CHAPTER FOUR

1 0 0
                                    

"KAERAH POV'S"

Narito na ako ngayon sa hapag-kainan kaharap si Kyle, Dahil umalis narin ako pagkatapos ko makinig sa usapan ng dalawang maid.
Napatingin naman ako kay Kyle, dahil naalala ko ang mga sinabi ng maid na ako pa lang ang babaeng dinala ni Kyle sa bahay na ito, kaya napaisip ako

"Kase sa subrang gwapo niya wala man lang siyang naging babae?" Nasa isip ko, kase hindi talaga ako naniniwala.

"Why are you staring at me?" Nagulat ako ng biglang magtanong si Kyle, kaya ako natauhan, dahil diko na namalayan ako pala'y nakatulalang nakatingin kay Kyle, habang iniisip ang bagay na imposible at hindi ako naniniwala na ako lang ang babaeng dinala niya dito sa kanyang bahay. Pansin ko naman ang inis sa mukha nito na aking ipinagtaka.

"Dahil masama ba titigan siya?" Tanong ko sa aking sarili, kase bakit siya naiinis eh tinitigan ko lang naman siya, kaya di ko na napigilan pang tanungin.

"Masama bang titigan ka?" Mataray kong tanong kay Kyle, kaya napatigil ito sa pagkain.

"Yes, because it's making me uncomfortable" Nagulat ako sa sagot niya kaya tinanong ko ulit ito kung bakit.

"At bakit naman?" Seryoso kong tanong, dahil bakit siya magiging uncomfortable?, eh tinitigan ko lang naman siya diba?.

"Dahil, di ko alam kung ano bang tumatakbo sayong isipan kung bakit mo ako tinitigan."

"Malay ko ba na gusto mo akong patayin, kase may galit ka sa akin?" Patanong niyang sabi at may dinugtong pa.

"O kaya gusto mo lang pagmasdan ang napaka gwapo kong mukha?" Dugtong niya, kaya bigla akong umiwas ng tingin kay Kyle, dahil namumula ang mukha ko sa hiya. Kase tama ang sinabi niya na pinagmamasdan ko ang kaniyang kagwapohan.

"Kapal mo, Hindi noh!" Deny ko at pinagpatuloy nalang ang aking pagkain, dahil sa hiya ko. Pero gusto ko talagang malaman kung ako lang ba talaga ang babaeng dinala niya dito sa kaniyang bahay. Diko alam sa aking sarili kung bakit gusto ko itong alamin. Kase ano bang pake ko kung marami na ba sya dinala si Kyle sa bahay niya, Diba?. Pero tila gusto ko talagang malaman, kaya hindi ko na napigilan pa na tanungin si Kyle.

"Kyle!, Ako lang ba ang babaeng dinala mo dito sa bahay mo!?" Tanong ko kay Kyle, kaya nagulat ito at nasamid. Kaya bago niya sagutin ang aking tanong ay uminom muna siya ng tubig, dahil sa kanyang pagkakasamid.

"Bakit mo naman natanong?" Tanong ni Kyle na halata sa mukha nito ang curiousity na malaman ang aking kasagutan. Kaya medyo nataranta ako, dahil hindi ko alam ang aking isasagot.

"Wala lang gusto ko lang malaman" Nasagot ko nalang, dahil wala na akong maisip pang dahilan.

"Bakit curious ka ba? Pero bakit ko naman sayo sasabihin?" Nakangisi niyang patanong na sagot sa akin.

"Kase asawa mo ako" Sagot ko na aking ikinagulat at napatakip nalang ako sa aking bibig, dahil di ko inaasahan ang aking sagot sa tanong ni Kyle. Kaya napatingin naman ako kay Kyle na halata sa kanyang mukha ang pagka-gulat sabay ngiti sa akin na tila inaasar ako sa kanyang ngiti.

"Naloko na, pero yun ang lumabas sa bibig ko?" Saad ko sa aking sarili.

"Hehehehe, Paano kung sabihin ko sayong "Oo" na ikaw lang ang babaeng dinala ko rito sa bahay ko, dahil gusto kita?" Nakangiting sagot ni Kyle na ikinagulat ko, dahil parang isang confession na ang ginawa niya. Ako naman ay hindi makagalaw sa aking kinatatayuan ngayon, dahil tila nagloloading sa aking isipan ang sinabi ni Kyle sa akin.

"Hah?" Nasabi ko nalang kay Kairi.

"Sabi ko gusto kita" Ulit niya sa akin. sa kaniyang sinabi, kaya tila nabigla ako, dahil totoo nga ang sabi nung dalawang maid na kaya ako dinala rito ni Kyle, dahil gusto ako ni Kyle.

"Nagbibiro ka ba?" Tanong ko kay Kyle na hindi parin makapaniwala sa sinabi niya.

"Ano ka ba? sabi ko, Gusto kita!" Medyo inis na sabi niya, dahil siguro paulit ulit ako kanina pa. Kaya naman bigla akong namula, dahil totoo nga ang mga sinabi ng maid kanina. Kaya dahil sa hiya ay hindi na ako nag-paalam na umalis para pumunta sa aking kwarto sa itaas.

"KYLE POV'S"

Diko na napigilan pa ang aking sarili na sabihin kag Kaerah na "Gusto ko siya" dahil sa naramdaman kong tuwa nung sinabi niyang "Dahil asawa mo ko" na hindi mawala sa aking isipan. Pero nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo at nagtatakbo papunta sa kaniyang kwarto na hindi man lang nag papaalam.

Pero pinabayaan ko nalang ito, dahil siguro nahihiya siya matapos kong sabihin na gusto ko siya. Ako naman ay masaya, dahil nasabi ko ang aking nararamdaman kay Kaerah.

Pumunta nalang ako sa aking study room para intindihin ang mga papeles sa aking kompanya. Pero natigil ako, dahil may biglang tumawag sa aking telepono.

"Hello boss, binigyan ka po ng invitation ng pamilyang "Lee" para sa nalalapit na kasal ng kanilang anak na si "Mr. Kevin Lee" Saad ng aking secretary sa kabilang linya na ikinatuwa ko dahil may pinaplano ako.

"Tanggapin ko po ba boss?" Tanong ulit nito kaya hindi na ako nag dalawang isip pang sumagot ng "Oo".

"Oo, At kailan naman ito gaganapin?" Tanong ko ulit para mapag handaan ko ito ng mabuti, dahil gusto ko isama si Kaerah sa kasal.

"Sa isang linggo po boss" Sagot naman ng aking secretary ko kaya pinatay ko na ang aking telepono.

"Magiging masaya toh" Saad ko nalang sa aking sarili at pinagpatuloy ang aking ginagawa.

The Revenge Of Boss Mafia WifeWhere stories live. Discover now