hindi nag dalawang isip na batuhin si Kyle ng unan.

"Wahhh..BAstos to..umalis ka na nga dito, dahil may pasok pa tayo sa trabaho" Pag taboy ko kay Kyle, dahil baka hindi ko na makaya pa ang hiya na meron ako ngayon. Kaya pwersa ko sya tinulak ito palabas ng aking kwarto.

"Huhuhh...sa wakas" Saad ko sa aking sarili na nakahinga na ng maayos.

Makalipas ang ilang minuto na paghahanda ay umalis na kami ni Kyle para pumasok ng trabaho. At ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa company, pero pinauna ko na muna si Kyle sa office, dahil baka pagka halataan kami ng mga employees dito na may relasyon.

Ang gusto ko lang kase ay lihim muna ang relasyon namin ni Kyle bilang mag-asawa para maiwasan ang mga chismiss dito sa kompanya.

Habang naglalakad ako papuntang elevator ay nakasalubong ko si Faith na dating secretary ni Kyle. Pero sinamaan lang niya ako ng tingin at hindi pinansin, kaya pinabayaan ko nalang ito at sumakay na sa elevator. Maraming sakay dito sa elevator, kaya nasa likuran ako.

"Grabe nabalitaan mo ba yung nangyari kay Astrid?"

"Hala anong nangyare?"

"Balita ko natanggal daw si Astrid sa trabaho, dahil binangga niya ang bagong Personal Secretary ni Boss Kyle"

"Hala, Grabe masama palang banggain ang bagong secretary ni Boss Kyle"

"Kaya nga eh, siguro may something sa dalawa kaya nagawang tanggalin ni Boss Kyle si Astrid, dahil lang sa away na naganap sa pagitang ni Astrid at Secretary niya.

"Siguro"

Rinig kong chismisan ng mga babae sa aking unahan. Kaya naman natahimik nalang ako sa likod para hindi nila ako mapansin. Kasi ang akward naman nun na narinig ko ang usapan nila tungkol sa akin.

Makalipas ang ilang minuto nakarating na ako sa Office ni Kyle kung nasaan ang aking table.

"Good Morning Boss!" Bati ko kay Kyle na nakangiti.

"Good Morning din Mrs. Voltaire" Bati sa akin ni Kyle na ikinagulat ko, dahil tinawag niya ako sa apelido niya. Kaya naman agad ako tumingin sa pintuan ng office dahil baka may nakarinig sa amin.

"Wahh..mautak talaga ang lalaking ito, sinabi ko sa kaniya na wag kami mag tawagan ng asawa dito dahil baka may makarinig at pag chismisan kami. Pero tinawag naman niya akong "Mrs..Voltaire". Nasa isip ko at naalala ang aking mga narinig kanina sa elevator.

"Wahhh...Di ba napag-usapan na natin ito na hindi tayo magtatawagan ng "Asawa" pag nasa office tayo?" Seryoso kong tanong kay Kairi.

"Pero hindi ko kasi matiis asawa ko"

"At wag ka mag-alala, dahil sound proof naman itong office ko. At walang nakakapasok rito ng hindi kumakatok." Paliwanag ni Kyle.

"Pero kahit na" Maikli kong sagot kay Kyle na ikinalungkot niya dahil bakas sa kaniyang mukha ang lungkot ng marinig ang sinabi ko.

"Bakit ba ayaw mo?, Hindi kaya mahal mo parin Kevin? At siya ang gusto mong tawaging asawa mo!?" Malungkot na sabi ni Kyle, kaya tila nabuhusan naman ako ng malamig na tubig sa aking narinig at nakaramdam ng lungkot.

"Hindi kaya Mahal ko pa nga si Kevin, at dahilan ko nalang na ayaw kong pagchismisan kami dito sa Company?" Tanong ko sa aking sarili na naguguluhan.

"No..hindi ko na mahal si Kevin at dahil na rin wala siyang kwentang lalaki at sana hindi ko nalang siya nakilala" Sabi ko sa aking isipan at buong tapang na sinagot si Kyle.

"Mali ka Kyle dahil hindi ko na Mahal ang walang kwentang lalaking katulad niya." Lakas loob kong sagot kay Kyle, dahil buo na sa puso ko na hindi ko na mahal si Kyle

"Ehh bakit ayaw mong tawagin kitang "Asawa?" Balik tanong ni Kyle, kaya sinabi ko na ang dahilan ko kung bakit.

"Gusto ko lang naman na maging patas ang trato mo sa akin at employees mo rito. Kasi ayaw ko na iba ang trato mo sa akin dahil lang asawa mo ako.

"Di ba ang unfair nun sa mga employees mo?"

"Tapos, syempre baka sabihin nila hindi ako qualified sa position ito, dahil kaya lang ako nakapasok kasi asawa mo ko"

"Gusto ko lang protektahan ang pride ko at pagkatao, dahil ayaw ko na pag bitanggan nila ako katulad ng ginawa ng pamilya ko. Ayaw ko na maulit pa ang pangyayari at pagkakamali na nagawa ko."

"Pero kung gusto mo ipaalam sa lahat na asawa mo ako ay hindi kita pipigilan kung iyan ang gusto mo. Dahil siguro nahulog na ang loob ko sayo. Dahil ikaw lang ang lalaking nag paramdam sa akin lubos na pag-unawa at tiwala na hindi ko nadama kay Kevin at sa aking Pamilya."

Mahaba kong paliwanag kay Kyle at bigla naman tumayo si Kyle sa kaniyang pagkaka-upo tapos pumunta papalapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit, kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"SORRY" Tanging narinig ko nalang kay Kyle habang yakap yakap niya ako ng mahigpit.

"Don't worry, hindi mo na mararamdaman ang sakit na dinulot nila sayo. Dahil mula ngayon hindi ko na pababayaan na saktan ka pa nila." Sabi ni Kyle at hinawakan ang dalawa kong pisngi at hinalikan ako, kaya naman di ko na napigilan ang aking sarili na tumugon sa halik ni Kyle at hinayaan ko sarili ko tumugon sa halik ni Kyle dahil , sinunod ko kung ano ang gusto ng puso ko nung mga oras na yun.

The Revenge Of Boss Mafia WifeWhere stories live. Discover now